Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, HULYO 23, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,467 total views

Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Brigida, namanata sa Diyos

Mikas 7, 14-15. 18-20
Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Mateo 12, 46-50

Tuesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Bridget of Sweden, Religious (White)

UNANG PAGBASA
Mikas 7, 14-15. 18-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Patnubayan mo ang iyong bayan, Panginoon, ang bayan na iyong hinirang. Nag-iisa siya sa gitna ng matabang lupain. Bayaan mo silang manirahan sa magandang pastulan ng Basan at Galaad.

Magpakita ka sa amin ng mga kababalaghan tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan.

Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Ipamamalas mo ang iyong katapatan sa Israel at ang walang maliw na pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga magulang mula pa nang unang panahon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ikaw, O Poon, naging mapagbigay sa iyong bayan,
pinasagana mo’t muling pinaunlad ang bansang Israel.
Yaong kasamaan ng mga anak mo’y nilimot mong tunay,
pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan.
Ang taglay mong poot sa ginawa nila’y iyo nang inalis,
tinalikdan mo na at iyong nilimot ang matinding galit.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Kaya naman, Poon, ibalik mo sana ang iyong paglingap,
ang pagkamuhi mong aming nadarama’y limutin nang ganap.
Ang pagkagalit mo at poot sa ami’y wala na bang hanggan?
Di na ba lulubag, di na matatapos ang galit mong iyan?

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ibangon mo kami, sana’y ibalik mo ang nawalang lakas,
at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.
Kaya ngayon, Poon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 46-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Natitipon bilang isang komunidad, humingi tayo sa Diyos Ama para sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, sa ngalan ng iyong Anak, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tunay na pamilya, na may pananalig sa kalooban ng Ama at sa mga turo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y huwag magpasa ng mga batas na labag sa ating pananampalataya at moralidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya nawa’y maging tunay na magkakapatid sa turing sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa ayon sa kalooban ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y pakitaan natin ng pagkalinga sa anumang paraan upang mapagaan ang kanilang dinadala at matulungan silang patuloy na magtiwala sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa kanilang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, gawin mo kaming mga tapat na anak mo na masunurin sa iyong banal na kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 76,649 total views

 76,649 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 99,481 total views

 99,481 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 123,881 total views

 123,881 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 142,586 total views

 142,586 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 162,329 total views

 162,329 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 35,291 total views

 35,291 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 35,522 total views

 35,522 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 36,017 total views

 36,017 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 26,226 total views

 26,226 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 26,335 total views

 26,335 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top