Miyerkules, Abril 2, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,488 total reads

Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Isaias 49, 8-15
Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Juan 5, 17-30

Wednesday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 49, 8-15

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sabi ng Panginoon sa kanyang bayan:
“Sa araw ng pagliligtas sa iyo
ay lilingapin kita,
at tutugunin ang paghingi mo ng saklolo.
Babantayan kita at iingatan;
sa pamamagitan mo’y
gagawa ako ng tipan sa mga tao,
ibabalik kita sa sariling lupain
na ngayon ay walang kaayusan.
Palalayain ko ang nasa bilangguan
at bibigyan ng liwanag ang nasa kadiliman.
Sila’y matutulad sa mga tupang
nanginginain sa magandang pastulan.
Hindi sila magugutom ni mauuhaw.
Hindi rin daranas
ng matinding init ng sikat ng araw at sa disyerto
sapagkat papatnubayan sila noong isa
na nagmamahal sa kanila.
Sila’y ihahatid niya sa bukal ng tubig.
Gagawa ako ng lansangan sa gitna ng mga bundok
at ako’y maghahanda ng daan,
para siyang daanan ng aking bayan.
Darating ang bayan ko buhat sa malayo,
mula sa hilaga at sa kanluran,
gayun din sa Sevene sa timog.”

Kalangitan umawit ka!
Lupa, ikaw ay magalak,
gayun din ang mga bundok,
pagkat inaaliw ng Panginoon
ang kanyang hinirang,
sa gitna ng hirap ay kinahabagan.
Ang sabi ng mga taga-Jerusalem,
“Pinabayaan na tayo ng Panginoon.
nakalimutan na niya tayo.”
Ang sagot ng Panginoon,
“Malilimot kaya ng ina
ang sarili niyang anak?
Hindi kaya niya mahalin ang sanggol na iniluwal?
Kung mayroon mang inang
lumilimot sa kanyang bunso,
Ako’y hindi lilimot sa inyo
kahit na sandali.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit na ano ito ay mabuting lahat.
Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin;
yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 11, 25a. 26

Pagkabuhay ako’t buhay,
nabubuhay na sinumang
ako’y pinananaligan
ay di mapapanaigan
ng kamatayan kailanman.

MABUTING BALITA
Juan 5, 17-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ang aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayun din ako.” Lalong pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya, sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayo’y ipinapantay ang sarili sa Diyos.

Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayun din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nagsugo sa Anak.

“Sinasabi ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. Tandaan ninyo: darating ang panahon – ngayon na nga – na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang makinig sa kanya ay mabubuhay. Ang Ama ang may kapangyarihang magbigay-buhay at ang Anak ay binigyan niya ng kapangyarihang magbigay-buhay. Binigyan din siya ng kapangyarihang humatol sapagkat siya ang Anak ng Tao. Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig. Sila’y muling mabubuhay at lalabas sa kinalilibingan nila. Lahat ng gumawa ng mabuti ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan at lahat ng masama ay parurusahan.”

“Wala akong ginagawa sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya’t matuwid ang hatol ko; hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules

Habang inilalapit natin ang ating mga kahilingan sa dambana ng Diyos, hingin natin ang lakas at pananampalataya upang makasunod sa kanyang kalooban.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, Ikaw ang lahat sa amin.

Ang Simbahan nawa’y maging gabay ng kanyang mga kasapi sa daan ng kabutihan at dalhin sila sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang talikuran ang kasalanan nang buong puso at maging masunurin sa mga batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nagdaranas ng pagsubok at pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya nawa’y magtiyaga at magtiwala sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang masundan ang halibawa ni Jesus at makiayon tayo sa kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatanggap ng ipinangako ng Diyos na buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming iayon ang aming sariling kalooban sa iyong kalooban upang makapamuhay kami sa paraang ninanais mo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 6,211 total reads

Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering his wife, Ashley, while their two young daughters were at home. Evidence presented at the trial also revealed an extramarital relationship. He has now been sentenced to life imprisonment without parole.

It is difficult to imagine the wounds left behind, especially in the lives of the children: a mother violently taken from them, and a father responsible for her death.

The story struck me because I am presently in Rome for our meeting marking ten years of Amoris Laetitia, reflecting precisely on how the Church proclaims the Gospel with families today.
Earlier, Pope Leo XIV asked us: “What kind of Church do people encounter precisely when they are most fragile?”

Cases like this remind us that “family fragility” is not an abstract pastoral category. Sometimes behind the doors of a seemingly Christian home are relationships already being torn apart by infidelity, deception, abuse, violence, loneliness or despair.

And accompaniment cannot mean simply keeping a family together at all costs. It must also mean learning to recognize danger, protecting the vulnerable, especially children, confronting wrongdoing with truth, and helping wounded people find justice, healing and hope.

Perhaps this too is part of proclaiming the Gospel to and with families: helping our homes become places where love is not merely preached, but truly lived—and where those who are wounded know that the Church will not look away

ULTIMATE GOAL

 7,356 total reads

Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26

ULTIMATE GOAL

When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you. When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

————

One thing is certain—Beelzebul/Satan can never be more powerful than God. Therefore, he would be of no use to Jesus, the Son of God.

Satan’s ULTIMATE GOAL is always to destroy what belongs to God, which is why he possesses humans who are created by God in his image and likeness. He is SO DESPERATE to destroy God’s image. Why, then, would he destroy himself? It would defeat his ULTIMATE GOAL.

St. Michael the Archangel, defend us from the evil one!

TRUTH AWARDS

 76,444 total reads

Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan ang kahirapan, nagiging kultura na ang korapsyon at katiwalian na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng gobyerno at mga halal ng bayan., lumalala ang kawalang katarungan, hindi na halos makahinga ang maraming Pilipino sa epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na nagdudulot ng mahal na halaga ng mga bilihin at tumataas na bayarin sa serbisyo publiko.

Hindi pa rin natatapos ang multi-bilyong pisong flood control projects scam.,nahaharap na naman tayong mga Pilipino sa kinatatakutang matinding epekto ng climate change tulad ng El Nino phenomenon na nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Sa kasalukuyan, 106 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang apektado ng tagtuyot.

May pag-asa ba tayong mga Pilipino? May nababanaag pa kaya tayong liwanag?

Kapanalig, sa kabila ng mga agam-agam na ito., mayroon pa bang matapang na tatayo, haharap “head on” sa mga suliranin nating mga Pilipino?

Sa hangaring ito, binuo ng Radyo Veritas 846 katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, OneGodly vote-Catholic Advocates for Responsible Electorate (C.A.R.E) ang Truth Awards 2026 “Standing Tall in a World of Shadows”.

Misyon ng Radyo Veritas Truth Awards 2026 na kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng katotohanan, pananagutan, transparency, at integridad sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Nakapaloob sa Truth Awards ang mga kategorya:
T—Triump of Integrity Award
R—Rays of Light in Darkness Award
U—Unwavering Voice of Conscience Award
T—Testimony of Life Award
H—Heart for Justice and truth award

Ang “highest recognition” ay ang Summum Veritatis award na ipagkakaloob sa isang institusyon na nagpapakita ng katatagang moral, dedikasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at katarungan at dalisay na paglilingkod at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Kapanalig, ang Veritas Truth Awards 2026 ay sumailalim sa rigorous screening at selection process ng pitong(7) kapitag-pitagang hurado na binubuo ng mga lider ng simbahan, academe at civil society.

Ang mapipiling awardee mula sa mahigit-kumulang na 100 nominee at 30-finalists ay nagtataglay ng “light of truth” o buhay na testamento ng faithfulness at katotohanan na siyang magpapalaya sa atin.

Kapanalig, sinasabi ng JOHN 18:37-38: “You are a king, then!” said Pilate. Jesus answered, “You say that I am a king. In fact, the reason I was born and came into the world is to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,445 total reads

 76,445 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,290 total reads

 171,290 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,558 total reads

 215,558 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,667 total reads

 238,667 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,364 total reads

 310,364 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 12, 2026

 1,699 total reads

 1,699 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 2,363 total reads

 2,363 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 4,909 total reads

 4,909 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 5,981 total reads

 5,981 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 7,392 total reads

 7,392 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top