MIYERKULES, AGOSTO 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,020 total reads

Paggunita kay Santa Rosa de Lima, dalaga

Mga Hukom 9, 6-15
Salmo 20, 2-3. 4-5. 6-7

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

Mateo 20, 1-16a

Memorial of St. Rose of Lima, Virgin (White)
Secondary Patroness of the Philippines

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 9, 6-15

Pagbasa mula sa aklat ng mga Hukom

Noong panahong iyon, ang mga taga-Siquem at Betmilo ay sama-samang nagpunta sa may sagradong puno ng encina sa Siquem at itinalagang hari si Abimelec.

Nang mabalitaan ito ni Joatam, tumayo siya sa itaas ng Bundok ng Gerizim, at humiyaw, “Mga taga-Siquem, makinig kayo sa akin at makikinig sa inyo ang Diyos. Noong unang panahon, nag-usap-usap ang mga punongkahoy upang pumili ng hari. Sinabi nila sa olibo, ‘Ikaw ang maghari sa amin.’ Sumagot ang olibo, ‘Kakailanganin kong itapon ang aking langis na gamit sa pagpaparangal sa mga diyos at sa mga tao kung ako ang mamamahala sa inyo.’ Sinabi nila sa igos, ‘Ikaw na ang maghari sa amin.’ Ngunit sumagot ang igos, ‘Kakailanganin kong iwan ang masasarap kong bunga kung pamamahalaan ko kayo.’ Kaya sinabi nila sa ubas, ‘Ikaw na ang maghari sa amin.’ Sumagot ang ubas, ‘Sa akin nanggagaling ang alak na pampasaya sa mga diyos at sa mga tao. Kakailanganin kong iwan yaon kung ako ang maghahari sa inyo.’ Kaya, sinabi nila sa dawag, ‘Ikaw na nga ang maghari sa amin.’ Ang sagot ng dawag, ‘Kung talagang ibig ninyo akong maging hari, sumilong kayo sa akin. Kung ayaw ninyong sumilong, magpapalabas ako ng apoy upang sunugin ang mga sedro ng Libano.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 20, 2-3. 4-5. 6-7

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

Nagagalak ang hari,
O Poon, dahilan sa lakas mong bigay,
siya’y nagagalak sa kanyang tagumpay.
Binigyan mo siya
ng lahat ng kanyang mga kailangan,
at iyong dininig, kanyang kahilingan.

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

Dinalaw mo siya
na ang iyong taglay ay gintong korona,
iyong pinagpala’t pinutungan siya.
Hiling niya’y buhay
at iyon ang iyong ipinagkaloob,
buhay na mahaba’t walang pagkatapos.

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

At naging dakila,
pinadakila mo nang iyong tulungan,
naging bantog siya’t makapangyarihan.
Iyong pinagpala ng pagpapala mong walang katapusan,
nagagalak siya sa iyong patnubay.

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang Salita ng Diyos
Ganap nitong natatalos
Tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 20, 1-16a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?’ “Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!’ sagot nila. At sinabi niya, ‘Kung gayun, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.’

“Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.’ Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, ‘Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?’ At sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’ Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ang pamamaraan ng Diyos ay hindi tulad ng sa atin. Dahil ang kanyang katurungan at kagandahang-loob ay higit pa sa ating turing at sukat, lumapit tayo sa kanya habang nananalig na pakikinggan niya tayo at hindi bibiguin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga misyonero at tagapagpahayag, nawa’y maipalaganap ang Ebanghelyo ng Panginoon nang may katapangan at patitiyaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makapaglingkod sa Panginoon at sa isa’t isa nang walang hinihintay na merito at gantimpala, at sa halip gawin lamang ito nang may kabutihan mula sa ating mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang trabaho nawa’y dagling makatagpo ng kanilang hanapbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y masiyahan sa kalinga at unawa ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagtiyagang mamuhay nang mabuti sa mundong ito at namayapa nawa’y makatanggap ng gantimpala sa makalangit na Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, mapagkumbaba kaming naglilingkod sa iyo sa abot ng aming makakaya nang walang hinihiling kapalt. Naniniwala kami na nasa piling ka namin at binibiyayaan mo kami ng mabubuting bagay dahil sa iyong Ama na si Jesus, aming Panginoon. Amen.

Fashion show sa baha

 17,955 total reads

Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit?

Ang Pampanga ay ang pinakamatinding tinamaan ng habagat nitong mga nakaraang linggo. Ayon sa Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot na sa 1.3 bilyong piso ang pinsala sa mga pananim, pangisdaan, makinarya, at pasilidad. Maraming pamilya ang naapektuhan ng baha at kinailangang harapin ang pagkawala ng kanilang kabuhayan at mga ari-arian.

Sa gitna ng ganitong sitwasyon, naging viral sa social media ang mga larawan ng mag-inang sina Pampanga Governor Lilia Pineda at Vice Governor Dennis Pineda habang bumibisita sa mga lugar na sinalanta ng baha. Napansin ng mga netizens ang mga mamahaling tatak ng kanilang mga suot. Isipin niyo, mas mahal pa ang mga ito kaysa sa kinikita ng isang minimum wage worker sa loob ng isang taon!

Para sa marami, hindi lamang ito usapin ng pananamit. Ito ay tungkol sa malaking agwat sa pagitan ng mga lider at ng mga taong kanilang pinaglilingkuran. Habang may mga pamilyang nawalan ng tahanan at naghahanap ng paraan para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, ang pagbabalandra ng mamahaling kasuotan sa gitna ng paghihirap ng mga tao ay pagiging manhid.

Humingi ng paumanhin si Governor Lilia kaugnay ng mga kumalat na larawan at video. Ipinaliwanag niyang hindi naman nila sinasadyang magsuot ng ganoong mga damit. Sinabi rin niyang naging “wake-up call” ang mga ito sa kanya.

Pero kailangan pa ba talagang maging “wake-up call” ang ganitong insidente? Matapos ang mahigit isang dekada sa serbisyo-publiko, hindi ba dapat mas maging sensitibo na sila sa epekto ng pagpapakita ng karangyaan, lalo na sa panahon ng matinding krisis?

Sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o Republic Act No. 6713, nakasaad na dapat mamuhay nang simple at naaayon sa kanilang posisyon at kita ang mga opisyal ng pamahalaan at kanilang pamilya. Hindi sila dapat magpakita ng kayamanan sa paraang maluho o labis.

Ang usapin, samakatuwid, ay hindi lamang kung magkano ang isang raincoat o handbag. Ang tanong ay kung ano ang ipinahihiwatig ng ganitong pagpapakita ng yaman, lalo na kapag ginagawa ito sa harap ng mga mamamayang dumaranas ng matinding hirap.

Mahalaga ring tingnan ang mas malawak na konteksto ng kapangyarihan at kayamanan. Ang mga Pineda ay parte ng isang political dynasty sa Pampanga. Mula 2010, nagsalit-salitan sina Lilia Pineda at ang kanyang anak na si Dennis Pineda sa pagka-gobernador. Ayon sa isang pag-aaral, maaaring gamitin ng mga political dynasties ang kanilang mga ugnayan at kapangyarihan upang mapanatili ang kanilang dominasyon sa ekonomiya at pulitika, pahinain ang kompetisyon, at bawasan ang pananagutan ng mga opisyal. Ito ang isa sa mga pinakamalaking hadlang sa tunay na demokrasya sa bansa.

Paalala sa atin ni Pope Leo XIV na hindi tayo tinatawag na maging “unengaged spectators” sa mga nangyayari sa ating paligid. Sa halip, kailangan nating makinig, maantig, at makilahok. Lalo itong mahalaga sa panahon ng sakuna, kung kailan kailangang maramdaman ng mga tao na hindi sila nag-iisa.

Mga Kapanalig, sa panahon ng kalamidad, hindi fashion show ang kailangan ng ating mga kababayan. Kailangan natin ng mga lider na ang paglilingkod ay nakikita sa kanilang mga ginagawa, lalo na sa panahon ng krisis. Kailangan natin ng mga lider na ang pamumuno ay nakikita sa gawa at tunay na nakatuon sa kapakanan ng publiko, at hindi sa pansarili o pampamilyang interes. Gaya ng paalala sa 1 Juan 3:18, “[H]uwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.” 

Sumainyo ang katotohanan.

BAYAN KO

 4,808 total reads

I used to be bothered by the slogan TAPAT KO, LINIS KO. It sounded almost unpatriotic to me. As though my responsibility ended at the few square meters directly in front of my house. As though the street beyond it, the canal at the corner, the public market, the plaza, the park, the estero, the river, the mountain and the forest belonged to somebody else.

I would rather say: BAYAN KO, LINIS KO.

Perhaps this is one reason we have learned to tolerate a government that does not work as it should. We have become accustomed to taking care of our private spaces while regarding public spaces as nobody’s responsibility. We keep our homes clean while throwing garbage into canals. We complain when the streets flood, but hardly ask whether the drainage system is regularly cleared, whether waterways are properly maintained, or whether flood-control projects actually form part of a coherent plan.

And this goes far beyond cleanliness.

Why do we accept highways built without adequate drainage, roads that flood almost as soon as the rains come, and farm-to-market roads that somehow need repair even before they are properly finished? Why do we tolerate government buildings constructed grandly for ribbon-cuttings but left to deteriorate afterward—broken toilets, dead escalators, leaking roofs, neglected gardens, air-conditioning units exhausting hot air into crowded corridors?

A government that works does not merely build. It maintains.

Maintenance is not glamorous. There is no ribbon to cut when a drainage canal is routinely cleared, when a public toilet is kept clean and functional, when an elevator is repaired before it breaks down completely, when a road is resurfaced at the proper time, when waterways are regularly dredged, or when trees are cared for after they have been planted. Yet these ordinary, unphotogenic tasks are precisely what distinguish functioning public institutions from a culture of pwede na and bahala na.

The same mentality explains why politicians are able to put their names and faces on projects paid for with public money: PROJECT OF CONGRESSMAN SO-AND-SO.

Really? Did he sell his house to build it? Did he empty his bank account? Or was it paid for by the market vendor every time she bought rice, by the teacher whose taxes were withheld from her salary, by the tricycle driver every time he bought fuel?

A road is not a favor. A hospital is not a favor. A school is not a favor. Medicine from a government hospital is not ayuda from a politician. Public money is the people’s money. Public service is not an act of generosity by those in power. It is their duty.

But citizenship also has duties.

We cannot demand a government that works while surrendering the public realm to apathy. We cannot complain about dirty streets while saying, “Hindi ko naman tapat iyan.” We cannot deplore corruption but continue treating politicians as patrons from whom we ask personal favors. We cannot demand accountability only when the consequences finally reach our own homes.

Democracy does not end with choosing our leaders. We also have to watch them, question them, hold them accountable—and care for the common spaces and institutions that belong to all of us.

In that sense, we do get the kind of leadership and governance that we are willing to tolerate. Bad governance thrives not only because there are corrupt officials, but also because there are citizens who have grown accustomed to shrugging their shoulders and saying, Ganyan talaga.

No. It does not have to be ganyan talaga.

Perhaps it is time to enlarge the little territory covered by TAPAT KO, LINIS KO.

The street is ours. The drainage system is ours. The public school and hospital are ours. The rivers and forests and mountains are ours. The taxes are ours. The government itself is ours.

BAYAN KO, LINIS KO.
BAYAN KO, BANTAY KO.
BAYAN KO, PANANAGUTAN KO.

BIG FISH: CAUGHT IN THE FLOOD

 4,814 total reads

Our ancestral home in Betis survived Pinatubo and the lahar. We saved the old house by hydraulically raising its original wooden upper floor by almost twelve feet and supporting it on concrete posts. We then rebuilt the ground floor, determined that floodwaters would never reach it again.

The street itself had already been elevated by almost four feet, so we filled up the garden by about five feet and raised the new ground floor by another four.

We thought that should be high enough. Apparently, it wasn’t. The flood water rose up to five feet and turned our garden into a huge fishpond. This time it reached even the elevated first floor—atrium, kitchen, dining room, bedrooms, etc.

Our house caretaker, Jason, tried to make light of the situation. He sent pictures of tiny tilapias he had caught swimming in the flooded garden. We laughed at his “catch”—baby tilapias!—and jokingly wondered whether fish that small already knew how to swim.

Then the other day Jason sent another photograph, this time proudly displaying his latest catch: a big fish—a “bulig,” as we Kapampangans call the “dalag” or mudfish.

I found myself thinking: At last, may nahuling “malaking isda” sa baha. If only we could say the same about the other kind of flood.

I still remember the 2024 SONA, when the President proudly announced that more than 5,500 flood-control projects had already been completed. Just days later, the southwest monsoon intensified by Typhoon Carina submerged large parts of Metro Manila. It was perhaps the first warning of a serious disconnect between the projects reported on paper and the reality on the ground.
By the 2025 SONA, the tone had changed completely. No more boasting. This time, there was anger: “Mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino!”—“Have some shame before your fellow Filipinos!” Thunderous applause. Standing ovation. The legislators themselves rose to applaud!!!

Then came the investigations—and a different kind of flood, what Jessica Soho aptly called “PAGBAHA NG KASAKIMAN”—A FLOOD OF GREED.

In August 2025, the President himself released the results of a preliminary review: 9,855 flood-control projects worth about ₱545.6 billion from July 2022 to May 2025. Out of 2,409 contractors, just 15 companies had obtained about ₱100 billion worth of contracts—roughly 20% of the total.

Then came an unusual twist. Malacañang launched the Sumbong sa Pangulo website, where ordinary citizens could look up flood-control projects in their communities and report those that were unfinished, defective—or simply nonexistent.

And the revelations came one after another: alleged ghost projects in Bulacan and elsewhere; testimonies about “SOP,” percentages and mock bidding; photographs of huge piles of ₱1,000 bills; allegations about how commissions were prorated. The trail led from contractors to district engineers, to higher DPWH officials—and eventually to the very process by which projects found their way into the national budget.

For this was not just about stealing from projects after they had been awarded. The deeper problem was a system that had made public infrastructure vulnerable to political patronage from the budgeting stage itself—through so-called “allocables,” patronage-based priority projects, controversial bicam insertions and “parking,” and huge Unprogrammed Appropriations.

Flood-control projects could become political currency. Instead of beginning with the question, What does this watershed or river basin actually need?, the process could be distorted by another question: Who has an allocation, where will it be placed, who gets the contract, and who gets a share?

When politics dictates engineering, the question ceases to be “Where does the water flow?” It becomes “Where does the money flow?”

No wonder public anger spilled into the streets, culminating in the Trillion Peso March. It is difficult to forget the images of money piled high on tables while ordinary families were shoveling mud out of their flooded homes.

That is why the latest developments do matter. I hear that some powerful figures have been charged with plunder over the alleged multibillion-peso kickback scheme involving government projects. The Sandiganbayan has found probable cause and ordered their arrest. Of course, a charge is not a conviction. Those charged remain entitled to due process and the presumption of innocence.

But let us hope that this time, those truly responsible for the plunder of public funds—no matter how powerful or well-connected—will finally be held to account. We cannot allow this to end with hearings, exposés and headlines. There must be accountability before the law.

I admit I was not at all optimistic that the investigations would eventually lead to the prosecution—and, where the evidence warrants it, the conviction—not only of the small fry but of some of the so-called “big fish” as well. I hope I am proven wrong.

Because even now, communities where billions have supposedly been spent on flood control continue to go under water. Perhaps this is what happens when projects are determined by political boundaries and allocations rather than watersheds, river basins, sound engineering and the actual behavior of water.

Let the evidence lead wherever it must. No sacred cows. No selective justice. And let those proven guilty be held accountable according to law.

Jason managed to catch his big fish in our flooded garden. Let us hope our justice system can do a little better than Jason and catch the bigger ones.

Public money is people’s money. And when money meant to protect people from floods is stolen, it is not just money that disappears. Homes, livelihoods, futures—and sometimes lives themselves—are swept away.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 17,956 total reads

 17,956 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 41,405 total reads

 41,405 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 77,906 total reads

 77,906 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 298,530 total reads

 298,530 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 332,174 total reads

 332,174 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Setyembre 11, 2026

 1,450 total reads

 1,450 total reads Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking

Read More »

Huwebes, Setyembre 10, 2026

 2,686 total reads

 2,686 total reads Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa

Read More »

Miyerkules, Setyembre 9, 2026

 3,812 total reads

 3,812 total reads Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang

Read More »

Martes, Setyembre 8, 2026

 4,862 total reads

 4,862 total reads Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria Mikas 5, 1-4a o kaya Roma 8, 28-30 Salmo 12, 6ab. 6kd Ang lubos kong kasiyahan

Read More »

Lunes, Setyembre 7, 2026

 4,721 total reads

 4,721 total reads Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top