Miyerkules, Hunyo 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,028 total views

Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 20, 28-38
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b.-36k

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Juan 17, 11b-19

Wednesday of the Seventh Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 28-38

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa matatanda ng simbahan ng Efeso: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang simabahan ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila. Kaya’t mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi’t araw sa loob ng tatlong taon — at maraming luha ang pinuhunan ko.”

“At ngayo’y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal. Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Hesus: ‘Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.’”

Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. Silang lahat ay umiiyak at hinagkan si Pablo. Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya’y hindi na nila makikita uli. At siya’y inihatid nila sa barko.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b-36k

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

o kaya: Aleluya.

Sana’y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,
ang lakas na ginamit mo noong kami’y isanggalang.
Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,
na pati ang mga hari doo’y naghahandog sa iyo.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,
awitan ang pagpupuri’t ang Poon ay papurihan!
Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;
mula roo’y maririnig ang malakas niyang sigaw!

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Ipahayag ng balana ang taglay na kalakasan,
siya’y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;
‘yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.
Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal,
siya ang Diyos ng Israel na sa tana’y nagbibigay
ng kapangyariha’t lakas na kanilang kailangan.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo,
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 11b-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: “Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Habang naghahanda tayo para sa Pentekostes, nalalaman natin na kahit nabubuhay tayo sa mundo, hindi tayo nabibilang sa mundo. Tinatawagan tayo ng katotohanang ito upang manalangin para sa lahat ng tao kaisa ni Kristo na hindi nagnanais na may maligaw ng landas.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, italaga mo kami sa iyo.

Ang lahat ng Kristiyano nawa’y sumampalataya sa pag-ibig ng Diyos at makatagpo ng pagkakaisa sa nag-iisang Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y maging saksi sa katotohanan ng kanilang pananampalataya lalo na sa paggamit ng kanilang kapangyarihan at sa pagtupad ng kanilang mga pananagutan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong tapat sa pananampalataya nawa’y magsikap na maging banal sa kanilang araw-araw na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nangungulila, mga may kapansanan, at maysakit nawa’y magtiwala sa Diyos na nagpapalakas sa kanila sa pamamagitan ng init ng kanyang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay nang walang hanggan kasama ng Diyos ng pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Butihing Ama, habang iniibig namin ang isa’t isa, nabubuhay ka sa amin at nagiging ganap ang iyong pag-ibig na nasa amin. Tanggapin mo ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pax Silica

 9,618 total views

Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan ang ating binubuo gamit ang AI—at ano ang magiging kapalit nito? 

Abril ngayong taon nang sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pandaigdigang supply chain para sa AI. Layunin nitong bawasan ang pagdepende sa China, na nangunguna ngayon sa produksyon at pagproseso ng mahahalagang mineral at iba pang materyales na kailangan sa makabagong teknolohiya.

Sa pagsali ng Pilipinas, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 1,620 na ektaryang lupa sa New Clark City sa Tarlac—halos kasinlaki ng Pasay City—para sa kauna-unahang “AI-native industrial acceleration hub.” Doon gagawin ang mga semiconductors na gagamitin naman sa mga computer chips na inilalagay sa mga electronics. Doon din ipoproseso ang mga critical minerals na gagamitin sa paggawa ng mga baterya, semiconductor, at iba pang makabagong teknolohiya. Itatalaga ito bilang isang Economic Security Zone (ESZ) sa ilalim ng joint governance framework na kasalukuyang pang isinasapinal ng Pilipinas at US.

Nitong Hulyo, muling umingay ang usapin tungkol sa Pax Silica matapos ihayag ni Finance Secretary Frederick Go na itinuturing ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na “top priority” ang inisyatiba. Dahil dito, minamadali na nila ang pagbuo ng naturang joint governance framework. Target ng dalawang panig na maisapinal at maisapubliko ito sa ASEAN Summit sa Nobyembre, na inaaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump.

Ayon sa pamahalaan, isang pambihirang pagkakataon ang mapasali sa Pax Silica para makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI. Ipinangako rin nitong hindi lamang lilikha ng libu-libong trabaho at magpapasok malaking kita ang inisiyatiba, kundi maghihikayat din ng mas maraming mamumuhunan, kumpanya, at inobasyon.

Ipinaaalala sa Catholic social teaching ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na ang paggamit ng AI ay hindi “purely technical” lamang. Kapag ang proseso sa likod ng AI ay negatibo nang nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, at kapaligiran, hindi na sumasapat ang anumang pangako na trabaho, pamumuhunan, at inobasyon. 

Pinangangambahan kasi ang negatibong epekto ng mga data centers na kailangan sa AI. Ang mga data centers na nagsisilbing “utak” ng AI ay kailangang palamigin gamit ang hanggang limang milyong galon ng tubig kada araw—katumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng isang munisipalidad na may 10,000 hanggang 50,000 residente! Siyempre, gagamit din ang mga data centers ng maraming kuryente. Kapos na nga tayo ngayon sa tubig at kuryente, heto at aagawan pa tayo ng mga data centers! Dapat itong linawin ng mga nagsusulong ng Pax Silica. 

Lubos na nakababahala rin ang epekto ng AI sa ating likas na yaman. Pinangangambahang lalawak ang pagmimina ng mga critical minerals na kailangan sa paggawa ng mga teknolohiyang nagpapatakbo sa AI. Marami na sa ating mga kabundukan at kagubatan ang nakalbo dahil sa pagmimina. Ibang usapan pa ang paglawak ng mga minahan sa mga lupang ninuno ng ating mga katutubo. Ano pa ang matitira kung lalo pang lalawak ang mga ito?

Mga Kapanalig, paalala sa atin sa Genesis 2:15 na inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa Eden upang ito ay alagaan at pagyamanin. Hindi ipinagkatiwala sa atin ang kalikasan para ubusin, kundi para pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi hadlang sa pag-unlad. Ito pa nga ang nagsisiguro na ang pag-unlad ay makakamit natin. Kaya manindigan tayo para sa isang pag-unlad na may pananagutan sa kalikasan, dahil ang kalikasang winawasak natin ngayon ang siya ring magtatakda ng hangganan ng ating pag-unlad bukas.

Sumainyo ang katotohanan.

SINCE THE BEGINNING

 7,067 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 7,506 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pax Silica

 9,619 total views

 9,619 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 52,523 total views

 52,523 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 167,869 total views

 167,869 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 196,164 total views

 196,164 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 241,639 total views

 241,639 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 30, 2026

 726 total views

 726 total views Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Crisologo, obispo at pantas ng Simbahan Jeremias 18, 1-6 Salmo

Read More »

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 2,528 total views

 2,528 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 4,352 total views

 4,352 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 5,667 total views

 5,667 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 6,546 total views

 6,546 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top