Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

SHARE THE TRUTH

 4,312 total views

Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos
o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga

Galacia 5, 18-25
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Lucas 11, 42-46

Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Hedwig, Religious (White)
or Optional Memorial of St. Margaret Mary Alacoque, Virgin (White)

UNANG PAGBASA
Galacia 5, 18-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagay.

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Kristo Hesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita nito. Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 42-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba.

“Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Nagsasama-sama tayo bilang Bayan ng Diyos, may pananalig nating dalhin sa harap ng Ama ang ating pangangailangan, umaasang pakikinggan niya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng aming mga puso, pakinggan mo ang mga itinitibok nito.

Ang Simbahan nawa’y maging mulat sa kanyang responsibilidad na isulong ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging makatotohanan sa kanilang pagsusumikap na makapagbigay ng paglilingkod at programa para sa mga mahihirap at naghihikahos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maypatrabaho at mga manggagawa nawa’y maging tapat at magalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng suporta at kasiguruhan mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y masiyahan sa walang hanggang kaligayahan sa piling ng mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at laging maglingkod sa iyo nang may kabutihang-loob at katapatan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 23,164 total views

 23,164 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 44,229 total views

 44,229 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 67,251 total views

 67,251 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 106,254 total views

 106,254 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hunyo 27, 2026

 68 total views

 68 total views Sabado ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cirilo ng Alejandria, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 1,616 total views

 1,616 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 2,996 total views

 2,996 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 4,405 total views

 4,405 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 4,753 total views

 4,753 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top