SABADO, MAYO 4, 2024

SHARE THE TRUTH

 10,940 total reads

Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 16, 1-10
Salmo 99, 2. 3. 5

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Juan 15, 18-21

Saturday of the Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 16, 1-10

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagpunta si Pablo sa Derbe at Listra. At may isang alagad doon na ang pangala’y Timoteo, anak ng isang mananampalatayang Judia, at ng isang Griego. Pinatunayan ng mga kapatid sa Listra at sa Iconio na mabuting tao si Timoteo. Ibig isama ni Pablo si Timoteo, kaya’t tinuli niya ito sapagkat alam ng lahat ng Judio sa lungsod na iyon na Griego ang kanyang ama. Sa bawat lungsod na kanilang dinalaw ay ipinaalam nila sa mga kapatid ang pasiya ng mga apostol at matatanda sa Jerusalem, at iniutos na sundin iyon. Kaya’t tumibay sa pananampalataya ang mga kaanib ng bawat simbahan at dumarami ang bilang ng mga alagad araw-araw.

Naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia, sapagkat sinansala sila ng Espiritu Santo na mangaral sa Asia. Pagdating sa hangganan ng Misia, ibig sana nilang pumasok sa Bitinia, subalit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Hesus. Kaya’t bumagtas sila ng Misia at nagtungo sa Troas. Kinagabihan, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain: may isang lalaking taga-Macedonia, nakatayo at namamanhik sa kanya, “Tumawid po kayo rito sa Macedonia at tulungan ninyo kami.” Pagkatapos ng pangitaing ito, gumayak kami agad sapagkat natanto naming kami’y tinatawag ng Diyos upang ipangaral sa Macedonia ang Mabuting Balita.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 5

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

o kaya: Aleluya!

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
Siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Purihin ng lahat ang D’yos,
parangalan s’yang malugod.

ALELUYA
Colosas 3, 1

Aleluya! Aleluya!
Kayong kay Kristo nabuhay
ay sa langit nakalaan
upang kay Kristo pumisan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 18-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo. Kung kayo nga’y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito’y napopoot sa inyo. Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako’y inusig nila, uusigin din nila kayo; kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita ninyo. Ngunit ang lahat ng ito’y gagawin nila sa inyo dahil sa akin, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Buong kagalakan nating purihin ang Panginoon na bumuhay sa kanyang Anak mula sa mga patay at dahil dito ay nakatitiyak tayo ng buhay na walang hanggan. Hingin natin ang tulong ng Panginoon sa mga panahon ng pagsubok.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa Iyong pag-ibig.

Ang ating mga pastor, lalo na ang Santo Papa at mga obispo nawa’y patuloy tayong busugin sa mabubuting aral, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesu-Kristo nawa’y patuloy na palakasin ng kapangyarihang walang maliw, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makatagpo ng kagalakan sa ating pananampalataya kahit sa harap ng mga pagsubok at kasawian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa buhay na ito, lalo na ang mga maysakit, nawa’y makatagpo ng ginhawa ng kalooban habang pinagninilayan ang inihahandog ni Jesus na buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y makasalo sa walang hanggang piging sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, hinirang mo kami upang makasalo mo nang walang katapusan sa iyong Kaharian. Pagkalooban mo kami ng lakas upang pasanin ang mga dusa at paghihirap bunga ng pagkaunawang muli kaming bubuhayin sa pamamagitan ng mapanligtas na kapangyarihan ni Kristo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

THE POPE WHO NEVER CAME HOME

 4,212 total reads

As I follow Pope Leo XIV’s apostolic journey through Argentina, I cannot help thinking of Jorge Mario Bergoglio, the man who left Buenos Aires on February 26, 2013, to participate in the conclave following the resignation of Pope Benedict XVI.

I wonder what was going through his mind as he boarded that flight to Rome. He was already 76 years old, and probably expected to return to Buenos Aires after helping elect the next Pope.
But on March 13, he himself was elected. And that was it. He never managed to return to his beloved homeland during the twelve years of his pontificate.

I have heard many beautiful stories about the kind of archbishop Bergoglio was. He lived simply, took public transportation, visited the poor neighborhoods of Buenos Aires, and made himself available to ordinary people.

My journalist friends Gerry O’Connell and Elisabetta Piqué, who became close family friends of Bergoglio, have shared touching memories of his warmth and friendship. He baptized their children, shared meals with them, and maintained his friendship with them even after becoming Pope.

Gerry recalls that on February 28, 2013, they had dinner together in Rome and watched on television the historic departure of Benedict XVI from the papacy. Little did they know that their friend Jorge would be elected Pope less than two weeks later.

And now, thirteen years later, another Pope is visiting Argentina. But this Pope has a special connection with Francis.

It was Francis who reached out to the relatively little-known Augustinian Robert Francis Prevost after he had completed his term as Prior General of the Augustinians. In 2014, he appointed him to Chiclayo in Peru, where he was ordained bishop. He became Bishop of Chiclayo in 2015, just a month before I myself received my appointment as Bishop of Kalookan.

I often wonder what conversations the two of them might have had, and what Francis saw in this quiet, unassuming missionary bishop that eventually led him to entrust him with the Dicastery for Bishops in 2023.

Gerry O’Connell has described Prevost as one of Francis’s final surprises. Indeed, he was hardly a household name among the cardinals. Although American by birth, he had spent so much of his life in Peru that he identified deeply with the Peruvian people.

And now this same Robert Francis Prevost, as Pope Leo XIV, is walking the streets of Buenos Aires, visiting the places and meeting the people so dear to Pope Francis.

I find something deeply moving about this. It is almost as though Francis is accompanying Leo in spirit, returning at last to the homeland he loved but never managed to revisit as Pope.

Perhaps this is one of the beautiful mysteries of providence. Sometimes the things we are unable to accomplish in our lifetime are entrusted to others who come after us.

And this makes me wonder about Pope Leo himself. Born in Chicago, formed as a missionary in Peru, and now Bishop of Rome, will he someday be given the opportunity to visit his own homeland as Pope?

I can only imagine what a papal visit to the United States of America would be like, especially at a time when that country is struggling with so many divisions.

For now, as I watch Pope Leo being welcomed by the Argentine people, I cannot help thinking of that elderly Jesuit archbishop who boarded a plane in Buenos Aires thirteen years ago, expecting to come home.

He never did. But perhaps, in a way that only God could have arranged, a part of him has finally come home through his successor.

DEEP SENSE OF GRATITUDE

 5,555 total reads

Gospel Reading for November 11, 2026 – Luke 17: 11-19

DEEP SENSE OF GRATITUDE

As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled through Samaria and Galilee. As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voice, saying, “Jesus, Master! Have pity on us!” And when he saw them, he said, “Go show yourselves to the priests.” As they were going they were cleansed. And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him. He was a Samaritan. Jesus said in reply, “Ten were cleansed, were they not? Where are the other nine? Has none but this foreigner returned to give thanks to God?”Then he said to him, “Stand up and go; your faith has saved you.”

————

There was a Samaritan among the lepers, and Samaritans and Jews were enemies. But Jesus did not discriminate against anyone when it came to healing them.

Of the ten lepers, only the Samaritan came back to thank Jesus. The others, who were Jews, perhaps took their healing for granted or simply failed to recognize the need to express their gratitude. After all, the healer was also a Jew. Perhaps the Samaritan’s feeling of unworthiness made him especially grateful to Jesus for healing him despite being an outsider.

We Christians should never take for granted the blessings we receive from God each day. We need to develop a DEEP SENSE OF GRATITUDE, recognizing that although we do not deserve God’s love, he never fails to shower us with his blessings every day.

When we develop this sense of gratitude, we will also feel compelled to share our blessings with others, especially those in need. In doing so, we fulfill one of the basic teachings of Jesus: to love our neighbors as ourselves.

Lord God, thank you for all the blessings you give us each day. May we learn to share them with others, especially those in need. Amen.

Aral ng kapa ni San Martin ng Tours

 5,071 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Nobyembre 2026
Ang aming Patron sa Bukawe, Bulacan.
Mula pa sa aming pagkabata
doon sa bayan ng Bukawe sa Bulacan
palaging nilalarawan 
kabutihan ng aming Patron mahal 
San Martin ng Tours sa France 
kung paano niyang hinati 
kanyang kapa upang damitan
ang giniginaw na dukhang matanda
nakasalubong niya sa daan.

Kinagabihan kanyang napanaginipan
Panginoong Jesus sa kanyang paanan
tangan-tangan kapang ibinigay sa 
matandang tinulungan,
katunayan ng kanyang turo
ano mang kabutihan
ang inyong gawin sa maliliit  
ay siya rin ninyong ginagawa 
sa Kristo na sa atin nakipanahan.

Nguni't hindi lamang iyon ang hiwaga
ng kapa ng ating Patrong mahal 
na dating kawal, 
sanay sa mga digmaan:
nang siya ay mabinyagan, 
hinasa niya kanyang isipan  
sa mga aral ng pananampalataya
dinalisay sa pananalangin
upang lubos mapaangkin sa Panginoon natin.

Upang maging mataimtim 
sa kanyang pananalangin, 
nagtutungo si San Martin sa kagubatan
at hinuhubad suot niyang kapa 
tanda ng kababaang-loob sa Panginoon,
sinasampay, sinasabit sa mga halaman
upang sakali man siya ay hanapin
madali siyang tuntunin 
sa kapa niyang nakabitin.

"Chapele" sa wikang Pranses
ang salitang salin ng "kapa" 
na siyang pinagmulan ng "kapilya"
na isang munting pook-dalanginan
tulad ng tinutunguhan ni San Martin
noon upang Diyos ay makapisan;
pagnilayan at tularan kaugalian
nitong si San Martin ng Tours
hinubad kanyang "kapa" sagisag ng
kapangyarihan at katanyagan
upang maramtan ng kabanalan
ni Kristo-Jesus na "hinubad kanyang 
pagiging katulad ng Diyos upang mamuhay 
bilang alipin tulad natin" (Fil.2:7)!

San Martin ng Tours,
ipanalangin mo kami!
Mula sa flickr.com.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 43,419 total reads

 43,419 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 105,114 total reads

 105,114 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 150,812 total reads

 150,812 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 252,079 total reads

 252,079 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 319,669 total reads

 319,669 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 18,164 total reads

 18,164 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 20,686 total reads

 20,686 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 22,769 total reads

 22,769 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 21,288 total reads

 21,288 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 22,389 total reads

 22,389 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top