SABADO, OKTUBRE 14, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,162 total reads

Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Joel 4, 12-21
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Lucas 11, 27-28

Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr (Red)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Joel 4, 12-21

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Kailangang humanda ang mga bansa at magtungo sa Kapatagan ni Josafat.
Akong Panginoon ay mauupo roon upang hatulan ang lahat ng bansa sa paligid.
Ubod sila ng sama; gapasin mo silang parang uhay sa panahon ng anihan;
ligisin mo silang parang ubas sa pisaan hanggang sa umagos ang katas.
Angaw-angaw ang nasa Kapatagan ng Paghatol,
sapagkat darating na ang Araw ng Panginoon.
Wala nang liwanag ang araw at ang buwan at hindi na kumikislap ang mga bituin.”
Dumadagundong ang tinig ng Panginoon mula sa Bundok ng Sion, animo’y kulog na nagbubuhat sa Jerusalem; anupat nanginginig ang lupa’t langit.
Subalit iingatan niya ang kanyang bayan.
“Sa gayun, malalaman mo, Israel, na akong Panginoon ang inyong Diyos!
Ang aking tahanan ay ang Sion, ang banal kong burol, lungsod kong banal ang Jerusalem; ito’y hindi na muling masasakop ng mga dayuhan.
Sa panahong iyon, magiging panay na ubasan ang mga bundok; mga bakahan ang makikita sa bawat burol; mananagana sa tubig ang buong Juda!
Dadaloy mula sa templo ng Panginoon ang isang batis, na didilig sa Kapatagan ng Sitim.
Magiging disyerto ang Egipto at magiging tigang ang lupain ng Edom, sapagkat sinalakay nila ang lupain ng Juda at pinatay ang mga mamamayang walang kasalanan.
Ipaghihiganti ko ang lahat ng nasawi; di ko patatawarin ang sinumang nagkasala.
Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman at tatahan naman ang Panginoon sa Bundok Sion.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niya’y ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niya’y tapat at salig sa katarungan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Yaong mga kabunduka’y natutunaw, parang pagkit,
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
sa dalisay namang puso maghahari’y kagalakan.
Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,
sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;
ang ginawa niyang ito’y dapat nating gunitain,
at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw!

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

ALELUYA
Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 27-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, “Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa inyo!” Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Nabigyang-buhay ng pananampalataya at katapangan ni Maria, dalhin natin ang ating mga pangangailangan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, maganap nawa sa amin ang iyong kalooban.

Sa paggabay ni Maria, ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y akayin ang Bayan ng Diyos para higit na mapalapit kay Kristo sa pamamagitan ng kanilang pagpapahayag at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, nawa’y tanggapin natin ang Salita ng Diyos sa ating puso at tumugon dito nang may buong kabukasan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagsunod sa mga halimbawa ni Maria, nawa’y magawa ng mga ina ang kanilang tahanan na maging pook na puno ng pagmamahal at kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ni Maria nawa’y tingnan ng Diyos nang may habag ang mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magsaya sa walang hanggang kaligayahan na kasama si Maria at ang mga banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinili mo si Maria upang maging ina ng iyong Anak. Tulungan mo kami sa pamamagitan ng kanyang pananalangin na mapahalagahan namin ang mga alaala ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

OMNISCIENT

 2,380 total reads

Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13

OMNISCIENT

Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend to whom he goes at midnight and says, ‘Friend, lend me three loaves of bread, for a friend of mine has arrived at my house from a journey and I have nothing to offer him,’ and he says in reply from within, ‘Do not bother me; the door has already been locked and my children and I are already in bed. I cannot get up to give you anything.’ I tell you, if he does not get up to give him the loaves because of their friendship, he will get up to give him whatever he needs because of his persistence.

“And I tell you, ask and you will receive; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks, receives; and the one who seeks, finds; and to the one who knocks, the door will be opened. What father among you would hand his son a snake when he asks for a fish? Or hand him a scorpion when he asks for an egg? If you then, who are wicked, know how to give good gifts to your children, how much more will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him?”

————

Prayer has to go with Faith and Trust. Otherwise, if what we ask for does not come according to our timeline, we may start thinking that our prayers are not being heard and that it is useless to keep on praying.

When we pray with true Faith in God, we are sure that he will answer our prayers at the right time and in the right way. God is OMNISCIENT; hence, we have to learn to trust him.

A lot of us have realized that our prayers were answered only when we looked back and saw how our lives and circumstances unfolded—not the way we wanted, but in the way that was best for us.

Lord, may we always put our trust in you!

Bewitched

 2,978 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thursday, Twenty-Seventh Week in Ordinary Time, Year II, 08 October 2026
Galatians 3:1-5     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 11:5-13
Photo by Mr. Raffy Tima, GMA News, Batanes, October 2018.
Your words today,
O Lord through St. Paul
speak directly to us in this
time too:

O stupid Galatians! Who has bewitched you, before whose eyes Jesus was publicly portrayed as crucified? (Galatians 3:1)

O how we your people
hate to hear those words
these days because they are
hurtfully true -
it is plain stupidity
on our part to abandon all
your teachings to adopt 
all these strange ideas
about life that overstretch
our rights without any regard
to what is true and good;
to insist that only matter matters
without accepting the fact that
the most profound realities in life
are those felt than seen; and,
to believe more in ourselves
than in you, Lord Jesus Christ.
We have been so bewitched,
enthralled, and amazed by new 
ideas and beliefs that are clearly
self-serving and untrue,
"budol" or fake in every sense,
totally forgetting how you have never
left nor abandon us all these years
through thick and thin,
doing only what is best and good
for us only to follow the fascinating
special effects of those trash
peddled in social media, 
fabricated by AI.
Awaken us,
dear Jesus to the realities
of your loving presence
in us, in our lives,
to follow our hearts where
we find peace and joy
despite pains and sacrifices
than follow our flesh 
and whims
of pleasures and convenience
so temporary,
ephemeral,
most of all
superficial;
ignite our hearts
to seek and follow you
in a life of prayer
that changes primarily 
us, not the situations.
Amen.
Photo by a friend at Seabrook, Washington, 06 September 2026.

BRIDGING THE GAP

 3,748 total reads

Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4

BRIDGING THE GAP

Jesus was praying in a certain place, and when he had finished, one of his disciples said to him, “Lord, teach us to pray just as John taught his disciples.” He said to them, “When you pray, say:

Father, hallowed be your name, your Kingdom come. Give us each day our daily bread and forgive us our sins for we ourselves forgive everyone in debt to us, and do not subject us to the final test.”

————

In this Gospel reading, Jesus teaches us the elements of prayer. We must first recognize whom we are supplicating: the Father. He is not just an ordinary father because he is the Father above all fathers. He is holy, and he has a Kingdom that is not only in heaven but is already on earth. Because he is the Father, he is our provider; hence, we ask him to grant us our needs.
But it is not enough to ask for our temporal needs. We need to ask him to forgive us for our wrongdoings. We must also be willing to forgive those who have wronged us. Finally, we ask him to protect us from all the tests of the evil one.

It is good that the disciples asked Jesus to teach them how to pray. We now benefit from Jesus’ lesson on prayer.

Lord Jesus, thank you for BRIDGING THE GAP created by sin between God and ourselves. Thank you for teaching us to communicate with him. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 236,218 total reads

 236,218 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 267,948 total reads

 267,948 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 369,772 total reads

 369,772 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 410,335 total reads

 410,335 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 421,153 total reads

 421,153 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 10, 2026

 1,669 total reads

 1,669 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 3,327 total reads

 3,327 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 5,026 total reads

 5,026 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

Miyerkules, Oktubre 7, 2026

 6,121 total reads

 6,121 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Martes, Oktubre 6, 2026

 7,156 total reads

 7,156 total reads Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Bruno, pari Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top