Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, PEBRERO 3, 2024

SHARE THE TRUTH

 9,774 total views

Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Blas, obispo at martir
o kaya Paggunita kay San Anscar, obispo
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

1 Hari 3, 4-13
Salmo 118, 9. 10. 11. 12. 13. 14

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Marcos 6, 30-34

Saturday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Blaise, Bishop and Martyr (Red)
or Optional Memorial of St. Ansgar, Bishop (White)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
1 Hari 3, 4-13

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, pumunta si Solomon sa Gabaon upang maghandog, sapagkat iyon ang pangunahing sambahan sa burol. Nag-alay na siya roon ng daan-daang handog na susunugin noong una. Kinagabihan, samantalang siya’y naroon pa sa Gabaon, napakita sa kanya ang Panginoon sa panaginip. “Ano ang ibig mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya.

Sumagot si Solomon: “Kinahabagan ninyo at puspusang minahal ang aking amang si David na naging tapat sa inyo, matuwid at malinis ang puso. At ipinagpatuloy ninyo ang inyong pagkalinga sa kanya nang marapatin ninyong paluklukin sa kanyang trono ang isa niyang anak. Panginoon, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, bagaman ako’y bata pa’t walang karanasan. Pinapamuno mo ako sa iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa dami. Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan mong ito na napakalaki?”

Ikinalugod ng Panginoon ang hiling ni Solomon. Kaya’t sinabi sa kanya: “Yamang hindi ka humiling para sa iyong sarili ng mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang hiniling mo’y pagkaunawa at katalinuhang humatol, ipinagkakaloob ko sa iyo ang hiniling mo. Binibigyan kita ng karunungan na walang kapantay, maging sa mga nauna, maging sa mga susunod pa sa iyo. At bibigyan pa kita ng mga bagay na hindi mo hinihingi: kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 9. 10. 11. 12. 13. 14

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Paano ba iingatang maging wagas yaong buhay,
yaong buhay na binata sa kaniyang kabataan?
Ang tugon ay: “Sumunod s’ya sa banal mong kautusan.”

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Buong puso ang hangad ko na ikaw ay paglingkuran,
sa pagsunod sa utos mo, huwag mo akong pabayaan.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan,
upang hindi magkasala laban sa ‘yo kailanman.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Pupurihin kita, Poon, ika’y aking pupurihin,
ang lahat ng tuntunin mo ay ituro mo sa akin.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Ang lahat mong mga utos na sa aki’y ibinigay
palagi kong uusalin, malakas kong isisigaw.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Nagagalak na susundin yaong iyong kautusan
higit pa sa pagkagalak na dulot ng kayamanan

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 30-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya’t sinabi niya sa mga ito, “Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.

Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya’t mula sa lahat ng bayan, ang mga tao’y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Hesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Mulat sa pangangailangang lumaya sa mga hamon ng buhay upang mapatatag at mapanumbalik ang ating diwa at kalooban, lumalapit tayo sa Ama sa mapagkumbabang pananalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Pastulan Mo ang iyong bayan, O Panginoon.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y panatilihin nilang buhay ang kanilang pagtatalaga sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa mga pasanin sa buhay nawa’y “lumikas” at “mamahinga,” upang makatagpo ng kapayapaan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya nawa’y muling maakay pabalik sa pamilya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makakita ng kagalingan sa kanilang karamdaman sa pamamagitan ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mamalagi sa tahanan ng Panginoon magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, tinawag mo kami upang iyong makasama. Maging tapat nawa kami sa pagsunod sa iyong Anak sa aming paglalakbay patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Agri transformation

 38,925 total views

 38,925 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 49,971 total views

 49,971 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »

Political Mudslinging

 54,771 total views

 54,771 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »

Buksan ang ating puso

 60,245 total views

 60,245 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 65,706 total views

 65,706 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 4,738 total views

 4,738 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 4,886 total views

 4,886 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 5,469 total views

 5,469 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 5,658 total views

 5,658 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 5,982 total views

 5,982 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 4,871 total views

 4,871 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 5,379 total views

 5,379 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 5,176 total views

 5,176 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 5,330 total views

 5,330 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 5,573 total views

 5,573 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 5,781 total views

 5,781 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 5,647 total views

 5,647 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 5,770 total views

 5,770 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 6,017 total views

 6,017 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 6,160 total views

 6,160 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top