Publiko, hindi dapat mabahala sa deklarasyon ng ‘state of lawless violence’- Cong. Nograles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total reads

Hindi dapat mangamba ang mamamayan sa idineklarang “state of lawless violence” ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pambobomba sa Davao City kagabi na ikinasawi ng 16 at ikinasugat ng 71 katao.

Ayon kay Davao City 1st District Congressman Karlo Alexei Nograles, nais lamang ng Pangulo na magpatulong sa Armed Forces of the Philippines na sugpuin ang lawless violence dahil sa ginawang karahasang ito ng Abu Sayyaf Group na umaming may pananagutan sa krimen.

Dagdag pa ng mambabatas, ipinapakita ng deklarasyon na hindi ordinaryo ang sitwasyon ngayon kaya pinag-iingat at pinagbabantay din ang mga mamamayan kasama na ang apela na huwag matakot sakaling mas mahigpit ang pagbabantay ngayon ng mga pulis at katuwang na ang mga sundalo.

“Nakalagay sa ating Konstitusyon na the President as Commander in Chief may call out the military or the Armed Forces of the Philippines to suppress lawless violence so ito siguro ang pinatutungkulan ni president ng kanyang basis sa pagdedeklara ng state of lawless violence dahil sa ginawa ng Abu Sayyaf sa bombing sa Davao city. Magiging epekto nito maaring na siyang magpatulong to call out the military to suppress itong lawless violence, kumbaga ito po ay call sa taong bayan na may ganito tayong sitwasyon of extraordinary time dapat lahat ay maging vigilant at mag-ingat. Dapat ding hindi tayo magtataka kung makkita natin na mas magiging aktibo na ang ating military sa pag-secure hindi lamang sa Davao City kundi sa buong bansa.” Pahayag ni Nograles sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, sinabi ni Congressman Nograles na idineklara ang state of lawless violence sa buong bansa dahil ang Pangulo ang nakakaalam at nakakatanggap ng mga confidential information hinggil sa banta sa seguridad ng buong kapuluan

“Kailanga natin maintindihan na ang Presidente, siya ang nakakaalam nitong access sa mga confidential information , mga sensitive information kasi ang buong intelligence community sa presidente nagre-report at may nakukuha siguro siyang mga sensitive reports na basis niya rin sa pagde-declare ng state of lawless violence sa buong bansa.” Ayon pa sa mambabatas.

Mula taong 2013, nasa higit na sa 60 ang naganap na pambobomba sa Mindanao na ikinasawi ng mahigit 300 at ikinasugat ng halos 1,800 indibidwal kung saan ang 7 insidente naganap sa Davao region.

Nagpahayag na rin ng pakikidalamhati ang Simbahang Katolika sa pamamagitan ng mga obispo nito at nanawagan ng panalangin para sa mga biktima ng panibagong karahasan at gabayan ang Pilipinas mula sa mga masasamang gawain partikular na ang Mindanao lalo na ang Davao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 57,377 total reads

 57,377 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 93,643 total reads

 93,643 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 128,942 total reads

 128,942 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 355,213 total reads

 355,213 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 245,423 total reads

 245,423 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 294,386 total reads

 294,386 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,718 total reads

 406,718 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top