Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pwedeng taumbayan naman?

SHARE THE TRUTH

 98,976 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon. 

Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis na sila ay bumoto sa kani-kanilang kamara. Siyempre, tutol dito ang mga senador dahil lugi sila sa bilangan—24 ang mga senador habang mahigit 300 ang mga kongresista. Sa pagsisiyasat ng Senado tungkol sa inisyatibong ito, lumabas na nakipagtulungan ang People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA), ang pasimuno ng people’s initiative, kina House Speaker Romualdez at sa ibang kongresista sa pangangalap ng kinakailangang pirma upang umarangkada ang people’s initiative.

Ang mistulang desperasyon ng mga kongresista na maitulak ang Cha-cha ay dahil daw sa pangangailangang pataasin ang foreign investments upang gumanda ang ating ekonomiya. Pilit na itinatanggi ng mga kongresistang may gusto silang baguhin sa mga patakarang pampulitika, gaya ng pagpapahaba ng kanilang mga termino. Maging si Pangulong BBM, sa komemorasyon ng Constitution Day noong ika-9 ng Pebrero, ay sinabing ang gusto lamang baguhin ng kanyang administrasyon sa ngayon ay ang mga restrictive na mga patakarang pinipigilang umarangkada ang ating ekonomiya. Ang tugon ng ilang mga kongresista sa pahayag na ito: “We will follow the president”.

Pero para kanino ba ang mga pagbabagong inaasam nila?

Ayon kay Deputy Speaker David Suarez, dapat magtulungan ang mga mambabatas upang makamit ang gustong mangyari ni PBBM pagsapit ng 2025. Tinutukoy niya ang kagustuhan ni PBBM na maging upper middle-income class ang bansa pagdating ng 2025, bagay na binanggit niya sa kanyang unang SONA. Sa pagtukoy ng kinabibilangang income class ng isang bansa, tinitingnan ang gross national income o ang kabuuang kita ng lahat ng mamamayan at negosyo sa bansa.

Ngunit ang positibong pang-ekonomiyang datos ay hindi katumbas ng magandang buhay para sa lahat ng mamamayan. Halimbawa na lamang ang pagbaba ng unemployment rate. Kahit marami ang may trabaho, hindi naman ibig sabihing sapat ang suweldong natatanggap ng mga manggagawa. Kapag nakamit ng Pilipinas ang pagiging upper middle-income class, tagumpay ito para sa administrasyong PBBM, ngunit hindi ibig sabihin ay tataas ang estado ng pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino. Tandaan natin: ang pag-unlad ay hindi lamang nakasalalay sa paglago ng ekonomiya. Gaya ng sabi sa Catholic social teaching na Populorum Progressio, ang tunay na pag-unlad ay well-rounded o balanse at pangkabuuan. Hindi dapat nakahiwalay ang datos o numerong nagsasabing maunlad ang ekonomiya sa realidad o tunay na karanasan ng taumbayan.

Kaya ang ating tanong sa mga pampublikong opisyal: pwede po bang ang taumbayan naman? Maliban sa pagtuon sa mga pang-ekonomikong numero ng bansa, baka pwedeng pagtuunan din ng pansin ang pag-unlad ng kakayanan ng mga mamamayan na mamuhay nang komportable. Baka pwedeng ipaglaban naman ang mga hangarin ng mga Pilipino katulad ng pagpupursige nilang matupad ang nais ni PBBM. Baka pwedeng taumbayan naman.

Mga Kapanalig, ating tandaan ang sinasabi sa Mga Kawikaan 22:16, “Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,258 total views

 80,258 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 88,033 total views

 88,033 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,213 total views

 96,213 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,753 total views

 111,753 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,696 total views

 115,696 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,259 total views

 80,259 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 88,034 total views

 88,034 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,214 total views

 96,214 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 111,754 total views

 111,754 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 115,697 total views

 115,697 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,310 total views

 60,310 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 74,481 total views

 74,481 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,270 total views

 78,270 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,159 total views

 85,159 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 89,575 total views

 89,575 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 99,574 total views

 99,574 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 106,511 total views

 106,511 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,751 total views

 115,751 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,199 total views

 149,199 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,070 total views

 100,070 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top