Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Antipolo, nagpapasalamat sa canonical coronation ng Nuestra Señora de Fatima

SHARE THE TRUTH

 22,677 total views

Ikinagalak ng Diocese of Antipolo na ibahagi sa kristiyanong pamayanan ang biyaya ng pananampalatayang patuloy tinatamasa ng diyosesis.

Ito ang mensahe ni Bishop Ruperto Santos makaraang aprubahan ng Santo Papa Francisco nitong February 14 ang canonical coronation sa imahe ng Nuestra Señora de Fatima na nakadambana sa Diocesan Shrine and Parish Church of Saint Paul of the Cross sa Marikina City.

“It is with grateful hearts that we, in the Diocese, share and offer this tremendous blessing after blessing to all of you,” mensahe ni Bishop Santos.

Pinasalamatan din ng obispo ang santo papa sa malaking biyayang ipnagkaloob sa pamayanan ng mahigit tatlong milyong katoliko ng buong lalawigan ng Rizal at Marikina City na makatutulong sa pagpapayabong ng debosyon at pananampalataya.

“This enormous and symbolic gift, will surely deepen our devotion to the Mother of our Lord Jesus, who is also our mother,” ani Bishop Santos.

Kinilala rin ng obispo ang dedikasyon ng mga layko at lingkod ng simbahan ng Diocesan Shrine and Parish Church of Saint Paul of the Cross sa pangunguna ni Father Vicentico Flores, Jr. na nagtulong-tulong upang maisumite ang mga kinakailangang dokumento para sa canonical coronation.

Ito na ang ikalawang imahe ng Markina City na binigyang pagkilala ng santo papa at ikaanim sa buong diyosesis kabilang na ang Nuestra Señora Dela Paz y Buenviaje sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo; Nuestra Señora de los Desamparados ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Marikina; Nuestra Señora de Aranzazu ng Diocesan Shrine – Parish of Nuestra Señora de Aranzazu sa San Mateo, Rizal; Nuestra Señora de la Lumen ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light sa Cainta; at ang Nuestra Señora del Santísimo Rosario ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Holy Rosary sa Cardona.

Kamakailan ay pormal na itinalaga ang Antipolo Cathedral bilang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage gayundin ang pagtalaga sa ika – 23 Minor Basilica ng bansa ang Minor Basilica of the Parish Church of Saint John the Baptist sa Taytay Rizal.

Inaanyayahan ni Bishop Santos ang mananampalataya sa rito ng canonical coronation sa May 12, 2024, sa alas nuwebe ng umaga isang araw bago ang kapistahan ng Our Lady of Fatima sa May 13.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,768 total views

 70,768 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,763 total views

 102,763 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,555 total views

 147,555 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,526 total views

 170,526 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,924 total views

 185,924 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,492 total views

 9,492 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top