Ramon Magsaysay awardee, ikinalulungkot ang pagpapaliban sa confirmation hearing ni Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,732 total views

Dismayado at ikinalulungkot ni Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee, Rev. Fr. Flavie Villanueva, ang pagpapaliban ng International Criminal Court (ICC) sa confirmation hearing sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana ngayong ika-23 ng Setyembre, 2025.

Ayon sa pari na siyang Founder at President ng Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. at Program Paghilom na nangangalaga sa mga naulila ng mga biktima ng War on Drugs, maituturing na pansamantalang dagok para sa mga naulila ng war on drugs victims ang desisyon ng ICC.
Inihayag ni Fr. Villanueva, ang hakbang ay paraan lamang ng panlilinlang at pag-antala sa pag-usad ng kaso.

“Yung pag-postpone ng confirmation of charges ni [dating Pangulong] Rodrigo Duterte noong isang linggo ay nagdala ng pansamantalang dagok, lungkot sa mga biktima, sa mga ulila. Bagamat pilit nating pinaliwanag at ito naman ay naunawaan nila na ito’y pansamantala, ito’y taktika, ito’y panlilinlang ng mga Duterte upang hindi mailagay ang mukha ni Digong sa pang-mundong larawan na yung kanyang gustong duraan ay siyang humuhusga na sa kanya ngayon.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Sinabi naman ni Fr. Villanueva na bagamat may kalungkutan ay puno pa rin ng pag-asa ang mga naulila na makamit ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Tiniyak ng Pari na hindi natitinag ang pag-asa at pagnanais ng mga naulila ng War on Drugs na mapanagot ang lahat ng sangkot sa marahas na implementasyon ng kampanya laban sa illegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Bagamat may kalungkutan tuloy po ang pag-asa, tuloy po ang pakikibaka sa katarungan at hindi po matitinag ang mga balo, ulila at biktima ng karahasan ni Rodrigo Duterte na sumigaw ‘sobra na, tama na, panagutin ang lahat ng mga naging kasangkapan ni Rodrigo Duterte’.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Matatandaang ika-7 ng Marso, 2025 ng inilabas ng ICC ang arrest warrant laban kay dating Pangulong Duterte na isinapubliko noong ika-11 ng Marso, 2025 kung saan agad na inaresto ang dating Pangulo paglapag nito sa NAIA galing ng Hongkong.

Ika-12 ng Marso, 2025 ng pormal na isinuko sa custody ng ICC sa The Hague si dating Pangulong Duterte habang ika-14 naman ng Marso, 2025 ng unang humarap ang dating Pangulo sa International Criminal Court sa pamamagitan ng video link upang kumpirmahin ang kanyang katauhan sa ICC.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 9,155 total views

 9,155 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 37,160 total views

 37,160 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,960 total views

 54,960 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 54,568 total views

 54,568 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 166,517 total views

 166,517 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,578 total views

 15,578 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top