Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

RCAM, walang transaction sa Philhealth

SHARE THE TRUTH

 441 total views

Manila – August 26, 2020 Nilinaw ng pamunuan ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) na hindi ito nakikisangkot sa pamamalakad ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) kundi registered owner lamang ng kinatatayuan ng naturang ospital.

Sa pahayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sinabi nitong ang Hospital Managers, Inc. ang nangangasiwa sa operasyon ng CSMC mula pa noong Agosto 1988.

Ito ang tugon ng RCAM sa pahayag ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta kung saan isinasangkot ang RCAM sa katiwaliang nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa pagitan ng CSMC noong 2011.

Nag-ugat ang kaso sa nawawalang 170 milyong piso makaraang 70 milyong piso lamang ang ibinayad mula sa 240 milyong pisong overpayment sa CSMC.

Dahil dito irerekomenda ni Marcoleta na kasuhan dating opisyal ng Philhealth at maging ang mga opisyal ng CSMC kabilang na ang RCAM.
Iginiit ni Bishop Pabillo na walang kinalaman ang RCAM sa pamumuno sa ospital at hindi ito sangkot sa anumang transaksyon sa Philhealth.

RCAM statement

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,265 total views

 29,265 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,982 total views

 40,982 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,815 total views

 61,815 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,237 total views

 78,237 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,471 total views

 87,471 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top