Sto.Nino de Pandacan church, maitatayo sa pagtutulungan ng mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 866 total reads

August 27, 2020

Naniniwala ang pamunuan ng Santo Niño de Pandacan Parish na maitatayong muli ang simbahan sa lalong madaling panahon sa pagtutulungan ng mananampalataya.

Ayon kay Rev. Fr. Sanny de Claro, kura paroko ng parokya, ang tunay na simbahan ay ang mananampalatayang bumuo ng komunidad at nagkakaisang magpupuri sa Diyos sa bahay dalanginan kaya’t ito rin ang magtatayo sa nasunog na simbahan.

“The cry and longing to worship God, because to build the church is a collaborative effort of the people who long to worship God; tayo ang tunay na simbahan,” pahayag ni Fr. de Claro sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na nagpapatuloy ang pagpupulong ng mga enhinyero at arkitekto na mangangasiwa sa reconstruction ng simbahan ngunit kasalukuyan itong naaantala dahil sa mga limitasyong dulot ng pandemya.

Pinasalamatan naman ni Fr. de Claro si Manila Mayor Isko Moreno na nagbigay ng donasyon para sa pagtatayo ng simbahan at ang lahat ng mga nagpaabot ng kanilang tulong pinansyal para sa pagsasaayos ng simbahang natupok ng apoy noong ika – 10 ng Hulyo.

Samantala, tiniyak din ng Caritas Manila ang buwanang suporta na 100-libong piso hanggang sa matapos ang proyekto bilang tugon sa pangangailangan ng Santo Niño de Pandacan.

Patuloy pa ring nanawagan ang pari sa mamamayan ng tulong para sa pagsasaayos ng simbahan upang muling manumbalik ang sigla ng pananampalataya sa parokya.

“Maraming tao ang nais tumulong, walang maliit walang malaki, ang mahalaga galing sa puso, ‘yan ay malaking ambag para tumayo ang simbahan,” ani ni Fr. de Claro.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 18,460 total reads

 18,460 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 78,993 total reads

 78,993 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 164,360 total reads

 164,360 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 211,096 total reads

 211,096 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 258,967 total reads

 258,967 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 359,038 total reads

 359,038 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top