Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

COVID-19 pandemic, wake up call na pangalagaan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

 496 total views

August 27, 2020

Inaanyayahan ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice-chairman ng NASSA/Caritas Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Season of Creation na may temang “Jubillee for the Earth”, mula unang araw ng Setyembre hanggang Ika-11 ng Oktubre.

Karaniwan itong ipinagdiriwang hanggang ika-4 ng Oktubre kasabay ng kapistahan ng patron ng mga hayop at kalikasan na si San Francisco ng Assisi na pinalawig hanggang ika-11 ng Oktubre upang gunitain ang Indigineous Peoples’ Sunday.

Ayon kay Bishop Alminaza, mahalaga ang naging ambag ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan.

“Being the year also for Indigineous Peoples, maganda ring we will culminate our season of creation by also recognizing the particular contribution ng ating mga katutubo. Kasi kung titingnan natin sila talaga (ang) maraming maituturo sa atin (on) how to take care of our kalikasan, of mother earth. Kasi ang ating mga katutubo, meron na silang sariling pamamaraan, na they protect, irespeto, pangangalagaan ang ating kalikasan,”, pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na ang pandemya dulot ng COVID-19 ay naghahatid ng babala upang pangalagaan ang kalikasan na may pagkakatulad sa pangangalaga natin sa ating mga kalusugan.

“Kaya itong pandemic is a wakeup call, parang warning shot sa ating lahat na kung nagiging concern tayo ngayon sa health natin. We should be equally more concern with our environment because they are very much interrelated. Kaya I hope matututo na tayo to this pandemic na alagaan talaga ang ating kalikasan at sana naman yung season of creation will create an impact collectively sa ating bansa, sa ating mga community, from our own family”.pahayag ni Bishop Alminaza

Ngayong taong 2020, ang ika-walong taon ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas, kasabay nito ang ika-anim na taon ng World day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco tuwing unang araw ng Setyembre.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,127 total views

 73,126 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,122 total views

 105,121 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,913 total views

 149,913 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,863 total views

 172,863 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,261 total views

 188,261 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 401 total views

 401 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,470 total views

 11,470 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,507 total views

 6,507 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top