18,744 total views
Nagpapasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) sa 35-taong paglilingkod ni Department of Health Undersecretary, Dr. Eric Tayag.
Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Dan Cancino na sa mga nagdaang taon bilang tagapagtaguyod ng kalusugan ay naging malikhain at matapang si Tayag sa pagsusulong ng mga programa at impormasyon ng DOH.
Si Tayag ay binansagang “dancing doctor” dahil sa paraan nito ng pagbabahagi at pagpapaunawa sa publiko ng health programs ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasayaw.
“Most Filipino grew to love you, who assumed the arduous labors of a health official ensuring that proper and innovative health information and strategies reach the ground and every community. Your years of dedication have served as a beacon of inspiration to us all,” mensahe ni Fr. Cancino mula sa panayam ng Radio Veritas.
Dalangin ni Fr. Cancino kay Tayag ang maayos na kalusugan at patuloy na paglilingkod bilang health advocate para sa kapakanan ng mamamayan lalo ng mga mahihirap.
“May your retirement begin your new quest to discover countless moments of joy in the Lord, with your loved ones. I do believe that like the past 35 years, you will continue to serve as a health advocate and instrument of hope specially for the sick and the vulnerable,” dalangin ni Fr. Cancino para kay Tayag.
Bago maging DOH undersecretary, si Tayag ay nagsilbing chief epidemiologist, chief information officer (CIO), at spokersperson ng kagawaran.
Hahalili naman sa tungkulin ni Tayag bilang pinuno ng DOH Public Health Services Cluster (PHSC) si Assistant Secretary Ariel Valencia.
Samantala, hihirangin bilang bagong CIO si Usec. Emmie Liza Perez-Chiong, habang DOH Spokesperson naman si Officer-in-Charge Assistant Secretary Albert Francis Domingo.