Mayor Lacuna, pinakikilos ng EcoWaste sa bentahan ng iligal na skin lightening products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,214 total reads

Naniniwala ang EcoWaste Coalition na matutugunan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang laganap na pagbebenta ng ilegal na skin lightening products sa mga pamilihan sa lungsod.

Ito’y matapos na ibahagi ng grupo kay Manila City Mayor Honey Lacuna ang mapa na makakatulong upang mapabilis ang pagtukoy sa mga tindahang nagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto.
Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, malaki ang kanilang pag-asa kay Lacuna na kabilang sa kanyang prayoridad ang kaligtasan ng mga mamimili laban sa pagkakalantad sa mga produktong may sangkap na mercury.

“Being a woman, mother and physician, we know Mayor Lacuna is one with us in protecting consumers and their families from being exposed to mercury lurking in these skin lightening products. Please make full use of the map we have created to enforce the ban on mercury cosmetics under the ASEAN Cosmetic Directive and the Minamata Convention on Mercury and uphold our people’s rights to health and to a clean and toxics-free environment,” pahayag ni Lucero.

Noong Marso 10 hanggang 27 ay nagsagawa ng imbestigasyon ang grupo sa mga pamilihan sa Maynila partikular na sa Quaipo, Binondo, Santa Cruz, at Malate, at napag-alamang 52 tindahan ang nagbebenta ng mga ilegal na mercury-containing cosmetics na una nang ipinagbawal ng Food and Drug Administration (FDA).

Kabilang sa FDA-banned cosmetics ang Goree Beauty Cream mula sa Pakistan, 88 Total White Underarm Cream mula sa Thailand, Collagen Plus Vit E Day & Night Cream mula sa Indonesia, at Feique, Jiaoli, at S’Zitang skincare sets mula naman sa China.

Hinikayat naman ng EcoWaste ang Manila City LGU na magpatupad ng executive order o ordinansa na magbabawal at magpapataw ng karampatang parusa sa mga mahuhuling gumagawa, nag-aangkat, nagbabahagi, nagsusulong, at nagbebenta ng mga produktong may sangkap na mercury.

Humiling din ang grupo sa pamahalaang lungsod na pangunahan ang ‘Natural is Beautiful” campaign bilang bahagi ng health awareness at promotion efforts upang mahikayat ang mga Manileño na tanggapin ang natural na kutis, at iwasan na ang paggamit ng mga produktong mapanganib sa kalusugan.

Nakasaad sa Katuruang Panlipunan na sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan ngunit, kinakailangang matiyak na ang negosyo nito’y walang masamang epekto kalusugan ng tao at kalikasan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 4,377 total reads

 4,377 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 46,224 total reads

 46,224 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 80,351 total reads

 80,351 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 136,757 total reads

 136,757 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,730 total reads

 177,730 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top