Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 35,126 total views

Homily April 7, 2024
2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday
Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31

Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang pagbasa, napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang sanlibutan at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Nananampalataya tayo na si Jesus ay ang anak ng Diyos. Ang pinakaprueba nito ay ang kanyang muling pagkabuhay.

Hindi madali na maniwala sa muling pagkabuhay ni Jesus. Pinakita ito sa atin ni Tomas. Hirap siyang maniwala kahit na sinasabi ng lahat ng mga kasama niya na talagang buhay si Jesus kasi nakita nila siya. Hindi makapaniwala si Tomas dahil absent siya sa grupo. Iyan ang problema ng mga taong absent sa grupo, absent sa community sa kanilang pagmimisa o kanilang pagpupulong. Hirap silang pasundin sa common experience, kasi wala sila doon. Hindi ba iyan din ang nararanasan natin sa mga Kristiyano na palaging absent sa misa? Mababaw ang kanilang pananampalataya at mahirap silang makiisa sa gawain at programa ng simbahan. Pero noong present na si Tomas sa grupo sa ikalawang Linggo at nagpakita uli si Jesus, natunaw ang kanyang pagdududa. Naranasan niya si Jesus na muling nabuhay. Nanalig na siya. Hindi lang niya nakilala si Jesus. Kinilala niya siya na Panginoon at Diyos. Lumuhod siya. Sinamba na niya siya. Kaya mga kapatid, makiisa palagi tayo sa community. Huwag tayong maging absent sa ating mga pagtitipon. Dito mapapalakas ang ating pananampalataya. Dito tayo makikiisa sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Jesus. Makikilala natin si Jesus sa ating pakikiisa sa simbahan.

Napakalakas ang kapangyarihan ng pananampalataya sa muling pagkabuhay na natatalo nito ang tanikalang kumakadena sa puso ng mga tao ngayon – ang kadena ng kasakiman at pagkamakasarili na dinadala ng pera at ating mga material na ari-arian. Bahagi ito ng sanlibutan na kailangan nating pagtagumpayan! May nagsasabi na hindi pa malakas ang pananampalataya kundi hindi pa nito nabubuksan ang pitaka at napapaluwag ang bulsa. Madaling magsabi na naniniwala siya sa Diyos, na mahal niya ang Diyos, basta huwag lang pakialaman ang kanyang pitaka, huwag lang humingi sa kanya ng kontribusyon.

Pero makikilala natin na talagang totoo at malalim ang pananamapalataya ng mga unang kristiyano sa Jerusalem at tunay ang kanilang pagkakaisa sa puso’t damdamin na hindi na nila itinuturing na kanila ang kani-kanilang ari-arian. Pinagbibili nila ang kanilang mga lupa’t bahay at ang pinagbilhan ay ibinibigay sa mga apostol at ibinabahagi naman ito sa mahihirap sa kanila. Kaya napakalaki ang transformation na nangyari sa kanilang community. Walang nagdarahop sa kanila. Natutugunan ang pangangailangan ng lahat kasi wala na ring mayaman sa kanila. Ang kanilang pagbabahaginan ang naging maliwanag na tanda na kumikilos sa piling nila ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay, na natatalo na nila ang pagkamakasarili. Kaya naging kapani-paniwala ang pahayag ng mga apostol tungkol kay Jesus na muling nabuhay.Successful ang kanilang preaching. Marami ang naniwala. Nakikita at nararamdaman ang pananampalataya sa Christian community.
Ito rin ang sinisikap nating maranasan sa ating pagbabalik handog ng yaman. Kung talagang naniniwala tayo na buhay ang Panginoon at hindi niya tayo pababayaan, hindi na tayo matatakot na maging generous sa pagbabalik handog ng ating kayamanan, kahit na nga magbigay ng 10%. Kung naibigay na ni Jesus ang kanyang buhay sa atin, pababayaan ba niya tayo kung nagbibigay tayo ng ika-pu sa kanyang simbahan? Hindi naman pinabayaan ng Diyos Ama ang pag-aalay ni Jesus. Binuhay siyang muli. Hindi din tayo pababayaan kung tayo ay nagbabahagi ng ating yaman. Pagpapalain din tayo.

Noong taong 2000 idiniklara ni Papa Juan Pablo ikalawa na ang second Sunday of Easter as Divine Mercy Sunday. Sa linggong ito pinapaalaala sa atin ang dakilang habag ng Diyos sa atin. Ang pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ay talagang tanda ng habag ng Diyos. Kusa itong ginawa ni Jesus para sa atin. Hindi siya napilitan. Wala tayong karapatan dito. Hindi pa nga tayo karapat-dapat sa kaligtasang ito dahil sa ating kasalanan at patuloy na pagkakasala. Kung ito ay ginawa ni Jesus, ito ay dahil lang sa habag niya. Naaawa siya sa ating kawawang kalagayan kaya inalay niya ang kanyang buhay para sa atin. Ang pagkabuhay ni Jesus ay tanda rin ng tagumpay ng kanyang habag. Matatalo natin ang ating pagkamakasarili dahil mahabagin ang Diyos. Tanggapin natin ang kanyang awa. Huwag tayong magpadala sa discouragement o sa ating katigasan ng ulo na magpabaya na lang sa ating kasamaan. Mapagtatagumpayan natin ito kasi mahabagin ang Diyos sa atin.

Ang kaligtasan po ay biyaya ng Diyos. Hindi ito ating kagagawan. Mahabagin ang Diyos sa atin. Tanggapin natin ang kanyang awa. Manalig tayo na anuman ang mangyayari, may kaligtasan pa rin. Kailangang kailangan natin ng mensaheng ito ngayong panahon na parang hindi mapigilan ang katigasan ng puso sa mundo. Nawala na ang awa sa puso ng tao. Sumusulong ang El Nino at ang global warming at ramdam na ramdam nating lahat ang matinding init ng panahon, pero iyan patuloy pa ang pagmimina at pagtatayo ng coal power plant. Huwag tayong magpalinlang. Wala pang responsible mining sa ating panahon ngayon lalo na sa Filipinas. Walang clean coal – walang malinis na uling! Nasaan na ang awa natin sa kalikasan? Ang dami nang namamatay ng gutom, patuloy pa rin ang magbobomba ng Israel sa Gaza. Hindi nila pinapapasok sa Gaza kahit na ang pagkain at gamot sa halos dalawang milyong mga tao. Kung ang dinadahilan ng mga Israelis na may karapatan sila sa lupa sa Israel, di ba may karapatan din ang mga Palestinians sa lupa at sa kanilang buhay? 1,200 lang ang napatay na mga Israelis noong October 7, mula noon hanggang ngayon, halos anim na buwan na ang nakaraan, 32,000 na mga Palestinians ang kanilang pinatay – 14,000 doon ay mga bata. Ang tigas ng puso ng mga Israelis at ng mga bansang nagbibigay sa kanila ng armas. Nasaan na ang awa sa kapwa tao? Ganoon din, matigas ang ulo ng mga Russians sa Ukraine. Higit na dalawang taon ang pag-gegiyera nila. Parang wala tayong magawa sa katigasan ng puso dito sa mundo. Tumawag tayo at umasa tayo sa Diyos na mahabagin. Maawa ka sa amin, Diyos na mahabagin. Sa iyo lamang kami umaasa. Palambutin mo ang puso naming mga tao. Ito ang dasal natin sa Divine Mercy:

Holy God, Holy Mighty God, Holy Immortal One, have mercy on us and on the whole world. (repeat 3 times)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 3,749 total views

 3,749 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 54,312 total views

 54,312 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 3,371 total views

 3,371 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 59,494 total views

 59,494 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 39,689 total views

 39,689 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 1,325 total views

 1,325 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 2,389 total views

 2,389 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 3,699 total views

 3,699 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 6,429 total views

 6,429 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,614 total views

 7,614 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 9,094 total views

 9,094 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 11,505 total views

 11,505 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 14,790 total views

 14,790 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 17,224 total views

 17,224 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 19,084 total views

 19,084 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 21,394 total views

 21,394 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 27,521 total views

 27,521 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 25,650 total views

 25,650 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 27,933 total views

 27,933 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 30,839 total views

 30,839 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top