Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 44,848 total views

2nd Sunday of Lent Cycle B
Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10

Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan ng panahon para sa panalangin; kailangan tayong tumulong sa ating kapwa. Sa maikling salita kailangan tayong mamatay sa ating sarili upang maging bukas sa Diyos at sa ating kapwa.

Hindi ito madali. At bakit natin ito ginagawa? Kasi gusto nating makiisa sa bagong buhay na binigay sa atin ni Kristo, ang bagong buhay ng Muling Pagkabuhay. Ngayong Linggo pinapasilip tayo sa makabagong buhay na ito. Pinapatikim sa atin ang kaluwalhatian na magiging atin kung sumusunod tayo kay Jesus. Nagbagong anyo si Jesus sa harap nina Pedro, Juan at Santiago. Kasama ni Jesus si Moises na kumakatawan sa Batas ng Diyos, at si Elias na kumakatawan sa mga propeta na nananawagan na sumunod ang mga tao sa Batas ng Diyos. Maningning at maluwalhati ang kanilang anyo. Napakaganda ng pangitaing ito na napasabi ni Pedro: “Panginoon, manatili na lang tayo dito. Gagawa kami ng tatlong kubol para sa inyo.”

Ang pagbabagong anyong ito ay pampalakas ng loob sa mga apostol na nadi-discourage na dahil nagsasalita na si Jesus tungkol sa kanyang pagpapakasakit at kamatayan habang sila ay papunta sa Jerusalem. Hindi naman sumunod ang mga alagad ni Jesus sa kanya para lang sila mabigo, para lang maglaho ang kanilang pag-asa sa tagumpay na dadalhin ng pinaniniwalaan nilang sinugo ng Diyos. Upang bigyan sila ng pag-asa, pinasilip sila ni Jesus sa kaluwalhatian na mapapasakanya. Pinakita ni Jesus na ang mangyayari sa kanya sa Jerusalem ay naaayon sa plano ng Diyos na nakasaad sa mga Batas at sa mga pahayag ng mga propeta. Kaya ang boses na nanggaling sa langit na siya ang boses ng Diyos Ama ay humikayat sa kanila: “Pakinggan ninyo siya.” Anuman ang sasabihin niya, sundin ninyo kasi siya ang aking anak. Hindi niya kayo pababayaan. Magdadala ng tagumpay ang kanyang daraanan. Sundin ninyo siya!

Magkakaroon tayo ng ganitong pag-asa kahit na anong hirap man ang ating nararanasan sa ating pagsunod kay Jesus kung tayo ay may malakas na pananalig. Ang pag-asa ay nakaugat sa pananalig. Ang pananalig na hinihingi sa atin ay ang pananalig ni Abraham na narinig natin sa unang pagbasa. Itinaya ni Abraham ang lahat sa kanyang pagsunod sa salita ng Diyos. Handa niyang ialay si Isaac, ang kaisa-isa niyang anak, ang kanyang anak na minamahal, para sa Diyos. Sinubok ng Diyos ang kanyang pananampalataya at pumasa siya sa pagsubok. Buo ang kanyang pananalig sa Diyos kaya pinangakuan siya ng malaking lahi na kasing dami ng mga bituin sa langit at ng mga buhangin sa dalampasigan. Binigyan siya ng pag-asa na hindi mawawala ang kanyang lahi.

At talagang makakaasa tayo sa Diyos kasi buo naman ang pagmamahal niya sa atin. Hindi hinayaan ng Diyos na iaalay ni Abraham ang kaisa-isang anak niya, pero siya, inalay niya ang kanya mismong anak, ang kanyang pinakamamahal na anak. Kaya nga sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, kung ibinigay na ng Diyos ang kanyang anak para sa atin, ano pa ba ang hindi niya ibibigay sa atin? Pababayaan ba niya tayo? Hindi ba niya tayo ililigtas sa anumang hinaharap natin ngayon? Huwag tayong mag-alinlangan. Buo ang commitment ng Diyos sa atin. Pinakita ni Jesus ang commitment na iyan sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay para sa atin. At ngayon ay patuloy na niya tayong inaalalayan sa kanyang pagiging tagapamagitan sa atin doon sa kanan ng Diyos Ama. May dakila tayong tagapamagitan sa Diyos.

Kaya, mga kapatid, huwag manghina ang loob natin sa pagtahak ng landas ng kuwaresma. Ang mga kahirapan na nararanasan natin sa ating pagsunod kay Jesus ay balewala sa harap ng kaluwalhatian at ng tagumpay na mapapasaatin. Ang pagbabagong anyo ni Jesus ay isang assurance sa atin.

Ngayong araw ay February 25. Inaalaala natin ang nangyari sa Edsa noong 1986, 38 years ago. Ito ay isang araw ng tagumpay ng mga Pilipino. Sa wakas, naiwaksi natin ang labing apat na taon ng diktadura ni Marcos Sr, at ito ay nagawa natin ng mapayapa. Nagawa natin ito kasi nagkasama-sama tayo. Hindi natakot ang mga tao kung ano ang mangyayari sa kanila. Hinarap nila ang mga sundalo at ang mga tangke na ang sandata ay ang Santo Rosaryo. Sa halip na pagmumura, hinarap nila ang mga sundalo na may mga bulaklak. At pinakita naman ang kagitingan ng mga sundalo at pati na ang mga piloto ng mga pandigmang eroplano na hindi sila sumunod sa utos ng kanilang nakakataas na barilin at bombahin ang mga tao. Hindi nila maaaring patayin ang kapwa Pilipino na walang kalaban-laban, ang kapwa Pilipino na walang naman ginagawa kundi magdasal at umawit. Ang Edsa ay isang sulyap sa atin, isang patikim kung ano ang magagawa ng mga Pilipino na nagkakaisa, na nagdarasal, na handang magtaya ng sarili para sa bayan. Nagawa natin ito kasi nagkaroon tayo ng pag-asa na may panibagong liwanag sa buhay sa gitna ng kadiliman ng diktadura. Malakas ang pag-asa natin kasi malalim ang ating pananampalataya na hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya dasal ang ating sandata noon. Hindi man lahat ng mga Pilipino ay nasa Edsa noong 1986, pero lahat ng mga Pilipino ay nagdarasal sa kanila-kanilang bahay at sa mga simbahan noong nangyayari ang Edsa.

Hindi naman tayo binigo ng Diyos. Nagbago ang loob ng mga leaders natin. Nagbago ang loob ng mga generals. Nagbago ang loob ng mga Marcoses at ng kanilang mga cronies. Umalis na lang sila.
Natikman na natin ang tagumpay ng pagiging mulat, ng pagkakaisa, ng panalangin noon 1986. Nasa atin na ngayon kung ipagpatuloy pa natin ang pagiging mulat sa mga ginagawa ng mga kasalukuyang pulitiko sa atin, kung ipagpatuloy natin ang pagkakaisa sa pagtaya ng sarili para sa bayan, kung ipagpatuloy pa natin ang pananalig sa Diyos na hindi nagpapabaya sa mga umaasa sa kanya.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 12,050 total views

 12,050 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 21,385 total views

 21,385 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 33,495 total views

 33,495 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 51,145 total views

 51,145 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 72,172 total views

 72,172 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 9, 2025

 1,897 total views

 1,897 total views 1st Sunday of Lent Cycle C Dt 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13 Ang kuwaresma ay isang katangi-tanging panahon ng simbahan. Sa panahong ito naghahanda ang buong simbahan sa pinakadakilang pangyayari ng ating kaligtasan – ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Ang tawag dito ay MISTERIO PASKAL. Ito ay hindi lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 2, 2025

 6,370 total views

 6,370 total views 8th Sunday of the Year Cycle C Sir 27, 4-7 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45 Ang ating buhay ay puno ng pagdedesisyon. Kahit sa anong bagay dapat tayong magdecide. Pati na lang sa pagbili ng sabon, kailangan magdecide. Anong sabon ba ang bibilhin ko? Ganoon din sa pagluto ng pagkain, ano ba ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 23, 2025

 7,786 total views

 7,786 total views 7th Sunday of Ordinary Time Cycle C St Peter the Apostle Sunday (Opus Sancti Petri) 1 Sam 26:2.7-9.12-13.22-23 1 Cor 15:45-49 Lk 6:27-38 Ang lahat ng relihiyon ay nangangaral tungkol sa pag-ibig. Mag-ibigan kayo! Sinasabi ito ng lahat ng relihiyon. Sa ating mga Kristiyano hindi lang tayo hinihikayat na umibig, sinasabi pa sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 16, 2025

 9,489 total views

 9,489 total views 6th Sunday of Ordinary Time Cycle C Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26 Marami sa atin, o baka lahat tayo, ay naghahanap ng swerte. Ang swerte ay nagbibigay ng kasiyahan, kaya nagiging mapalad tayo. Kaya ang bati natin sa isang aalis, swertihin ka sana. Maging mapalad ka nawa sa trabaho mo o

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 9, 2025

 11,728 total views

 11,728 total views 5th Sunday of Ordinary time Cycle C Is 6:1-2.3-8 1 Cor 15:1-11 Lk 5:1-11 Sa harap ng mga dakilang tao, o kakila-kilabot na pangyayari, o napakaganda at hindi inaasahang pagtatagpo, nanliliit tayo. Nakikita natin ang ating sarili na hindi karapat-dapat. Natatakot at lumalayo tayo. Sino ba naman ako na makasaksi nito? Sino ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 2, 2025

 13,956 total views

 13,956 total views Feast of the Presentation of the Lord World Day for Consecrated and Religious Life Pro-Life Sunday Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking Mal 3:1-4 Heb 2:14-18 Lk 2:22-40 Apatnapung araw na pagkatapos ng pasko. Ayon sa kaugaliaan ng mga Hudyo, ang babaeng nanganak ng lalaki ay dapat pumunta sa templo upang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 26, 2025

 15,415 total views

 15,415 total views 3rd Sunday of Ordinary Time Cycle C Sunday of the Word of God National Bible Sunday Neh 8:2-4.5-6.8-10 1 Cor 12:12-30 Lk 1:1-4.4:14-21 Ano kaya ang dadalhin ng taong 2025 sa atin? Ito ay Jubilee Year, na ang ibig sabihin taon ng biyaya at habag ng Diyos. Hinihikayat tayo ng paksa ng jubilee

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 16,678 total views

 16,678 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang Katoliko ay iisa lang sa buong mundo, ngunit ito ay nagkakaroon ng kanyang katangian sa bawat kultura depende sa katangian ng mga tao at sa kanilang kasaysayan. Ang debosyon sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 12, 2025

 18,904 total views

 18,904 total views Feast of the Baptism of the Lord Cycle C Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22 Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 19,009 total views

 19,009 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 23,128 total views

 23,128 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 22,441 total views

 22,441 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 24,496 total views

 24,496 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 30,419 total views

 30,419 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 33,826 total views

 33,826 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top