Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 35,196 total views

Homily April 14, 2024
3rd Sunday of Easter Cycle B
Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48

Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan ng mga religious leaders ng kanyang panahon. Naranasan niya ang torture ng mga Romano, ang pagkutya ng mga tao, ang kaduwagan ni Pilato, ang pananahimik ng kanyang mga alagad. Nandiyan din ang walang katarungang pagbibintang at paghuhusga, ang panunulsol ng mga pari pa naman sa mga tao, ang pasakit ng pagkapako sa krus. Natanggap din niya ang huling kamandag ng kasalanan na walang iba kundi ang kamatayan, at masakit at nakakahiyang kamatayan. Ang lahat ng ito ay dinanas ni Jesus at napagtagumpayan niya. Siya ay muling nabuhay! Ang mga bakas ng sugat sa kanyang mga kamay at paa ay hindi na naging tanda ng kahihiyan kundi naging medalya na ng kanyang tagumpay. Hindi siya napahiya. Napagtagumpayan niya ang lahat.

Tayong nakikiisa kay Jesus ay nakikiisa din sa kanyang tagumpay. Ano naman ang ating tagumpay sa kasalanan? Ang kapatawaran! Totoo nandiyan pa rin ang kasalanan, pero wala na itong kapit sa atin. Napapatawad na tayo kahit na gaano kalaki ng ating kasalanan. Iyan ang mensahe ni Pedro at ni Juan sa mga tao doon sa Jerusalem. Maraming mga tao ang nagtipon noong makita nila na ang lumpo na namamalimos sa labas ng templo ay nakalalakad na. Pinaliwanag ni Pedro na ang lumpong ito ay nakalakad dahil sa kapangarihan ni Jesus na muling nabuhay. Oo, namatay siya. Itinakwil nila siya sa harapan ni Pilato kahit na gusto na niya siyang palayain. Pinagbintangan nila ang taong matuwid at banal at pinagpalit sa isang mamamatay tao. Pinapatay nila ang pinagmumulan ng buhay, ngunit hindi siya mapigilan ng kamatayan. Sila ay muling nabuhay. Ang katotohanan na buhay siya ay napagaling niya ng lumpo na nasa harapan nila ngayon.

Pero kahit na ganito ang kanilang ginawa kay Jesus hindi pa huli ang lahat. Sa kanilang pagka-ignorante sa pamamaraan ng Diyos, tinupad nila ang nakasulat sa banal na kasulatan na ang Kristo ay dapat magdusa. Kaya ngayon magsisisi na sila upang matanggal na ang kasamaan na kanilang ginawa. Iyan din ang sinulat ni San Juan na ating narinig sa ikalawang pagbasa. Ayaw ng Diyos na magkasala tayo, pero kung nagkakasala man tayo, nandiyan si Kristo na Tagapamagitan natin. Siya ang handog na nagpapatawad sa kasalanan natin, at hindi lang ng kasalanan natin, kundi kasalanan ng lahat ng mga tao. Kaya hindi na tayo maaalipin ng kasamaan. Matatanggal na ang kasamaan natin.

Sino ang magdadala ng mensaheng ito ng tagumpay at kapangyarihan? Ang mga apostol ni Jesus, na sila mismo ay nagkasala, na sila mismo ay nahirapan na makapaniwala. Nagpakita na si Jesus sa dalawa sa kanila sa daan patungo sa Emaus. Nakita na nila si Jesus na nakatayo sa harap nila. Pinakita na ni Jesus at pinapahipo pa sa kanila ang butas ng pako sa kanyang mga kamay at paa. Kumain na si Jesus ng inihaw na isda sa harap nila upang patunayan na hindi siya multo, pero nag-aalinlangan pa sila. Ang damdamin nila ay magkahalong takot at tuwa. Tuwa dahil nandiyan na si Jesus sa piling nila. Takot at pagkamangha kasi bago ang pangyayaring ito. Siya ba talaga ito? Totoo ba ito?

Pinaliwanag sa kanila ni Jesus na ang nangyari sa kanya ay bahagi ng plano ng Diyos. Nangyari ito sa kanya hindi dahil sa naging mahina siya at hindi siya nakatakas sa mga umuusig sa kanya. Ito ay nakatakda na sa Banal na Kasulatan. Nakasulat doon na magbabata ang Kristo ng kahirapan ngunit mabubuhay na muli sa ikatlong araw. At ngayong buhay na uli siya, ipapahayag na ang kapatawaran ng kasalanan.

Natalo na niya ang kasamaan. At sila, ang mga alagad niya, ang mga saksi sa mga pangyayaring ito. Ganoon nga ang ginawa ng mga apostol. Pumunta sila sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at nagpahayag. Hindi lang sila nagpatotoo sa pamamagitan ng kanilang mga salita. Itinaya nila ang kanilang buhay sa mensahe nila. Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus na nagbigay ng lakas sa mga alagad na humayo at magbuhos ng kanilang buhay na ito ay totoo.

Nakarating hanggang sa atin ang mensaheng ito. Natanggap natin ang mga patotoong ito ng mga apostol kaya mayroong tayong apostolic faith. At tayo din ngayon, tinataya natin ang ating panahon, ang ating talento, ang ating yaman sa paniniwalang ito. Dahil sa handog ni Jesus, tayo ay nagbabalik handog. Kaya nga tayo nagsisimba ngayon. Kaya nga tayo nakikiisa sa mga panawagan ng bayanihan. Kaya nga marami sa atin ay nag-se-serve sa iba’t-ibang gawain ng simbahan. Kaya nga tayo nag-aambag ng ating makakayanan sa mga projects ng simbahan. Isinasabuhay natin ang pag-aalay ni Jesus sa paniniwala na makikiisa din tayo sa kanyang tagumpay.

Isabuhay natin at patuloy na ipahayag ang magandang balitang ito. Malaya na tayo sa kasamaan. Pairalin na natin ang kabutihan. Kaya huwag na tayong magpadala sa takot, sa pangamba, sa galit, sa inggit, sa bisyo at sa anumang kasamaan. Manalig tayo at maging generous at makikiisa tayo sa kapangyarihan ni Jesus na muling nabuhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,825 total views

 34,825 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,955 total views

 45,955 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,316 total views

 71,316 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,690 total views

 81,690 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,541 total views

 102,541 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,280 total views

 6,280 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Homily July 6, 2025

 2,495 total views

 2,495 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle C Is 66:10-14 Gal 6:14-18 Lk 10:1-12.17-20 “Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.” Galak at tuwa ang

Read More »

Homily June 29, 2025

 8,498 total views

 8,498 total views Solemnity of St. Peter and Paul St. Peter’s Pence Sunday Acts 12:1-11 2 Tim 4:6-8.17-18 Mt 16:13-19 Noong taong 64 nagkaroon ng matinding

Read More »

Homily June 22, 2025

 10,504 total views

 10,504 total views Corpus Christi Sunday Gen 14:18-20 1 Cor 11:23-26 Lk 9:11-17 Ang taong nagmamahal ay malikhain. Naghahanap siya ng mga pamamaraan upang makapiling niya

Read More »

AVT LIHAM PASTORAL

 21,176 total views

 21,176 total views Magdasal para sa Kapayapaan “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y tatawagin na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Mga

Read More »

Homily June 15, 2025

 15,585 total views

 15,585 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C Basic Ecclesial Community Sunday Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15 Kapag tayo ang nanonood ng

Read More »

Homily June 8 2025

 22,537 total views

 22,537 total views Pentecost Sunday Cycle C Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Si Jesus ay umakyat na sa langit. Iniwan na ba niya tayo?

Read More »

Homily May 25, 2025

 27,184 total views

 27,184 total views 6th Sunday of Easter Cycle C Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14. 22-23 Jn 14:23-29 “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Napakasarap pakinggan ang pananalitang

Read More »

Homily May 18, 2025

 30,069 total views

 30,069 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »

Homily May 11, 2025

 30,990 total views

 30,990 total views 4th Sunday of Easter Cycle C Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 13:14.43-52 rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30 Ang pagpapastol

Read More »

Homily May 4, 2024

 27,684 total views

 27,684 total views 3rd Sunday of Easter Cycle C Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19 Mula noong si Jesus ay muling nabuhay, mayroon ng pagkakaiba ang

Read More »
Scroll to Top