Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,432 total views

Homily July 14, 2024
15th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13

Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala. Pinadala niya ang Espiritu Santo. At pinapadala din niya tayo noong tayo ay binyagan.

Bakit siya nagpapadala? Kasi may magandang balita siyang ipinaaabot sa atin. Noon sa Lumang Tipan, ang magandang balita ay ang kanyang pagtitipan sa kanyang bayan. Ang mga Israelita ay kanyang bayan at siya ang kanilang Diyos. Maging masunurin sila sa kanya at hindi niya sila pababayaan. Ngayon sa Bagong Tipan ang pagtitipan na ito ay para na sa lahat ng tao na nananalig sa kanyang pag-ibig. Hindi na lang ito para sa isang lahi kundi para sa lahat na may pananampalataya sa kanyang anak. Si Jesukristo ay ang pahayag ng pag-ibig ng Diyos para sa atin. Sa pamamagitan niya maaari tayong makiisa sa Diyos at maging banal. Dito tayo tinatawag mula pa noong likhain tayo upang maging banal at walang kasalanan. Iyan ang layunin ng ating buhay. Kaya nga siya namatay upang mapawi ang anumang pagkakasala natin. Wala ng hawak ang kasalanan sa atin. Dahil kay Jesus at alang-alang sa kanya, pag-iisahin ng Diyos ang lahat sa langit at sa lupa.

Hindi lang nga tayo may kasunduan sa Diyos. Inampon pa niya tayo na maging kanyang mga anak dahil sa pagmamahal niya sa atin. Hindi ba Magandang Balita ito? Ito ang mensahe ng Diyos kaya palagi siyang nagpapadala ng mga tao hanggang ngayon.

Ganoon kahalaga ng kanyang mensahe na ayaw niya na ito ay maantala ng anumang abalahin. Kaya nga sinabi niya sa mga apostol na huwag sila magdala ng anuman. Huwag alalahanin kung may pera ba sila, kung may pagkain ba, kung may maisusuot ba. God will provide for the mission. Hindi naman pababayaan ng Diyos ay kanyang pinapadala. Huwag din dapat sila mapigilan ng pagtanggap o ng hindi pagtanggap ng mga tao. Tumuloy sila sa anumang bahay na magpatuloy sa kanila. Kung hindi sila tanggapin sa isang bahay o sa isang lugar, tumuloy sila sa susunod.

At naranasan nga ng mga apostol ang success ng kanilang pagmimisyon. Maraming mga demonyo ang kanilang napalalayas. Napagaling nila ang maraming may sakit. Ipinangaral nila ang pagsisisi upang matanggap ang Magandang Balita, at marami ang naniwala. Talagang hindi pinababayaan ng Diyos ang kanyang pinapadala.

Pero hindi lahat ay handang tumanggap sa mga pinapadala ng Diyos. Sa unang pagbasa narinig natin ang hindi pagtanggap kay propeta Amos ng punong pari na si Amasias. Punong pari pa naman siya ngunit hindi niya tinanggap ang mensahero ng Diyos! Si Amos ay nananawagan sa mga tao sa harap ng dambana ng Diyos sa Betel. Isinumbong siya sa hari at pinapaalis doon kasi ayaw pakinggan ng pari at ng hari ang mensahe niya na magbalik loob. Sabi ni Amasias kay Amos na umalis na siya. Hindi naman siya taga-Samaria. Siya ay taga-Juda. Doon na siya magpahayag sa bayan niya. Sumunod ba si Propeta Amos? Nanahimik ba siya? Hindi! Kasi siya ay pinadala ng Diyos. Hindi naman siyang kusang gumagawa ng gawain ng propeta. May trabaho siya doon sa kanila. Tagapag-alaga siya ng puno ng igos at pastol siya ng kawan pero tinawag siya ng Diyos at pinadala sa Samaria upang maging propeta doon. Tapat si Amos sa nagpadala sa kanya. Kahit na hindi siya tinanggap, hindi siya tumigil.

Tayo ba ay tapat din sa Diyos na nagpapadala sa atin? Tayong nakatanggap ng kaligtasan ay pinapadala din upang ibahagi ang ating pagkakilala sa Diyos sa iba. Kung talagang mabuting balita ang ating tinanggap, hindi dapat itong manatili na atin lang. Ang bawat bininyagan ay hindi lang nakatanggap ng kaligtasan. Ibahagi din natin ang kaligtasang ito sa iba at magtulungan tayong isabuhay ang kaligtasang natanggap natin.

Alam po natin na marami pang tao ang hindi nagpapahalaga sa kanilang pananampalataya. Nabinyagan nga sila pero hindi nila ito napapahalagahan at naisasabuhay. Tayong biniyayaan na makilala si Kristo ay may tungkulin na ilapit ang iba sa kanya. Sa ating pagsasagawa ng misyong ito mas gaganda ang ating buhay mismo. Hindi ba mas magiging maganda ang ating pamilya at maging ang ating sambayanan sambayanan kung ang mga tao ay sumusunod sa batas ng Diyos? Kaya mayroong gulo sa atin dahil nandiyan iyong galit, iyong mga bisyo, iyong pagsasamantala sa iba, iyong pagsisinungaling, iyong paninirang puri – ang mga ito na labag sa kalooban ng Diyos at nagbibigay ng kaguluhan sa ating pamilya at komunidad. Kaya kailangan na palawakin ang pagkakilala kay Kristo upang mas maging mapayapa at kaaya-aya ang ating kalagayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 14,858 total views

 14,858 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 65,583 total views

 65,583 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 81,671 total views

 81,671 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 118,900 total views

 118,900 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 8,868 total views

 8,868 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 9,225 total views

 9,225 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Homily July 13, 2025

 1,873 total views

 1,873 total views 15th Sunday in Ordinary Time Cycle C Deut 30:10-14 Col 1:15-20 Lk 10: 25-37 Hindi natin magagawa ang hindi natin nalalaman. Kung hindi

Read More »

Homily July 6, 2025

 5,886 total views

 5,886 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle C Is 66:10-14 Gal 6:14-18 Lk 10:1-12.17-20 “Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.” Galak at tuwa ang

Read More »

Homily June 29, 2025

 11,171 total views

 11,171 total views Solemnity of St. Peter and Paul St. Peter’s Pence Sunday Acts 12:1-11 2 Tim 4:6-8.17-18 Mt 16:13-19 Noong taong 64 nagkaroon ng matinding

Read More »

Homily June 22, 2025

 13,177 total views

 13,177 total views Corpus Christi Sunday Gen 14:18-20 1 Cor 11:23-26 Lk 9:11-17 Ang taong nagmamahal ay malikhain. Naghahanap siya ng mga pamamaraan upang makapiling niya

Read More »

AVT LIHAM PASTORAL

 24,695 total views

 24,695 total views Magdasal para sa Kapayapaan “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y tatawagin na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Mga

Read More »

Homily June 15, 2025

 18,258 total views

 18,258 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C Basic Ecclesial Community Sunday Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15 Kapag tayo ang nanonood ng

Read More »

Homily June 8 2025

 25,210 total views

 25,210 total views Pentecost Sunday Cycle C Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Si Jesus ay umakyat na sa langit. Iniwan na ba niya tayo?

Read More »

Homily May 25, 2025

 29,858 total views

 29,858 total views 6th Sunday of Easter Cycle C Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14. 22-23 Jn 14:23-29 “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Napakasarap pakinggan ang pananalitang

Read More »

Homily May 18, 2025

 32,742 total views

 32,742 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »

Homily May 11, 2025

 33,663 total views

 33,663 total views 4th Sunday of Easter Cycle C Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 13:14.43-52 rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30 Ang pagpapastol

Read More »
Scroll to Top