Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,426 total reads

Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis.

Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid ng Panginoong Hesukristo.

Gayundin ang pananalangin para sa mga healthcare worker at mga pamilyang nag-aalaga ng maysakit sa kanilang mga tahanan na inilalaan ang buhay at oras upang makapaghatid ng lunas at pag-asa sa mga may sakit.

“Sa pamamagitan ng pagdarasal ng ating patron, San Kamilo de Lellis, nawa ang paghilom at pagpapagaling ng ating Panginoon ay maranasan ng mga may karamdaman at ng bawat pamilyang Pilipino,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinanganak si San Kamilo o St. Camillus de Lellis noong Mayo 25, 1550 sa Naples, Italy; at taong 1582 ay itinatag ang Ministers of the Infirm o mas kilala bilang Camillians, na ang misyo’y maglingkod sa mga may karamdaman at higit na ilapit ang kagalingang hatid ng Panginoong Hesukristo.

Pumanaw si San Kamilo noong Hulyo 14, 1614 sa edad na 64; ganap na naging santo noong 1746 sa pamamagitan ni Pope Benedict XIV (the fourteenth), at itinuturing na patron ng mga ospital, healthcare workers, at mga may karamdaman.

Samantala, isasagawa naman sa Radio Veritas Chapel ang mga Banal na Misa para sa karangalan ni San Kamilo ngayong Hulyo 14, 2024, sa ganap na alas-sais ng umaga na pangungunahan ni Lung Center of the Philippines Chaplain, Fr. Almar Roman, MI; sa alas-12 ng tanghali sa pangunguna ni St. Camillus Medical Center Chaplain, Fr. Eliseo Navarro, MI; at sa alas-sais ng gabi naman si St. Camillus Center for Humanization in Health executive director, Fr. Placido de Jose, MI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,871 total reads

 57,871 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 106,982 total reads

 106,982 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,854 total reads

 154,854 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 258,801 total reads

 258,801 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 341,988 total reads

 341,988 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,772 total reads

 166,772 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top