Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 25,908 total views

Homily July 7, 2024
14th Sunday Ordinary Time Cycle B
Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6

Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi naman masama ang magdasal at magsimba, bakit ayaw ito gawin ng marami? Hindi naman nakabubuti ang sabong at marami pa ngang pamilya ang naghihirap dahil dito pero palaging puno ang sabungan. Hirap ang mga kabataan na magtiyaga sa pag-aaral, pero madaling maglakwatsa kung saan-saan.

Si Jesus mismo ay nagtaka dito. Umuwi siya sa kanyang lunsod ng Nazaret kung saan siya lumaki. Kilala niya ang mga tao doon, ang marami ay kamag-anak pa niya. Kilala din siya ng mga tao at kilala ang kanyang pamilya. Ngunit ayaw siyang paniwalaan ng kanyang kababayan. Dapat nga matuwa sila na isa sa kanila ay naging tanyag dahil magaling siyang magpahayag at nakakatulong pa sa marami sa kanyang pagpapagaling at pagpapalayas ng demonyo. Pero hindi! Sa halip na sila ay matuwa, pinagdudahan pa siya. “Saan siya nakakakuha ng ganitong galing at kapangyarihan?” ang tanong nila. “Hindi ba karpintero lang siya at taga-rito lang siya?” Ang kanilang pagkakilala sa kanyang pagkatao ay bumulag sa kanila sa kanyang misyon ng kaligtasan, kahit may patotoo pa siyang ginagawa – ang mga milagro niya. Dahil sa pagkakilala kuno nila sa kanyang pagkatao hindi sila nanampalataya. Baka may pagkahalo pa itong inggit. Sinulat sa ating ebanghelyo: “Nagtaka si Jesus sapagkat hindi sila sumampalataya.”

Pero kahit na ganito ang pangkaraniwang ugali ng mga tao na mahirap makinig sa matuwid, hindi nagsasawa ang Diyos na magpadala sa atin ng mga propeta upang patuloy na magsalita at manawagan sa atin. Ito ang sinabi ng Diyos kay propeta Ezekiel noong ipadala siya ng Diyos. Alam ng Diyos na matitigas ang ulo ng mga Israelita. Ito ay isang bansang suwail, mula pa sa kanilang mga ninuno. Naghihimagsik sila palagi laban sa Diyos. Pero pinadala pa rin niya si Ezekiel sa kanila. Makinig man sila sa kanya o hindi, patuloy siyang magsalita sa kanila tungkol sa Panginoong Diyos. Hindi sila makakabigay ng excuse na hindi nila alam, na walang sinabi ang Diyos. Hindi siya nagkukulang na magpaalaala sa kanila.

Makikita natin dito ang pagtitiyaga ng Diyos at ang kanyang katapatan sa atin. Ito ay dahil sa kanyang pag-ibig sa atin. Marahil ito rin ay dahil sa kanyang malaking tiwala sa atin na baka naman ay may maniwala pa, baka naman may pumansin sa kanya at magbagong buhay. Sinabi ni Papa Francisco na mahalaga sa Diyos kahit na ang kaunting pagpapakita ng pagbabago at paggawa ng kabutihan. Kaya kapag tayo ay magbalik handog ng kaunting panahon sa pagdarasal, mahalaga na ito sa kanya. Kaunting halaga lang na binibigay natin sa balik handog ay magagamit na niya para sa malaking kabutihan. Kaya ang pagbibigay ng piso sa Pondo ng Pinoy ay ikinatutuwa niya. Maaari ito na ang simula ng pagiging generous ng isang tao.

Kung ang Diyos ay hindi nagsasawa na maniwala sa atin, huwag din tayong magsawa na maniwala sa kanya. Sa ating ikalawang pagbasa, si Pablo ay may iniinda sa Panginoon. Hindi natin alam kung ano ito. Ang tawag niya dito ay isang tinik o isang kapansanan na kanyang nararanasan sa kanyang katawan. Ito ba kaya ay isang karamdaman, o isang malaking problema, o isang tukso? Hindi natin alam. Pero nahihirapan siya rito kaya tatlong beses niyang ipinagdasal sa Diyos na tanggalin na ito. Pero hindi ginawa ng Diyos ang kanyang kahilingan. Sinabi lang ng Diyos sa kanya: “Ang aking tulong ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Mga kapatid, uulitin ko ang sinabi ng Panginoon: “Ang aking tulong ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo.” Hindi lang niya ito sinabi kay Pablo. Ito ay sinasabi niya sa bawat isa sa atin. Hindi niya tayo pababayaan. Sapat ang tulong niya sa atin. Naniwala si Pablo sa kanya. Kaya kapag may problema siya, kapag nanghihina na siya dahil sa kanyang dinadalang responsibilidad, naniniwala siya na palalakasin siya ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil dito nasabi niya na kung kailan siya mahina, saka naman siya malakas. Siya ay malakas dahil sa ang lakas na ito ay galing sa Diyos. Dahil sa hindi na niya kaya, pinalalakas siya ng Panginoon. Hindi ba nararanasan din natin ito? May mga panahon na mahina tayo, na halos wala na tayong magagawa. Nagsu-surrender na nga tayo. Pero nakakatayo pa tayo. Nalalampasan din natin ang problema. Kumilos ang Diyos sa atin. Nagkaroon tayo ng ibayong lakas at kakayahan. Tinutulungan ng Diyos ang nangangailangan.

Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa ating kahinaan kumikilos ang Diyos basta huwag tayong magpabaya, gawin natin ang magagawa natin at maniwala tayo sa kanya. Kinakabahan tayo ngayon sa banta ng Tsina na atin. Binabangga ang mga barko nating nagdadala ng supplies sa mga mangingisda at mga sundalo sa West Philippine Sea. Napakalaki ng Tsina; magaling ang technology nila. Mayaman sila. Ano naman ang laban natin sa kanila? Mayroon silang 9,150 na tanke, mayroon lang tayo ng 45. Mayroon silang 1,385 na eroplanong pandigma. Mayroon tayo ng 8. Mayroon silang 106 warships, mayroon tayong 14. Ano naman ang laban natin sa kanila? Pero mga kapatid, mayroon tayong Diyos. Sila ay hindi naniniwala sa Diyos. May pananampalataya tayo. Gamitin natin ito. Magdasal tayo, manalig tayo sa kanya. Sabihin natin: Kung kailan kami mahina, diyan kami malakas kasi may dakilang Diyos tayo na hindi magpapabaya sa atin. Kumapit lang tayo sa kanya at gawin natin ang kalugod-lugod sa kanya! May dakilang Diyos tayo!

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 5,346 total views

 5,346 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 20,114 total views

 20,114 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 27,237 total views

 27,237 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 34,440 total views

 34,440 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 39,794 total views

 39,794 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 772 total views

 772 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 2,086 total views

 2,086 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 4,816 total views

 4,816 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 6,001 total views

 6,001 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,481 total views

 7,481 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 9,892 total views

 9,892 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 13,177 total views

 13,177 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 15,611 total views

 15,611 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 17,471 total views

 17,471 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 19,781 total views

 19,781 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 24,037 total views

 24,037 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 26,320 total views

 26,320 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 29,226 total views

 29,226 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 30,165 total views

 30,165 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 29,710 total views

 29,710 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top