VeritasPH

The Word, The Truth

 10,880 total views

11th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Father’s Day
Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34

Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na loob natin sa kanila. Mahalaga ang tatay sa buhay ng bawat tao kaya nga noong ang Anak ng Diyos ay naging tao, kailangan niyang may tumayo na tatay sa buhay niya dito sa lupa. Ginampanan ito ni San Jose. Siya ang nagpamana kay Jesus ng kanyang pagiging galing sa lipi ni David; siya ang nangalaga at sumuporta kay Jesus at kay Mama Mary. Siya ang nagsalamin sa pagka-Ama ng Diyos para kay Jesus sa kanyang kabataan. Iyan din ang mga tatay natin. Magpasalamat tayo sa Diyos dahil sa kanila, ipagdasal natin sila, at kung nandiyan pa sila, batiin natin sila at ipakita ang ating pagpapahalaga sa kanila.

Ang Diyos nga ay Ama. Siya ang provider. Siya ang nagbibigay ng ating pangangailangan, kahit na madalas hindi natin ito namamalayan. Iyan ang ipinakita sa atin ng mga talinhaga ni Jesus. Ang binhi na itinanim ng magsasaka ay lumalaki na hindi namamalayan ng nagtanim. “Tutubo at lalago ang binhi ng hindi niya nalalaman kung paano.” Ganyan kumilos ang Diyos Ama; ganyan lumalago ang paghahari ng Diyos. Hindi natin ito kagagawan. Ito ay gawain ng Diyos.

Iyan din ang sinulat ni propeta Ezekiel sa ating unang pagbasa. Ang maliit na usbong ng sedro, isang punong kahoy na matigas, ay itatanim sa mataas na bundok. Dito siya lalago at magiging isang malaki at magandang puno ng sedro kung saan sisilong ang maraming mga ibon at mga hayop. Ang puno ng sedro na ito ay sumasagisag sa bayan ng Israel na ibabalik uli ng Diyos sa lupain ng Israel pagkatapos na sila ay ikinalat sa iba’t-ibang lupain ng mga Babylonians. Kakaunti lang sila noon pero lalago din sila sa kanilang lupain mismo. Ang Diyos ang may hawak ng takbo ng kasaysayan at makapangyarihan siya. Siya ay kumikilos sa kasaysayan kahit na hindi natin ito namamalayan.

Ngayon po magulo ang lupain ng Israel dahil sa guera sa Gaza. Hindi ito kalooban ng Diyos. Ayaw ng Diyos ng patayan. Maaari namang sama-samang lumago ang mga tao na naninirahan sa lupaing iyon. Nagkakagulo doon kasi ayaw ng mga Israelis at ng Hamas na magkaroon ng dalawang bansa kung saan sama-sama silang maninirahan. Kasakiman at kawalang tiwala sa bawat isa ang naghahari kaya patuloy ang digmaan, at ang namamatay at napipinsala ay ang mga bata, mga matatanda, mga kababaihan at mga civilians na naninirahan doon. Aabot na sa 36,000 ang napatay. Umaabot pa sa 80,000 ang nasugatan, nabulag at naputulan ng kamay at paa. Matindi ang kahirapan doon. Patuloy nating ipagdasal ang kapayapaan. Sa lalong madaling panahon maghari na nawa ang pagbabago at kasaganaan para sa lahat, at hindi lang sa isang pangkat doon sa lupain ng Israel.

Hinihikayat tayo ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na mamuhay tayo ayon sa pananalig sa Diyos at hindi sa mga bagay na nakikita. Ayon sa ating nakikita parang imposible ang kapayapaan sa Gaza ngayon. Pero may pananalig tayo sa Diyos na hindi nagpapabaya. Dahil sa pananalig na ito, naisin natin na gawin ang kalugod-lugod sa Diyos dito sa lupang ibabaw. Ang pagdarasal dahil sa ating pagkabahala na hindi wasto ang nangyayari sa Gaza ay kalugod-lugod sa Diyos. Alalahanin natin na tayong lahat ay haharap sa hukuman ni Kristo at tatanggap ng kaukulang ganti sa ating ginawa sa buhay na ito, mabuti man o masama. May gantimpala ang bawat kabutihan natin at may parusa naman sa kasamaan na ginawa natin. Magdadala ng gantimpala ang mabuting pagnanais at mga panalangin natin sa mga nagdurusa.

Kaya hayaan natin, at huwag hadlangan, ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay at sa ating kasaysayan. Ang pagkilos ng Diyos ay palaging nagsisimula sa maliit, pero ito ay lumalaki. Tingnan na lang natin ang ating buhay. Nagsimula tayo na maliit na sanggol – napakahina at napaka-cute. Ngayon malakas na tayo at marami na ang nagagawa natin na noon ay hindi natin kaya. Ang iba nga sa atin ay may malalaking responsibilidad na. Ganoon din ang mga malalaking puno. Nagsimula sa maliit na binhi. Ganoon din ang ating simbahan. Mag-isa lang si Jesus na nagsimula nito at ngayon ay kalat na buong mundo at marami nang kabutihan ang nagagawa ng simbahan. Nakikinabang din tayo sa malaking puno ng simbahan. Dito tayo kumukuha ng lakas at sigla sa ating buhay at dinadala tayo ng simbahan sa buhay na walang hanggan. Mga kapatid, kumikilos ang Diyos. Lumalago ang kanyang kaharian. Manalig at umasa tayo.

Bahagi tayo ngayon ng kaharian ng Diyos. Sa atin din kumikilos siya at sa pamamagitan natin lumalawak ang kaharian ng kabutihan at katotohanan. Hindi lang po tayo tagatanggap ng kaligtasan. Tayo ay tagapagdala din ng kaligtasan. Tayo ay katiwala ng kaligtasan. Hindi lang natin ito i-enjoy. Ibahagi din natin ito. Kaya nga ang bawat kristiyano ay tinatawag na MISSIONARY DISCIPLE. Tayo ay mga disipulo. Ipinunla sa atin ang pananampalataya. Bilang mga disipulo nakikinabang tayo sa mga biyaya ng Diyos. Pero hindi lang tayo disipulo. Hindi lang tayo tagasunod. Dahil sa binyag, tayo ay missionaries din na ang ibig sabihin, tagadala din ng Magandang Balita sa iba. Ibinabahagi din natin ito bilang mabubuting katiwala ng pananampalataya.
Kaya nga hindi tayo makontento na tayo lang ang nakakakilala kay Kristo at naglilingkod sa kanya. Masaya ang pagiging Kristiyano, di ba? Kaya gusto din natin na ito ay matanggap ng iba, lalung lalo na ng mga malapit sa atin sa buhay – ang pamilya natin, ang mga kaibigan natin, at ang kapitbahay natin. Kaya mayroon tayong mga KRISKA, mga Kristiyanong Magkapitbahan, upang sama-sama nating maisabuhay ang Magandang Balita, at sa gayon mapalago ang paghahari ng Diyos.

Huwag natin sabihin na hindi natin ito kaya. Maging generous lang tayo sa pagiging missionary disciples. Tinutulungan tayo ng Diyos sa gawaing ito. Kahit hindi natin namamalayan, kumikilos ang Diyos sa pamamagitan natin. Ang kaligtasan na sinimulan ng Diyos ay hindi niya pababayaan. Tatapusin niya ang kanyang sinimulan. Papalaguin niya ng kanyang tinanim. At nagpapasalamat tayo na bahagi tayo sa gawaing ito ng pagpapalago ng kaharian ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 2,290 total views

 2,290 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 10,275 total views

 10,275 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 17,811 total views

 17,811 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 33,797 total views

 33,797 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 41,841 total views

 41,841 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,434 total views

 1,434 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,562 total views

 7,562 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,691 total views

 5,691 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 7,974 total views

 7,974 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 11,819 total views

 11,819 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,813 total views

 11,813 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,531 total views

 15,531 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,377 total views

 17,377 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,374 total views

 17,374 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 21,883 total views

 21,883 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,199 total views

 27,199 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,357 total views

 29,357 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,515 total views

 31,515 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 31,862 total views

 31,862 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,464 total views

 44,464 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top