30,292 total views

Homily February 14 2024
Ash Wednesday
Joel 2:12-18 2 Cor 5:20-6:2 Mt 6:1-6.16-18

Tulad ng sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, bilang pinadala ng Diyos, nanawagan kami sa inyo sa ngalan ni Kristo, makipagkasundo na kayo sa Diyos. Ngayon na ang panahon ng kaligtasan. Tanggapin na ninyo ang kaligtasang inaalok sa inyo.

Iyan po ang panahon ng Kuwaresma na sinisimulan natin ngayong araw. Ito ay panahon ng masidhing pagsisikap na isabuhay ang kaligtasan na tinanggap na natin noong tayo ay bininyagan. Niligtas tayo ni Jesus noong siya ay nagpakasakit, namatay at muling mabuhay para sa atin. Natanggap natin ang kaligtasang ito noong tayo ay bininyagan. Binayaran na ni Jesus ang ating mga kasalanan at binahagi sa atin ang kanyang bagong buhay. Naging mga anak na tayo ng Diyos Ama, tulad ni Jesus. Naging tagapagmana na tayo ng langit. Naging templo na tayo ng Espiritu Santo na nananahan sa atin. Ang mga katotohanang ito ay pinapaalaala uli sa atin, at hinihikayat tayo na isabuhay ang bagong buhay ng mga inililigtas ng Diyos.

Ang paglalagay ng abo sa ating mga noo ngayong araw ay panawagan sa atin ng bagong buhay na mapapasaatin. Huwag huwag tayong malilang ng mundong ito. Lilipas ang buhay na makalaman natin. Mamamatay tayo at babalik tayo sa alabok, pero may bagong buhay na nag-aantay sa atin. Mamuhay na tayo ngayon ayon sa bagong buhay na ito, kaya magsisisi na sa ating mga kasalanan at mamuhay para sa kaharian ng Diyos.

Oo, napatawad na ang kasalanan natin noong tayo ay bininyagan. Pero dala-dala pa rin natin ang bakas ng kasamaan sa ating buhay ngayon at hinahatak pa tayo nito. Huwag tayo magpadala dito. Patuloy natin labanan ang kasamaan sa ating buhay. Talagang ang buhay natin ay isang pakikidigma sa kasamaan. Araw araw nating itong ginagawa at huwag dapat tayong magpabaya. Binigyan naman tayo ng sandata sa labanan na ito. Ito ang tatlong programa ng kuwaresma – iyan ay ang panalangin, ang pagpepenitensiya at ang pagkakawanggawa.

Sa panalangin nakikipag-ugnay tayo sa Diyos. Ito po ay ang balik-handog natin ng panahon. Sikapin natin na mas bigyan ng panahon ang Diyos sa ating personal na panalangin, sa ating pakikiisa sa mga gawain sa simbahan tulad ng pakiisa sa rosary at Bible sharing sa ating mga Kriska o BEC, sa ating personal na pagbabasa ng Bible, sa mga sama-samang pagdarasal sa ating mga pamilya. Mas pinagbibigyan natin ng panahon ang panalangin, may lumalago ang ating pag-ibig sa Diyos at mas mabibiyayaan tayo.

Ang madalas na hadlang sa ating pagdarasal ay ang sariling kagustuhan. Mas gusto natin ang barkada, mas gusto natin ang mag-tik-tok o manuod ng video o TV, mas gusto natin ang matulog. Kaya kailangan ding supilin ang ating sarili. Ito na ang pagpepenitensiya. Kasama dito ang pag-aayuno ngayong araw ng Miyerkules ng Abo at ang hindi pagkain ng Karne tuwing Biyernes. Maaari din tayong gumawa ng pagpigil sa sarili sa iba’t-ibang paraan upang magkaroon ng self-control. Ito ay maaaring pag-control ng pagmumura, supilin ang pagiging magalitin, labanan ang katamaran, bawasan o alisin ang pag-iinum o paninigerilyo. Maraming paraan upang magkaroon tayo ng self-mastery.

Ang bunga ng ating panalangin at penitensiya ay ang pag-ibig sa kapwa na napapakita natin sa ating pagkawanggawa. Kaya ang panahon ng kuwaresma ay panahon ng FAST2FEED. Ang natipid natin dahil sa pag-aayuno ay ibinigigay natin para makakain ng mga nagugutom o hindi sapat na nakakain na mga bata. Kaya mayroon tayong second collection sa araw na ito para sa FAST2FEED. Mayroon din tayong programa ng ALAY KAPWA. May pananagutan tayo sa ating kapwa kaya naglilikom tayo ng pera upang makatulong sa mga nasasalanta ng mga kalamidad. Nagtitipid tayo upang may mai-share tayo sa iba. Pati na ang mahihirap o ang mga bata ay makakasama sa pagtulong sa kapwa. Nandiyan ang PONDO NG PINOY, ang pagtatabi ng maliit na halaga, kahit na piso araw-araw bilang tanda ng pag-ibig sa Diyos at sa kapaw. Hindi ba ito din ang diwa ng ating pagbabalik-handog ng kayamanan? Seriosohin natin na ang ating pagbabalik-handog. Binibigyan tayo ng simbahan ng maraming paraan upang makatulong sa kapwa.

Mga kapatid, sa ating pagdarasal, napapalapit tayo sa Diyos. Sa ating pagpepenitensiya nagkakaroon tayo ng self-control, at sa ating pagkakawanggawa nakakatulong tayo sa kapwa. Ngunit may sinasabi ang Panginoong Jesus sa atin tungkol sa mga ito. Gawin natin ang mga ito, pero gawin natin na hindi nagpapakitang tao. Ginagawa natin ito para sa Diyos, mapansin man ng iba o hindi. Ang Diyos na nakakakita ng mga bagay na ginagawa ng lihim, ay ang gagantimpala sa atin. May gantimpala sa Diyos kasi mabubuti ang mga gawaing ito. Huwag lang sana sirain ang kabutihan ng panalangin, ng pag-aayuno at ng paglilimos ng kayabangan o paghahanap ng pansin sa ibang tao.

Ang kuwaresma ay tatagal ng apatnapong araw. Apatnapo ay panahon ng paghahanda at panahon ng pagpapanibago. Ito ay nagpapakita ng pagtitiyaga. Ang tunay na pagbabago ay hindi natatamo sa panandaliang paraan. Kailangan nito ng panahon upang magka-ugat at maging kaugali. Ang mga Israelita ay dapat maglakbay ng apatnapong taon sa disyerto upang maging bayan ng Diyos pagpasok nila sa lupang ipinangako sa kanilang mga ninuno. Umulan na apatnapong araw at gabi upang mapanibago ang mundo noong panahon ni Noe. Si propeta Elias ay lumakbay ng apatnapong araw papunta sa bundok ng Horeb upang doon ay makatagpo ang Diyos. Si Jesus ay nagdasal at nag-ayuno ng apatnapong araw sa disyerto bago siya magsimula ng kanyang misyon. Kaya taon-taon apatnapong araw tayo dumadaan sa kuwaresma upang sariwain ang ating sarili para makaisa ni Jesus sa kanyang misterio paskal – ang kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay. Upang makaisa ni Jesus sa kanyang muling pagkabuhay dumadaan din tayo sa karanasan ng pagsisikap na mamatay sa sarili at maging generous.

Mga kapatid, pumasok tayo sa panahong ito na may kababaan loob, kaya tumatanggap tayo ng abo sa ating noon, at ng may katatagang loob na ipagpatuloy ang disiplina ng panalangin, penitensiya at kawanggawa sa loob ng apatnapong araw na ito.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 6,971 total views

 6,971 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 11,216 total views

 11,216 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 18,131 total views

 18,131 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 33,509 total views

 33,509 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 45,933 total views

 45,933 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 2,221 total views

 2,221 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 4,379 total views

 4,379 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 6,537 total views

 6,537 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 6,887 total views

 6,887 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 20,357 total views

 20,357 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 20,786 total views

 20,786 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 24,830 total views

 24,830 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 27,586 total views

 27,586 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 27,586 total views

 27,586 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 27,568 total views

 27,568 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 31,069 total views

 31,069 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 27,568 total views

 27,568 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 27,563 total views

 27,563 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 27,563 total views

 27,563 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 27,564 total views

 27,564 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top