Photo courtesy: CBCP News

Bigyan ng pantay na pagpapahalaga ang kalikasan, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 25,285 total views

Nananawagan ang Archdiocese of Capiz na isulong ang pagkakaroon ng balanse o patas na pagbibigay ng halaga sa pagitan ng kalikasan at negosyo.

Ayon kay Archbishop Victor Bendico, maraming kagubatan at lupain ang naubos na ang mga punongkahoy dahil mas pinagtutuunan ang pagtatayo ng mga negosyo upang pagkakakitaan.

“Maraming bukirin na ang nakakalbo dahil sa sariling interes ng mga negosyante. Pinuputol ang mga punong kahoy at tinataniman ng mga mais. Mas madali ang pera sa mais kaya lang nagkakaroon na ng “fast crop” mentality ang mga malalaking negosyante,” pahayag ni Archbishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ng arsobispo na kabilang sa mga pinagtutuunan sa bansa ang sektor ng agrikultura upang mapagkunan ng makakain at pagkakakitaan ng mamamayan ngunit, dapat pa ring isaalang-alang ang kapakanan ng kalikasan na malaki rin ang tulong para sa mga tao.

Paliwanag ni Archbishop Bendico na ang kalikasan, lalo na ang kagubatan ay mahalaga ang tungkulin upang mapanatili ang malinis at preskong kapaligiran lalo na ngayong tag-init.

“Dahil sa napaka-init na panahon ngayon, masasabi natin na pinapasok na ng tao ang ‘sanctuary’ ng mga punongkahoy at hayop… Paraiso para sa mga hayop ang ating mga bukirin noon pero ngayon, wala na silang masilungan. Ang mga punong kahoy na noon ay kakampi natin tuwing kalamidad, bagyo, at tag-init ay halos wala na. Kaya wala nang kumakampi sa atin ngayon dahil hindi na natin inaalagaan ang ating kapaligiran,” ayon kay Archbishop Bendico.

Magugunita noong unang araw ng Abril nang maitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 44-degrees Celsius heat index sa Roxas City, Capiz.

Naibahagi rin ng arsobispo na bago pa man ang paggunita sa Semana Santa ay ramdam na ang maalinsangang panahon sa Capiz.

March 22, 2024 nang opisyal nang ideklara ng PAGASA ang Summer Season kaya’t binalaan ang publiko sa pag-init pa ng panahon sa mga susunod na araw na palalalain pa ng umiiral na El Niño Phenomenon.

Dalangin naman ni Archbishop Bendico na magising ang kamalayan ng lahat sa mga nangyayaring pagbabago sa kapaligiran at simulang isabuhay ang mga turo ng Laudato Si’ at Laudate Deum bilang pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,722 total views

 12,722 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,366 total views

 27,366 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,668 total views

 41,668 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,378 total views

 58,378 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,313 total views

 104,313 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top