Pagsusulong ng Revolutionary Government, kahibangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 761 total reads

MANILA – Kahibangan ang pagsusulong at pagtatag ng ‘Revolutionary Government ng ilang taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr., isa sa 1987 Constitutional Framers, kahibangan ang planong pagtatatag ng revolutionary government kung saan si Pangulong Duterte din ang ilalagay bilang pinuno sa bagong gobyerno.

Paliwanag ng obispo, bukod sa labag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang pagtatag ng revolutionary government ay hindi rin ito napapanahon lalut nahaharap sa krisis ang bansa dulot na rin ng pandemya.

“They are crazy to propose that at this time and supposed to be led by President Duterte who according to [Presidential Spokesperson] Harry Roque is in perpetual isolation, can you imagine how crazy it is to propose that during this pandemic,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radyo Veritas.

Giit ng Obispo, wala ring batayan para sa planong pagtatatag ng isang revolutionary government na maituturing na mas malala pa sa pagdi-deklara ng Martial Law.

“There is no warrant for such a Revolutionary Government under these circumstances, it is even worse than pure Martial Law. Unang una tatanggalin ang Konstitusyon, kapag may Revolutionary Government the Constitution will be disregarded. What is that, they will set-aside the Constitution? If a Revolutionary government is declared, the Constitution will be set aside [and] we will have a pure dictatorship,” dagdag pa ni Bishop Bacani Jr.

Binigyang diin rin ng Obispo na bukod sa pagsasantabi ng mga karapatan ay mawawalan rin ng proteksyon ang mamamayan sa pagsasantabi ng Saligang Batas na naglalaman ng mga probisyon na nangangalaga sa kapakanan at dignidad ng bawat mamamayang Filipino.

Inilunsad ang People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change noong ika-25 ng Hulyo sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan na ayon sa tagapagsalita ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Committee (MRRD-NECC) na grupong nagsusulong ng RevGov ay itinaon sa parehong araw na pinunit ng mga Katipunero ang sedula na hudyat ng 1896 Revolution laban sa Spanish colonial government.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 20,501 total reads

 20,501 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 81,651 total reads

 81,651 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 167,018 total reads

 167,018 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 213,754 total reads

 213,754 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 261,626 total reads

 261,626 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 361,522 total reads

 361,522 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top