Religious group sa Roma, nanalangin para sa kaligtasan ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang John Paul II Foundation sa Roma para sa kapanatagan at kaligtasan ng mga Filipino sa epekto ng pagligalig ng bulkang Taal.

Labis ang pag-alala ni Fr. Krzystof Wieliczko, OSSPE, Ph.D, Executive Director ng institusyon sa kalagayan ng mga apektadong residente lalo’t malawak ang epekto ng ash fall mula sa bulkan.

Ngayong araw, mag-aalay ng banal na Eukaristiya si Fr. Wieliczko sa himlayan ni Saint John Paul II sa Vatican upang hingin ang tulong panalangin sa Diyos Ama para sa kaligtasan ng Pilipinas mula sa mga natural na kalamidad.

“On Tuesday, January 14, 2020, Rev. Fr. Krzystof Wieliczko, shall offer a Mass before the tomb of Saint John Paul II in the Vatican to earnestly seek as intercession of this Saint for the Philippines and make the country safe. Invoking the special protection of our Lord, Jesus Christ, Fr. Krzystof’s prayer is directed at volcanoes to stop from further eruptions and spare the Filipino people from danger and harm,” bahagi ng pahayag ng John Paul II Foundation.

Kasalukuyan pa ring itinaas ng Philvocs sa alert level 4 ang sitwasyon ng bulkan o mapanganib sa malubhang pagsabog kapag nagpapatuloy ang aktibidad ng bulkan.

Patuloy din ang panawagan ng Archdiocese of Lipa nang panalangin para sa kaligtasan habang umapela rin ng tulong si Archbishop Gilbert Garcera para sa pangunahing pangangailangan ng mga lumikas na residente.

Ibinahagi rin ng institusyon ang panalangin ni Saint John Paul II noong sumabog ang bulkan sa Armero, Colombia noong 1985 na ikinasawi ng mahigit 20-libong indibidwal.

“Father, rich in mercy, ease the pain of so many families, dry the tears of so many brothers. Through the solidarity of work and constancy of the people of this land, let rise up as from the ashes a new city of your children and brothers, where fraternity reigns, families are renewed, tables are replete with bread and the fields and hearths are filled with song.”- SJP II.

Sa huli tiniyak ni Fr. Krzystof na ptuloy itong kaisa ng mga Filipino sa pananalangin para sa kaligtasan sa kabila ng hinaharap na pagsubok bunsod ng kalamidad na dulot ng bulkang Taal.

Nakiisa rin sa panalangin ang John Paul II Foundation– Philippines sa pangunguna ni Atty. Marwil Llasos, ang chairman ng institusyon para sa mga biktima ng pagligalig ng bulkang Taal lalo na ang mga mamamayan sa Batangas at karatig lalawigan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 3,170 total reads

 3,170 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 38,606 total reads

 38,606 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 75,090 total reads

 75,090 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 93,301 total reads

 93,301 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 177,485 total reads

 177,485 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 5,175 total reads

 5,175 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top