Resolbahin ang mga kaso ng DUI bago Tokhang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total views

Nararapat gawing prayoridad at resolbahin ng Philippine National Police o PNP ang mga kaso ng tinaguriang Death Under Investigation o DUI sa halip na tutukan ang muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang na naging dahilan ng mga pagpatay sa mga hinihinalang drug users at pushers.

Ito ang mungkahi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Iginiit ng Obispo na sa halip na muling tutukan ng PNP ang implementasyon ng Oplan Tokhang ay mas nararapat na pagtuunan ng pansin ng pambansang pulisya ang pag-iimbestiga sa mga kaso ng death under investigation, pagtugis sa mga tinaguriang bonet gang at mga riding in tandem na pumapatay ng mga inosenteng sibilyan na may kinalaman sa kalakaran ng droga.

“Ang panawagan ko, ang daming dugo na dumanak tapos hindi pa natin iniimbestigahan ang mga deaths under investigation, hindi pa nare-resolba tapos ire-relaunch mo na naman yung Tokhang tapos patuloy pa rin yung pagpatay ng mga hindi kilalang mamamatay tao na tinatawag nilang unidentified assailants, bonet gang, riding in tandem, hindi ba trabaho din ng kapulisan ang habulin sila?” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Aminado ang Obispo na napapanahon na upang tuluyang mawakasan ang talamak na kalakalan ng illegal na droga sa bansa ngunit dapat dumaan sa tamang proseso ng batas ang operasyon ng mga otoridad laban sa mga pinaghihinalaang kasangkot sa iligal na droga upang walang masayang na buhay.

“Alam ko talagang we would like to put a stop to this drug menace pero sana naman sumunod tayo sa batas, let’s do it na naayon sa batas let us not waste life yun ang panawagan namin…” pahayag ni Bishop David

Maging si CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ay una na ring umapela sa mga pulis na sundin ang Standard Operating Procedures at mga bagong guideline o panuntunan na itinakda sa Oplan Tokhang upang matiyak ang kaayusan at tamang proseso ng batas sa kampanya laban sa talamak na kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.

Matatandaang batay sa pagtataya ng Human Rights Advocates ay umabot sa halos 30-kada araw ang naitatalang namamatay noong kasagsagan ng Oplan Tokhang bago ito pansamantalang itigil noong nakalipas na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 84,793 total views

 84,793 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 98,370 total views

 98,370 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 126,934 total views

 126,934 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 174,556 total views

 174,556 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 163,667 total views

 163,667 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top