700 Yolanda survivors, magtatapos sa kolehiyo ngayong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 442 total reads

Pitong daang mag-aaral na Yolanda survivor ang nakatakdang magtapos sa kolehiyo sa ilalim ng scholarship ng Caritas Manila ngayong taon.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, ang mga estudyanteng ito ay kabilang sa 1,600 na magtatapos sa kolehiyo ngayong Marso sa ilalim ng Youth Servant Leadership Education Program-Educational Assistance Program (YSLEP-EAP) ng Caritas Manila.

“Ngayong Marso ang pinakamalaking batch natin na graduates 1,600 ang gagraduate ng college sa scholarship ng Caritas na YSLEP. At dun sa 1,600 na yan 700 ay Yolanda victims mula sa Leyte at Coron.” pagbabahagi ni Father Pascual sa Radio Veritas

Inihayag ng pari na ito ang pinakamalaking batch ng mga magsisipagtapos at nataon din sa ika-aapat na taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda na dahilan para ilunsad ang scholarship program o YSLEP sa lalawigan.

Patuloy namang hinihikayat ni Father Pascual ang publiko na patuloy na magbahagi ng kanilang tulong para suportahan ang 5,000 college scholars sa buong bansa ng Caritas Manila na nangangailangan ng P125-milyon kada taon.

“But with our limited resources, ngayon nga ang adbokasiya ng simbahan ay stewardship na kung saan ay hinahamon ang mga katoliko na mas magbigay pa tayo at mag-abuloy para mapakinabangan ang ating mga programa sa mahihirap lalu na sa social services and development ministries,” ayon kay Fr. Pascual.

Ibinahagi din ni Father Pascual ang patuloy na paghahanap ng Caritas Manila ng mga church organization para tumulong sa mga mahihirap kung saan ngayong taon ay may 100 organizations na ang regular na tumutulong para sa scholarship, medical para sa mga matatanda, sa mga bata at may kapansanan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis sinabi nitong ang pagbibigay ng kawanggawa sa kapwa ang pinaka-diwa ng misyon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,105 total reads

 61,105 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,602 total reads

 147,602 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,638 total reads

 190,638 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,397 total reads

 240,397 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,646 total reads

 398,646 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top