Faith tourism, pasisiglahin sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Hinihikayat ng Department of Tourism ang mga Filipino na balikan ang pagdedebosyon sa pananampalatayang kanilang kinaaniban sa pamamagitan ng pagbisita sa mga banal at makasasayang lugar sa bansa.

Ayon kay Director Rebecca Villanueva-Labit, 95 porsiyento din ng mga kapistahan at pagdiriwang sa bansa ay nakaugat sa pananampalatayang Katoliko at maging sa ibang relihiyon.

“Makasaysayan ang pinagmulan ng Katolisismo at iba pang relihiyon. Philippine is so diversed in terms of religion at pinag-aaralan naming maigi how we will be able to put into the platform of tourism. Kailangan bumalik tayo sa pagiging devoted sa pananampalatayang pinaniniwalaan,” ayon kay Labit.

Tinukoy ni Labit na marami sa mga festival sa buong Pilipinas ay faith based.

“Sinulog, even the Pahiyas festival in Quezon, faith-based iyan ay ginagawa sa pasasalamat sa ating Patron sa si St. Isidore. So napakarami at mahaba ang istorya ang mga pinagmulan ng mga festival na ‘yan maging selebrasyon tulad ng Traslacion in devotion with the Nazarene.” Pahayag ni Labit

Noong Enero, umaabot sa 18 milyong katao ang nakiisa sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno maging sa pagdiriwang ng Santo Nino sa lalawigan ng Cebu.

Sinabi rin ni Labit na nakikipag-ugyanayan na rin ang kaniyang tanggapan sa mga simbahan sa bansa para mapasigla at mas makahikayat ng mga pilgrims lokal man at mga dayuhan na makilahok sa pagdiriwang na ito.

Ayon pa kay Labit ngayong Mayo ay nagsisimula na rin ang pagtutulungan ng simbahan at DoT para sa pagdiriwang ng ika-400 taon ng pagdating ng Our Lady of Mt. Carmel sa Pilipinas.

Una na ring inilunsad ng Basilica Minore de San Sebastian ang isasagawang pagdiriwang para sa ika-4 na sentenaryo ng pagdating ng Our Lady of Mount Carmel de San Sebastian sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Antonio Joy Zabala, rector at parish priest ng San Sebastian Church magkakaroon ng malaking pagdiriwang ang Our Lady of Mt. Carmel sa May 4, 2018 – sa pamamagitan ng fluvial procession.

Ito ay isang re-enactment ng pagdating ng orihinal na imahe ng Our Lady of Mt. Carmel noong 1618 ang unang iniluklok sa bagong bayan bago inilipat sa San Sebastian Church – bilang permanenteng luklukan ng imahe taong 1621.

Pangungunahan naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa sa Quirino Grandstand kasama si CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,077 total reads

 61,077 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,574 total reads

 147,574 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,610 total reads

 190,610 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,369 total reads

 240,369 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,619 total reads

 398,619 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top