Pagkilos at pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 497 total reads

Ito ang hamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity sa mga mananampalataya upang mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi sapat ang mga pag-aaral lamang patungkol sa encyclical na Laudato Si ni Pope Francis dahil ang tunay na kinakailangan ng mundo ay positibong pagkilos ng mga tao.

Nanawagan din si Bishop Pabillo sa mamamayan na baguhin ang gawi ng pamumuhay at ang pag-uugali upang mas lalong maging mapagmahal sa lahat ng nilikha ng Panginoon.

“Dalawa ang aking pabaon na mensahe, ang isa, let us act now. Ibig sabihin baguhin natin ang ating lifestyle, marami tayong narinig tungkol sa pagbabago na hinihingi ng kalikasan sa atin. At pangalawa kailangan nating palaganapin ang mensahe ng Laudato Si kaya yung mga nakadalo ng conference ay sana maging masigasig sa pagpapalaganap nito kasi we don’t have the luxury of time, talagang malaki ang pangangailangan sa pagbabago ng ating pamumuhay upang mapagalagaan natin ang kalikasan.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Samantala, hinimok naman ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na maging lebadura sa lipunan.

Paliwanag ni Bishop David, dahil sa mga pag-aaral sa encyclical ni Pope Francis para sa kalikasan, nagiging malinaw sa mga mananampalataya ang prinsipyo at moral na aral na itinuturo ng simbahan kaugnay sa tamang pangangalaga sa kapaligiran.

Sinabi ng Obispo na mula ditto ay kinakailangang maipamalas at mapanindigan ng bawat mananampalataya ang kanilang espesyal na misyon sa lipunan at sa sanilikha.

“Dapat tayo yung lebadura sa lipunan, kasi ngayong malinaw na sa atin ang mga prinsipyo, mga values na pinaninindigan natin para sa kalikasan at sa ating kapaligiran, kailangan makita natin na ito, ay essential aspect of the gospel. Sana panindigan natin ito, hindi lang sya seminar na may natutunan ka, hindi sya ganon. Itong conference na ito ay tungkol sa, how we can make a difference as church, as local church, as parish communities, sa ating kapaligiran.” Bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Sa huli, pinasalamatan naman ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang mga mananampalatayang nakiisa sa pag-aaral ng Laudato Si.

Ayon sa Obispo, kahanga-hanga ang ipinakitang pagiging masigasig ng mga mananampalataya sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman sa Laudato Si. Bukod dito, isang mabuting tanda rin ang kahandaang matuto ng mga mananampalataya, na mapagtatagumpayan ng mga tao ang pagpapanumbalik ng kaayusan sa kapaligiran.

“Pasasalamat sa mga naging participants sa pagkat ito’y nagpapakita ng kanilang kasigasigan at ng kanilang pagnanais na ipalaganap at itaguyod itong ninanais ng ating Santo Papa na pangalagaan itong ating mundo at ang kailkasan bilang handog ng ating panginoong Diyos.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Famadico.

Matatandaang noong nakaraang linggo isang pagtitipon ang inorganisa ng Archdiocese of Manila kasama ang labindalawa nitong Sufragan Dioceses upang mapukaw ang puso ng mga mananampalataya kaugnay sa tamang pangangalaga sa kalikasan.

Humigit kumulang 1-libong mga indibidwal ang dumalo sa pagtitipon at inaasahang magiging mga tagapagtanggol ng sanilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,216 total reads

 60,216 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,712 total reads

 146,712 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 189,749 total reads

 189,749 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,508 total reads

 239,508 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 397,801 total reads

 397,801 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,317 total reads

 23,317 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,962 total reads

 52,962 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,806 total reads

 45,806 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top