327 total views

Mga Kapanalig, ngayong unti-unti na ngang lumuluwag ang mga quarantine restrictions, tiyak na marami sa atin ang nagbabalak magbakasyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Kasama ba kayo rito? Nasa listahan ba ninyo ang hagdan-hagdang palayan sa Ifugao?

Isa ang Ifugao sa mga bulubunduking lalawigan sa rehiyon ng Cordillera. Matatagpuan doon ang pinaka-engrandeng rice terraces sa rehiyon na tinagurian ngang “eighth wonder of the world.” Idineklara itong national cultural treasure ng ating pamahalaan noong dekada sitenta, at napabilang din sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites.

Tinatayang mahigit dalawanlibong taon na ang hagdan-hagdang palayang inukit ng mga taga-Ifugao gamit ang kanilang mga kamay. Pasa-pasa ang mga henerasyon ng mga taga-Ifugao sa pangangalaga ng mga ito. Tulung-tulong ang buong komunidad sa pagpapanatili ng mga palayan batay na rin sa katutubong kaalaman. Ginagabayan sila ng klima at panahon. Sumusunod sila sa maayos na pagpaplano sa paggamit at pangangalaga ng lupa. Hindi sila gumagamit ng mga kemikal; organiko ang paraan nila ng pagkontrol sa mga peste. Sinasabayan ang mga ito ng pagdaraos ng mga banal at sagradong ritwal ng mga katutubong Ifugao. Buháy na patotoo ang rice terraces ng katatagan sa harap ng mga hamong dala ng modernong pamumuhay at makabagong teknolohiya.

Ang mga tradisyong patuloy na isinasabuhay ng mga Ifugao sa maraming henerasyon ay nakatulong na mapanatili ang napakagandang tanawing sumasalamin ng pagkakaisa ng lahat ng sanilikha. Mamamalas natin sa hagdan-hagdang palayan ang pag-ibig ng Diyos hindi lamang para sa kaligtasan ng tao kundi pati ng kalikasan. Hindi nilikha ang kalikasan upang gamitin ng tao para sa kanyang kapakinabangan kundi upang makasama ng tao sa kanyang pag-iral sa mundo. Sabi nga sa Catholic social teaching na Laudato Si’, maling ibatay ang halaga ng kalikasan sa kung paano natin ito mapakikinabangan o mapagsasamantalahan. Ang kalikasan ay mayroong sarili at natatanging angking halaga.

Ngunit katulad ng lahat ng likas-yaman sa Pilipinas, nanganganib ang Ifugao rice terraces. Noong 2001 nakasama ito sa listahan ng World Heritage in Danger. Nagmumula ang bantang ito sa kakulangan ng atensyon sa pagpapatubig ng palayan, modernisasyon, at climate change. Bukod sa mga ito, marami sa mga kabataang katutubong Ifugao ang hindi na piniling ipagpatuloy ang pagsasaka gamit ang tradisyong naipasa sa kanila, lalo pa’t napakaraming oportunidad upang makapagtrabaho o makipagsapalaran sa siyudad at sa ibang bansa. Isa ring dahilan ang iresponsableng turismo kung saan naisakripisyo ng ilang residente ang kanilang lugar para kumita sa dumadagsang mga turista. Mabuti na lamang at naipasa ang National Heritage Act kaya natanggal ang Ifugao rice terraces sa listahan ng mga nanganganib na pamana ng mundo noong 2012. Ngunit marami pang kailangang gawin upang maibalik ang karilagan ng hagdan-hagdang palayan.

Kung mayroon mang naidulot na biyaya ang pandemya, ito ay ang pagpapahinga sa kalikasan, kasama na ang Ifugao rice terraces. Ginamit ng mga residente ang panahon ng quarantine upang ayusin ang nasirang palayan at magtanim muli. Ngayong marami na ang nababakunahan sa Ifugao, partikular sa Banaue, binabalak ng lokal na pamahalaang buksan ang ekonomiya nito sa mga bisita, yaman din lamang na turismo ang isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng mga katutubo at residente. Huwag nawang maabuso at mapagsamantalahan muli ang hagdan-hagdang palayan ng Ifugao.

Mga Kapanalig, sa pagbisita natin sa mga magagandang lugar sa ating bayan, maging responsible tayo. Gawin panata ang nasasaad sa Mga Awit 145:5 na ipamalita ang karangalan at pagkadakila ng Diyos, isaysay ang mga gawa Niyang kahanga-hanga. Malaking tulong ang responsableng pagbisita sa magagandang tanawin sa ating bansa hindi lamang upang masuportahan ang kabuhayan ng mga lokal na komunidad kundi upang bigyang-halaga ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng Maylikha.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 64,620 total views

 64,620 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 68,599 total views

 68,599 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 79,491 total views

 79,491 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,933 total views

 91,933 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 102,694 total views

 102,694 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 64,621 total views

 64,621 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 68,600 total views

 68,600 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 79,492 total views

 79,492 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,934 total views

 91,934 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 102,695 total views

 102,695 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,597 total views

 51,597 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 51,142 total views

 51,142 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,366 total views

 53,366 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,866 total views

 46,866 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,217 total views

 46,217 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 52,085 total views

 52,085 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,831 total views

 55,831 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,781 total views

 61,781 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,968 total views

 41,968 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 53,087 total views

 53,087 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top