Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtutulungan ng mga Filipino laban sa COVID-19, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 368 total views

Pinuri ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang sama-samang pagtutulungan ng mga Filipino upang tuluyang malunasan ang pag-iral ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay Bishop Santos, dahil sa pagbabayanihan ng mamamayan, unti-unti nang nakakamit ng bansa ang ganap na kaligtasan laban sa virus.

“Being one and united, we can move forward, rebuild lives and recover what was lost. Again, we heal as one. We pray as one. We serve and save as one,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay ito sa matagumpay na Bayanihan Bakunahan – National Vaccination Days ng pamahalaan noong November 29 hanggang December 1, 2021 kung saan umabot sa 8.1 milyong Filipino ang nabakunahan.

Samantala, sinabi ni Bishop Santos na ang patuloy na pananalig sa Diyos ang isa rin sa mga higit na nakatulong upang muling magkaroon ng pag-asa at malampasan ng bawat isa ang mga pagsubok na idinulot ng pangkalusugang krisis sa lipunan.

“Glory to God that COVID-19 is being contained. It is His mercy and power. He is our true hope and He will always attend to our needs,” saad ng Obispo.

Gayundin ay nagpapasalamat naman ang obispo sa mga medical front liners na hindi huminto sa pagtupad sa misyong paglingkuran at bigyang-lunas ang mga higit na apektado ng COVID-19.

“Gratitude to our health care workers. With their sacrifices and services we are cured, comforted and cared for,” ayon kay Bishop Santos.

Batay sa ulat ng Department of Health, naitala ang 356 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ang pinakamababang bilang mula noong July 2020.

Habang nasa 871 ang bilang ng mga gumaling laban sa virus at 92 naman ang mga nasawi.

Muli namang maglulunsad ng three-day vaccination drive ang pamahalaan sa December 15 hanggang 17, 2021 upang makatulong na maabot ang target na 54-million fully vaccinated Filipinos sa katapusan ng taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 24,954 total views

 24,954 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,042 total views

 41,042 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,709 total views

 78,709 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,660 total views

 89,660 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,719 total views

 31,719 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,720 total views

 31,720 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top