13-milyong piso, nalikom ng Pondo ng Pinoy ngayong 2021

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 944 total views

Ikinagalak ni Bishop Oscar Jaime Florencio ng Military Ordinariate of Philippines na umabot sa P 13-milyong piso ang koleksyon ng Pondo ng Pinoy ngayong taong 2021 sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bishop Florencio, isang biyaya mula sa Panginoon na matipon ang nasabing halaga sa pamamagitan lamang ng bente singko sentimos at mga maliiit na donasyon mula sa mga Filipino.

Naniniwala ang Obispo na hindi pa rin maisasantabi ang kagustuhan ng marami sa mga Katoliko na sa kabila ng mahirap na pamumuhay ay makapagbahagi pa rin sa kanilang kapwa.

“Actually napakalaki ng nalikom natin umabot ito ng P 13 million pesos tignan mo ito ay maliit na mga bagay. Hindi ito galing sa mayayayaman. Although mayaman kaya magbigay agad ng mayaman pero ito po nanggagaling sa mga kapatid natin na payak at nakalikom tayo ng ganito kalaki in a year,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng programang Caritas in Action.

Ang nasabing pondo ay ginamit ng Pondo ng Pinoy sa iba’t-ibang mga programa gaya ng scholarship, feeding, livelihood assistance at maging sa pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng kalamidad.

“Yung mga bagay na malalaki yung mga buildings lahat yan nagsisimula sa maliit minsan nakakalimutan natin magsimula sa maliit na bagay, wag natin kalimutan ang mga malaking bagay ang malaking proyekto nagsisimula sa maliit na bagay kaya nga sa pondo ng Pinoy kaunting tulong man pero malimit kahit piso at naiipon malaking tulong,” dagdag pa ng Obispo na siyang kasalukuyang treasurer ng Pondo ng Pinoy.

Magugunitang dahil sa COVID-19 Pandemic ay maraming mga Simbahan ang nilimitahan ang pagtanggap ng mga nagsisimba habang kasalukuyan pa rin nasa online learning ang lahat ng mga katolikong paaralan sa bansa.

Hinimok ni Bishop Florencio ang mga Katoliko na ngayong panahon ng Adbiyento ay patuloy na maglaan ng maitutulong sa mga nangangailangan.

“Importante ngayon Adbiyento naghahanda tayo sa pagsilang ng Panginoon ay ang pagbibigay kasi mismo si Hesus siya ay bigay sa atin. Tignan mo ang liit na bata, ang Niño Hesus ganun din ang diwa ng Pondo ng Pinoy kahit maliit basta malimit yan ay patungong langit.”

Taong 2004 nang ilunsad ni noo’y Manila Arcbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang Pondo ng Pinoy kung saan hinihikayat ang mga Katoliko na magtipon ng bente singko sentimos na siyang naging daan sa maraming proyekto ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 15,703 total views

 15,703 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 140,114 total views

 140,114 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 183,380 total views

 183,380 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 263,646 total views

 263,646 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 78,810 total views

 78,810 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top