Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa huli, katotohanan ang mananaig

SHARE THE TRUTH

 581 total views

Mga Kapanalig, ang pagkapanalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa nakaraang halalan ay itinuturing ng ilan bilang sukdulan o rurok ng pagbabalik sa kapangyarihan ng kanyang pamilya. Patunay daw ito ng tagumpay ng pamilya Marcos na burahin sa alaala ng mga Pilipino ang isa sa malalagim na yugto sa ating kasaysayan—ang Batas Militar o Martial Law sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos, Sr, ang ama kasalukuyang presidente.

Sa araw na ito, eksaktong limampung taon na ang nakararaan, iprinoklama ng nakatatandang Marcos ang Martial Law. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1081, inilagay niya sa kanyang mga kamay ang lahat ng kapangyarihan bilang tugon sa banta umano ng mga komunista at sa rebelyong nagaganap noon sa Mindanao.

Sa loob ng labing-apat na taon, inabuso ng rehimen ang kapangyarihan nito upang patahimikin ang itinuturing nitong mga kalaban. Mahigit tatlong libong kaso ng extrajudicial killings ang naitala. Nasa 35,000 katao ang tinortyur, at 70,000 ang ipinakulong. Marami ang nawala at hindi na muling nakita pa. Wika nga ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diyosesis ng San Carlos, ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ay isang okasyon upang alalahanin ang libu-libo nating kababayang inialay ang kanilang buhay para sa kapayapaan, kalayaan, at katarungan.

Marami sa atin—lalo na ang mga nakababata—ang hindi na nalalaman ang yugtong ito sa ating kasaysayan. Dulot na rin ng social media at ng perang ibinuhos sa mga troll farms na nagpapakalat ng maling impormasyon at propaganda, may mga Pilipinong napaniwalang “golden age” ang panahong nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan. Mapayapa raw ang bansa noong panahon ng Martial Law. May disiplina raw ang mga tao. Hindi rin daw totoo ang mga paglabag sa mga karapatang pantao. Kung may mga namatay o sinaktan man, kasalanan iyon ng mga pasaway at panay ang kontra sa gobyerno. Naninira lang daw ang mga hanggang ngayon ay tumututol sa Batas Militar.

Ngunit hindi dapat mawalan ng loob ang mga hindi nakalilimot. Saad nga sa Mga Kawikaan 10:7, “Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman, ngunit pangalan ng masama ay tiyak na mapaparam.” Hangga’t nariyan ang mga tumatanaw sa nakaraan at ipinagtatanggol ang katotohanan laban sa mga pilit bumubura dito, mayroong pag-asa. Hangga’t may mga pumapanig sa katarungan at isinasabuhay ang leksyon ng kasaysayan, laging magniningas ang sulóng iilaw sa landas na tinatahak natin.

Ang pag-alaala sa mga biktima ng malalagim na yugto ng kasayayan, katulad ng Martial Law, ay mahalaga upang magising ang ating konsensya bilang isang bayan. Ang konsensyang ito—kung hihiramin natin ang mga salita ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti—ang babangon sa atin sa harap ng bawat pagnanais ng pangingibabaw at pagkawasak. Hindi ito madali lalo na sa gitna ng pamamayani ng kasinungalingang bumubulag sa napakarami sa atin. Hindi ito maliit na hamon lalo pa’t nariyan lagi ang tuksong kumapit sa pera at suhol kapalit ng ating katapatan sa ikabubuti ng bayan.

Ngayong anibersaryo ng Martial Law, maglaan sana tayo ng panahon hindi lamang upang alalahanin ang mga biktima ng mapang-abusong rehimen. Maging pagkakataon din sana ito upang pagnilayan natin kung tayo, bilang mga mamamayan, ay tunay na nga bang malaya mula sa pananamantala at pagsasantabi.

Mga Kapanalig, sabi nga ng pilosopong si George Santayana, “Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.” Maraming masasamang bagay ang nauulit ngayon—karahasan, katiwalian, kasakiman, at kawalang-katarungan—dahil nililimot natn ang ating pinagdaanan noon. Makapangyarihan ang mga nanlilinlang sa taumbayan, ngunit tiyak tayong sa huli, mananaig ang katotohanan at hindi mabubura ninuman ang pinagdaanan ng ayting bayan sa ilalim ng diktadurang Marcos.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,766 total views

 69,766 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,541 total views

 77,541 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,721 total views

 85,721 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,332 total views

 101,332 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,275 total views

 105,275 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,767 total views

 69,767 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 77,542 total views

 77,542 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,722 total views

 85,722 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 101,333 total views

 101,333 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 105,276 total views

 105,276 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,450 total views

 59,450 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,621 total views

 73,621 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,410 total views

 77,410 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,299 total views

 84,299 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,715 total views

 88,715 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,714 total views

 98,714 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,651 total views

 105,651 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,891 total views

 114,891 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,339 total views

 148,339 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,210 total views

 99,210 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top