Video campaign against seabed quarrying, inilunsad ng Diocese ng Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 828 total reads

Sinisikap ng Diyosesis ng Imus na paigtingin ang kamalayan ng publiko kaugnay sa operasyon ng seabed quarrying sa baybayin ng Cavite.

Ayon kay Bishop Reynaldo Evangelista, naglabas na ng video campaign ang Ministri sa Kalikasan ng diyosesis na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon upang ipaliwanag ang masamang epekto ng seabed quarrying sa lalawigan.

Ipapalabas ang video sa mga parokya bago magsimula ang mga misa at pagtitipon upang maunawaan ng mamamayan ang kinakaharap na pagsubok ng diyosesis sa tungkuling panatilihin at pangalagaan ang mga likas na yaman laban sa mga mapaminsalang proyekto.

“Malinaw sa mga kaparian ng Diyosesis ng Imus ang ating layuning pigilan ang seabed quarrying dito sa Cavite. Sa ngayon, ine-educate natin ang mga tao tungkol sa magiging negative effects nito para malaman din nila ang magiging consequence nito sa mga tao lalo na sa mga community na mula sa dagat ang kabuhayan,” pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam ng Radio Veritas.

Nauna nang inihayag ni Bishop Evangelista na magsasagawa rin ng signature campaign ang diyosesis bilang bahagi ng pagsisikap na labanan at pigilan ang quarrying operations sa lalawigan.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P500-milyon at may lawak na higit sa 8,000 ektarya na pagpapalawig sa San Nicolas Shoal Seabed Quarrying Project ng VIL Mines, Inc. sa baybayin ng Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, at Ternate, Cavite.

Ang San Nicolas Shoal ay isang sand bar o sand barrier na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad malapit sa dalampasigan laban sa malalakas na alon at pagtaas ng tubig.

Iginiit ni Bishop Evangelista na kapag nagpatuloy ang seabed quarrying, tuluyan nang masisira ang tahanan ng iba’t ibang yamang dagat, na magdudulot naman ng kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 4,189 total reads

 4,189 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 104,075 total reads

 104,075 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 187,105 total reads

 187,105 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 281,436 total reads

 281,436 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 342,979 total reads

 342,979 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 213,663 total reads

 213,663 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top