Pangalagaan ang kawan, tungkulin ng bawat Pari

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari ng Archdiocese of Cebu na kaakibat ng pagiging pastol ng simbahan ang tungkuling pangalagaan ang kawan lalo’t higit ang mga naisasantabi sa lipunan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa buwanang pagtitipon ng mga pari ng arkidiyosesis kung saan tinalakay ang pagiging makabagong ‘Jose’ sa kasalukuyang panahon na handang tanggapin ang kalooban ng Panginoon.

“As priests, the image of becoming like Joseph who is trusted with the care of all, with Mama Mary of the holy family of the universal church, but in a very special way, with the care of the little Jesus- the vulnerable, it is a sacred task, and indeed that is who we (priests) are,” ani Archbishop Palma.

Pinagnilayan ng mga pastol ng simbahan ng Cebu ang temang “Becoming the New Joseph: Guarding the Weak and the Vulnerable” bilang pagpapaigting sa kanilang pagpapastol lalo’t may iba’t ibang usapin na kinasasangkutan ang mga pari ng simbahan.

Nagbigay ng panayam sa pagtitipon si Department of Justice, Tacloban City Chief Prosecutor Atty. Ma. Liza Jorda tungkol sa ginanap na Safeguarding International Conference sa Roma at ang Civil Law hinggil sa Protection of Minors.

Matatandaang isa sa isinusulong ng Kanyang Kabanalan Francisco ang paglaban ng simbahan sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.

Umaasa si Archbishop Palma na magiging tapat ang mga pari sa pagpapastol sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

“We can only pray that as we thank in Lord for the gift of the priesthood, we may also be able not only to glorify God for this dignity of becoming priests but also that we may be true to our responsibility of taking care of the little ones, the vulnerable,” giit ni Archbishop Palma.

Sa datos ng Catholic Hierarchy 612 ang mga pari ng archdiocese na karamihan ay diyosesano habang katuwang ang mga relihiyosop sa pangangasiwa sa 174 na mga parokya sa buong lalawigan.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
ads
ads
ads
2
3
4
ads
ads
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe us to receive latest News & Update in your inbox