Pope Francis, magdudulot ng pagbubuklod ang meeting ng religious leaders sa Kazakhstan

SHARE THE TRUTH

 449 total views

Naniniwala ang Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagtitipon ng mga religious leaders sa Kazakhstan nitong Setyembre ay hudyat ng pagbubuklod ng mga bansa sa buong daigdig.

Ayon sa Santo Papa ito ay paraan upang ipagpatuloy ang pagsisikap ng simbahan na makamtan ang kapayapaan sa daigdig sa pamamagitan ng dayalogo.

“This gathering (Seventh Congress of Leaders of World and Traditional Religions), together with its Final Declaration, is one more step forward on the path of interreligious dialogue, and continues a journey that began with the historic meeting in Assisi in 1986,” pahayag ni Pope Francis.

Matatandaang isa si Pope Francis sa mga lider na dumalo sa pagtitipon dala ang mensahe ng kapayapaan sa pakikipagpulong sa mga lider ng iba’t ibang religious leader sa buong mundo.

Sinabi ng punong pastol na kabilang na rito ang nilagdaang Document on Human Fraternity sa pagbisita nito sa Abu Dhabi noong 2019 na layong isulong ang pagkakaisa sa lugar na mayorya ay mga Muslim.

Iginiit ni Pope Francis na sa pagsusulong ng kapayapaan ay alalahanin ang mga martir na nagsisikap itaguyod ang pagbubuklod ng pamayanan.

“When speaking of these noble efforts, we must also remember the many martyrs of diverse nationalities and backgrounds who have borne faithful witness in their daily lives to God’s desire for peace and fraternity among his children,” saad ng Santo Papa.

Pinasalamatan ni Pope Francis ang pamahalaan ng Kazakhstan sa pagtanggap at matagumpay na ika – 38 Apostolic Visit kung saan nagkaroon ito ng pagkakataon na magasagawa ng Banal na Misa kasama ang isang porsyentong bilang mga katoliko sa 19 na milyong populasyon ng bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 13,980 total views

 13,980 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,500 total views

 31,500 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,076 total views

 85,076 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,318 total views

 102,318 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 116,807 total views

 116,807 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,450 total views

 21,450 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 26,077 total views

 26,077 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top