Sabwatan ng mga contractor, developers at NHA officials, nabunyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 363 total reads

Naniniwala si Senador Joseph Victor Ejercito ang Chairman ng Senate committee on urban planning, housing and resettlement na may sabwatan ang mga contractor, developers, engineers at ilang opisyal ng National Housing Authority ng nakalipas na administrasyong Aquino base sa pagsusuri ng komite hinggil sa mga pabahay na hindi natapos ngunit gumastos na ng napakalaking halaga.

Ikinalungkot ng mambabatas na tinatayang umabot na sa 64 – bilyong piso ang ginastos sa lahat ng mga proyektong pabahay sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda, Sendong,at Pablo at mga biktima ng Zamboanga Siege ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa sa kalahati o 50 bahagdan ang occupancy rate nito.

Ayon pa kay Ejercito, nakapagtataka din ang paulit-ulit na pagkakuha ng kontrata ng mga contractor at developers sa kabila ng hindi magandang kalidad na mga naunang proyekto.

“Doon po sa Yolanda, Sendong, sa Pablo at Zamboanga siege. Bali rehabilitations effort ang ginastos po natin ay mahigit ano na yata 64 billion yata kung susumahin mo lahat ng proyekto. At ang nakakalungkot dito ay dun sa 64 billion na yon wala pang kalahati o 50% ang occupancy rate. Marami sa mga proyekto na ginawa ay naka tiwangwang lamang mga hindi na tinapos ang nakakapagtaka dito may mga contractors or developers parang pa ulit ulit lamang na sila sila rin na makakakuha ng kontrata na kahit hindi maganda ang kalidad ng kanila pong gawa.” pahayag ni Senador Ejercito sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, tiniyak naman ng senador na hindi matutulad ang proyektong pabahay para sa mga residente ng Marawi City na naapektuhan sa limang buwang digmaan.

Dahil dito irerekomenda ng mambabatas na magbibigay lamang ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa bawat apektadong pamilya at magtayo nalang ng kani-kanilang mga bahay upang mas mabilis na magkaroon ng tirahan ang apektadong mamamayan.

“Parang isa sa mga option mabigay na lang ng resources ang ating pamahalaan. Kaniya – kaniya sila ng gawa tingin ko mas mabilis dahil kung aasahan mo ang gobyerno talagang may katagalan. Pangalawa mag bigay na lang sila ng financial assistance. Kaniya – kaniya sila ng gawa mas mabilis ho kasi dahil sa aking experience pag may mga sakuna o sunog ano man, pag ganiyang assistance mabilis ho silang makapagpapatayo.” dagdag ng senador.

Kaugnay dito naniniwala din si Senator Ejercito na malaki ang magagawa ng simbahan sa pagtulong sa mga nabibiktima ng sakuna at nararapat lamang na magtulungan ang lahat ng sektor sa lipunan sa pagbibigay ayuda sa mga nasasalanta.

“Mga katulong siyempre yung mga simbahan kasi iba rin ang dating kung simbahan talaga ang kumikilos para sa mga ganiyang sakuna o problema kagaya ng ganyang problema maganda rin na nagtutulungan. Yung separation ng church and state maganda yung nagtutulungan dahil yung ganitong pagkakataon dapat walang
separation.”

Magugunitang mahigit sa kalahating bilyong piso ang naipaabot na tulong ng simbahang katolika sa mga nasalanta noong bagyong Yolanda sa pangunguna ng CBCP National Secretariat for Social Action, Justice, and Peace o CBCP NASSA, Caritas Philippines sa pamamagitan ng programang REACH Philippines (Recovery Assistance to Vulnerable Communities Affected by Typhoon Haiyan in the Philippines).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,996 total reads

 46,996 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,779 total reads

 126,779 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,226 total reads

 160,226 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,524 total reads

 195,524 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,257 total reads

 420,257 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top