Salitang “war” sa kampanya kontra illegal na droga, nagiging license to kill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 341 total views

Hindi naaangkop ang paggamit ng salitang “war” sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Naniniwala si Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman, CBCP Episcopal Commission on Mission na dahil sa salitang ito ay nagkakaroon ng perspektibo ang mga mamamayan lalo ang mga pulis na pumatay ng mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Iginiit ng Obispo na hindi katanggap-tanggap lalo na sa isang Katolikong bansa ang paggamit sa naturang salita ay nagsusulong ng karahasan sa halip na gamitin ang rehabilitasyon at pagtulong sa pagbabagong buhay ng mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.

“Well I do not like that so called ‘war’ when it does is killing. Instead of killing them, he (Pres. Duterte) has all the power to rehabilitate them like that, but not simply because really because of his word people are encourage, policemen are encourage to prosecute people, i do not like that war because that is not the solution but war should not be in a Christian nation…” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police, mula unang araw ng Hulyo hanggang ika-12 ng Oktubre ay tinatayang aabot na sa 740-libo ang bilang ng mga sumukong drug pushers at users sa mga otoridad habang tinatayang aabot na sa 28-libong indibidwal ang mga naaresto mula sa higit 29-na-libong operasyon na isinagawa ng mga pulis sa buong bansa.

Umaabot na sa 1,566 ang mga namatay mula sa operasyon na isinagawa ng mga pulis sa buong bansa.

Kaugnay naman nito, nagsasagawa na ng dry-run ang Department of Health sa kauna-unahang Mega Drug Treatment and Rehab Facility na may lawak na 10-ektarya na nasa sa loob ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na kayang mag-accommodate ng 10-libong pasyente.

Kahapon, pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang paglulunsad ng drug rehabilitation program ng Simbahan na tinatawag na “ Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay” sa Manila Cathedral.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang programa ay tugon ng Simbahan sa kampanya ng Duterte administration laban sa illegal na droga at pagdeklara ni Pope Francis sa 2016 bilang Year of Mercy”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 64,497 total views

 64,497 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 64,497 total views

 64,497 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 64,497 total views

 64,497 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 62,516 total views

 62,516 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 57,109 total views

 57,109 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top