VeritasPH

The Word, The Truth

 327 total views

Homiliya para sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, Mayo 1, 2022, Jn 21:1-19

Minsan may nagpa-bless sa akin sa sakristiya, mag-asawang matanda, 50th wedding anniversary daw nila. Nagkuwentuhan kaming konti pagkatapos ng blessing. Doon ko nalaman na taga-Aparri ang lalaki at taga-Jolo naman ang babae. Wow, sabi ko, mula sa dulong north at dulong south, saan kayo nagkatagpo? Sabay silang tumawa. Ang lalaki ang sumagot—sa Manila bay daw. Bumibili ng fishball, fifty years ago. Pareho silang heartbroken. Bumagsak sa board exam si lalaki. Iniwan ng boyfriend si babae, nag-asawa ng iba habang nasa abroad. Pareho silang malungkot, naglalakad, naghihintay ng sunset nang makaramdam ng gutom at sabay lumapit sa fishball vendor. Binigyan sila ng vendor ng barbecue sticks, para sila na ang tumusok sa bilang ng fishball na bibilhin nila bago ito isawsaw sa sarsa.

Nagkataon, sabay nilang natusok ang isang fishball at nagkahiyaan at sabay pang nagsabi ng, “Ay sorry, sige sa iyo na.” At sabay daw silang naghalakhakan. Iyon ang pumawi sa lungkot nila. Iyon din daw ang naging parang ice-breaker nila para magkausap sila, magkakilalanan habang kinakain ang fishball nila. Iyon daw ang simula ng love story nila. Mula noon, taon-taon, imbes na kumain sa restaurant o maghanda para sa wedding anniversary nila, bumabalik-balik sila sa Manila Bay para kumain ng fishball at sariwain ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Ang sweet naman ano? Parang ganito ang kuwento ng ebanghelyo natin ngayon. Kumbaga sa Salubong na isinasaritwal natin tuwing madaling-araw ng LInggo ng Pagkabuhay, ito ang karanasang Salubong ni San Pedro.

Nasabi ko ito sa homily ko sa Salubong sa Malabon. Nagtataka ako kung bakit napakalakas ng hatak sa atin ng tradisyunal na ritwal na ito bilang mga Pilipino. Banyaga kasi sa atin ang Easter egg hunt sa pagkabuhay. Mas malakas ang dating sa atin ng Salubong. Iyong ritwal mismo na pinakahihintay ng mga nakikisalubong maikli lang—ito ang sandali ng pagtatagpo ni Mama Mary at ng anak niyang muling nabuhay.

Ang imahen ni Mama Mary ay Madre Dolorosa, Inang nagluluksa. Kaya nakabelong itim. Ang pinakahihintay na sandali ng mga dumadalo sa salubong ay ang pagbaba ng anghel para alisin ang belong itim.

Parang isang panalangin ang sandaling iyon. Ang alam kong kahulugan ng Salubong ay welcome. Pero pwede rin palang i-apply ito sa reconciliation o pagkakasundo. May kakilala kasi akong pamilya na nagkadimandahan dahil sa ari-arian. Noong huling kamustahin ko ang isa sa mga magkakapatid, maliwanag na ang mukha niya: “Salamat sa Diyos, bishop, nagkasalubong na rin kaming mga magkakapatid, sa tulong ng judge na kumausap sa amin. Hindi po kasi kami magkasalubong noon una.”

Totoo, di ba? Parang ang dilim ng buhay kapag hindi tayo nagkakasalubóng. Kapag pinaglalayo tayo ng mga hidwaan sa isa’t isa. At ang madalas na pumipigil sa ating pagtatagpo ng pananaw o pagsasalubong ay mga galit, hinanakit, mga bitbit na takot at pangamba o mga paunang hatol na nagiging dahilan para tayo magsara ng puso at isip at hindi na tayo makinig sa isa’t isa. Malungkot talaga ang buhay kapag hindi tayo magkasalubong, kapag nababalutan ang mga buhay natin ng mga belong itim.

Mula pa noong itatwa ni Pedro nang tatlong beses ang Panginoon, dumilim na ang daigdig para sa kanya. Pinadilim ito ng mabigat na konsensya dahil hindi niya napanindigan ang kaibigan niya dala ng matinding takot na baka siya rin ay mapahamak. Kaya sila nagsipagtago at nagkulong doon sa silid na pinagkainan nila ng huling hapunan.

Ang dilim na ito ang dahilan kung bakit hindi niya agad maintindihan ang sinabi ng mga babae na nakita nila ang Panginoon at ang bilin sa kanila ay sabihan daw sina Pedro na magkita-kita sila sa Galilea.

Saan sa Galilea? Napakalaking probinsiya ng Galilea. Luminaw lang kay Pedro kung saan noong maulit ang sitwasyon ng kanilang unang pagtatagpo sa ebanghelyong binasa natin sa Juan 21. Nasa chapter 5 ni San Lukas ang orihinal na kuwento. Pumalpak din sila noon sa pangingisda. Walang nahuli kahit isa. Kabiguan din ang nagpapadilim sa paningin niya.

Kaya di niya agad nakilala ang Panginoon. Buong akala talaga niya, ang taong sumigaw sa kanila mula sa pampang ay isang pulubing matanda na nagdidilihensya lang ng isda. Sabi ba naman, “Mga anak, may nahuli na ba kayo na makakain?” Alam ni Pedro na istrok ng mga nagdidilihensya. Mag-aalok na ipaghanda sila ng apoy na paglulutuan ng maa-almusal nila pagdating sa pampang, kung bibigyan siya ng konting maiuuwi. Kaya nang sabihin niyang “Wala po!” Palagay ko ang gusto talaga niyang sabihin ay, “Patatawarin po! Kay aga-aga nyo namang nagdidilihensya, e wala pa nga kaming huli. Tumahimik nga kayo diyan at nabububulabog ang mga isda. Minamalas tuloy kami sa diskarte.”

Aba, nagsuggest pa ang matanda kung saan ihuhulog ang lambat. Parang humihirit—na ang ibig sabihin, pag sinuwerte kayo pahingi namang konti, ok? Sabi siguro niya, “Sige na nga.” Kaya nang biglang bumigat ang lambat, parang biglang bumalik din sa alaala niya ang unang pagtatagpo nila. Ganitong ganito rin. Alam na niya kung sino ang kausap nila, pero naumid ang dila niya. Ang bunsong alagad ang nakasigaw, “Siya iyon!”

Nakakatawa ang description sa reaksyon ni Pedro—naconscious daw siya na hubad siya kaya dali-daling nagdamit, pero sa kalituhan, lumundag naman sa tubig. Para bang gustong lumubog sa kahihiyan, wala nang mukhang ihaharap sa kaibigan. Dito, ang Panginoon na mismo ang nag-alis sa belong itim na pumipigil sa kanya na lumapit. Maya-maya nasa pampang na rin siya katabi niya. Itong akala niya’y pulubing nagpapalimos ang siya palang magpapakain sa kanila.

Sa pangatlong beses na tinanong siya at pangatlong beses na sumagot siya, noon pa lang luminaw sa kanya kung ano ang ginagawa ng kanyang kaibigan—binubuhay siyang muli. Isang sagot ng pag-ibig sa bawat salita ng pagtatatwa. Ang nabasag nilang relasyon ay binubuo niyang muli. Kaya Salubong ni Pedro ang tawag ko sa eksenang ito.

Hayaan nyong ulitin ko ang dasal na ginawa kong conclusion sa homiliya ko noong Linggo ng Pagkabuhay:

“Panginoong Hesus ng muling pagkabuhay, hinihiling namin na pagsalubungin mo ang mga magkakapatid, magkakamaganak, magkakababayan, lalo na ang mga pinaglalayo ng mga alitan, hinanakitan, at hidwaan. Alisin mo po ang belong itim ng pagdududa at mga paunang hatol, ang mga sama ng loob at masamang pag-iisipsa isa’t isa. Pagtagpuin mo po ang aming mga pananaw sa liwanag ng katotohanan nang may kababaang-loob na makinig, na magsisi sa aming mga pagkakamali, na huwag manghusga, at magsikap na maunawaan ang pinanggagalingan ng bawat isa sa amin. Hayaan mong masilayan namin ang iyong mukha sa bawat isa sa amin upang ang liwanag ng iyong pagkabuhay ang magdulot sa amin ng tunay na pagkakasundo, at aming matanto na kami pala ay hindi iba, na kami’y magkakapatid, na kami’y magkakapamilya dahil tinuring mo kaming lahat bilang iyong mga kaibigan at kapanalig.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 1,561 total views

 1,561 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 9,097 total views

 9,097 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 25,083 total views

 25,083 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 33,128 total views

 33,128 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 38,208 total views

 38,208 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 15 total views

 15 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,771 total views

 2,771 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,187 total views

 7,187 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,513 total views

 2,513 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,036 total views

 3,036 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,535 total views

 4,535 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,379 total views

 5,379 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,634 total views

 3,634 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,847 total views

 7,847 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,080 total views

 7,080 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,292 total views

 11,292 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,740 total views

 4,740 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,744 total views

 4,744 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,744 total views

 4,744 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,736 total views

 4,736 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top