VeritasPH

The Word, The Truth

Sanib-puwersa para sa kapangyarihan?

SHARE THE TRUTH

 147 total views

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng huling araw ng substitution ng mga kakandidato sa darating na halalan, naging mas malinaw na sa atin kung sinu-sino ang mga magkakakampi. May mga umatras pa sa kanilang pagtakbo upang magbigay-daan sa tunay nilang kandidato. ‘Ika nga, nakita na natin ang kanilang tunay na kulay. Ngunit hindi na tayo nagugulat.

Upang magpakita ng kanilang lakas at suporta sa dalawang kandidato para sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, nagsanib-puwersa ang iba’t ibang national at regional parties sa bansa. Titiyakin daw nila ang pagkapanalo ng anak ng dating diktador at ng anak ng umiidolo rito. “Grand coalition” ang itinawag nila sa pagsasama-sama ng mga grupong pinangungunahan ng mga dating presidenteng sangkot sa iba’t ibang kaso ng katiwalian. Ang isa ay napatunayang guilty sa plunder o pandarambong. Bago natin malimutan, aabot sa apat na bilyong piso ang napunta sa katiwalian nang may basbas niya. Napatunayan ding tumanggap siya ng payola mula sa iligal na sugal. Plunder din ang kasong kinasangkutan ng isa pang dating presidenteng kasama sa koalisyon. Umabot sa mahigit 300 milyong piso mula sa lotto na dapat ipinamahagi sa mga charity institutions ang nakurakot. Matapos ang limang taóng hospital detention, na-acquit siya ng Korte Suprema kaya siya ay malaya na. Bago nito, inaresto siya dahil sa pandaraya sa eleksyon ngunit nagawa niyang makapagpiyansa.

Binuo raw ang “grand alliance” para sa unification o pagkakaisa. Ayon sa kanilang mga kandidato, bunga raw ito ng kagustuhang magkaisa ang bayan at hilumin ang mga sugat ng nakaraan. Ito raw ang magiging daan ng pagsusulong ng iisang layunin para sa mas magandang kinabukasan ng kasalukuyang henerasyon at ng mga susunod pa. Ang alyansa raw ang magdadala ng kapayapaan sa bayang lugmok sa maruming larangan ng pulitika.

Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, kinikilala ni Pope Francis ang katotohanang narurumihan ang pulitika dahil sa mga pagkakamali, katiwalian, at hindi maayos na pamamalakad ng ilang pulitiko. Kaya naman, nanawagan siya sa isang malusog na uri ng pulitika—isang pulitikang kayang baguhin at pag-ugnayin ang mga institusyon, pulitikang nagsusulong ng mabubuting pamamaraan ng pamamalakad, pulitikang kayang lampasan ang impluwensya ng sistema at mga nagpapatakbo nito. Dagdag pa niya, ang mga pulitikong nais manalo sa halalan ay hindi naman tunay na hinahangad ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon, ngunit ito ang hinihingi ng tunay na katarungan o authentic justice.

At ano ang tunay na katarungan? Ito ay katarungang nakabatay sa katotohanan, pag-ibig, at pagmamalasakit sa kapwa. Paano natin makakamit ang katarungan kung patuloy ang pagtatakip sa katotohanan para lokohin ang taumbayan at kalimutan ang kanilang mga kasalanan? Paano natin makakamit ang katarungan kung ang umiiral ay ang pagkapit sa kapangyarihan? Paano natin makakamit ang katarungan kung ginagamit lamang ang mahihina at mahihirap upang isulong ang mga makikitid na interes ng mga nasa poder?

Ngayong halalan, suriin nating mabuti ang mga taong nagsasabing sila ang magdadala ng pagkakaisa gayong sila mismo ang dumudungis sa pulitika. Tingnan natin ang mga nagawa at ginagawa ng mga taong nagpapakilalang maghahatid ng paghilom gayong sila mismo ang nasa likod ng matitinding sugat sa mga biktima ng kasakiman sa kapangyarihan at ng karahasan. Balikan natin kung tunay bang humingi ng pagpapatawad ang mga taong naghahain ng kanilang sarili para sa pagkakaisa nating lahat samantalang malalim na pagkakahati-hati ang kanilang idinulot sa ating bayan.

Mga Kapanalig, sa ating pagpili ng mga iboboto natin sa darating na halalan, pakatandaan natin ang habilin ng Diyos kay Jetro sa Exodo 18:21, “pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at ‘di masusuhulan.” Makikipagsanib-puwersa ba tayo sa mga pulitikong ang tanging hangad ay kapangyarihan?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,440 total views

 1,440 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,426 total views

 17,426 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,471 total views

 25,471 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,551 total views

 30,551 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,257 total views

 36,257 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 1,441 total views

 1,441 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 17,427 total views

 17,427 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 25,472 total views

 25,472 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 30,552 total views

 30,552 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,258 total views

 36,258 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,177 total views

 44,177 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,102 total views

 41,102 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,416 total views

 55,416 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,106 total views

 59,106 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,709 total views

 57,709 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,696 total views

 67,696 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,664 total views

 71,664 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,551 total views

 82,551 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,990 total views

 94,990 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,748 total views

 105,748 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top