Seguridad sa Trillion Peso march, tiniyak ng CLCNT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,784 total views

Tiniyak ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) ang kahandaan para sa seguridad at maayos na daloy ng programa para sa nakatakdang Trillion Peso March.

Ito ang ibinahagi sa Radyo Veritas ni Rev. Fr. Wilmer Joseph Tria, Vice President ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at Secretary General ng CLCNT na nag-organisa sa malawakang pagkilos laban sa sistematikong korapsyon sa bansa sa Setyembre 21, 2025.

Ayon sa Pari, katuwang ng CLCNT ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) na samahan ng mga retiradong heneral na mangunguna sa pamamahala sa seguridad ng nakatakdang pagtitipon.

Nilinaw rin ni Fr. Tria na mayroong mangangasiwa sa pagpapadaloy ng programa upang matiyak na manatiling nakatutok sa pangunahing layunin ang pagtitipon na pagtindig laban sa lahat ng anyo ng katiwalian at ang pagtataguyod ng mabuting pamamahala sa bansa.

“Ang malaking katulong, malaking supporter ng CLCNT ay yung ANIM yung mga grupo ito ng mga matitino na mga retired generals so sila yung in-charge sa security, at saka sa stage naman meron tayong control ibig sabihin mayroong magmo-moderate ng program upang may control yung CLCNT sa mga magsasalita kasi open naman ito sa lahat may mga kanya-kanyang sentiments, kanya-kanyang agenda so ayaw naman nating maging exclusive so inclusive tayo pero kailangan na naka-focus tayo dun sa pinaka-agenda which is to fight all forms of corruption.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Tria sa Radyo Veritas.

Inihayag rin ni Fr. Tria ang nagkakaisang paninindigan ng mga lider ng iba’t ibang denominasyon na bumubuo sa CLCNT na nagbunsod sa pagsusulong ng nakatakdang pagkilos upang maipahayag sa
sama-samang paghahangad ng katotohanan, katarungan at katapatan sa bayan para sa common good o kabutihan ng mas nakararami.

“Actually yung moral fire nagre-resonate sa kanila [iba’t ibang denominasyon] sila yung madaling makausap at nagsasanib pwersa, tulong tulong upang ipagtaguyod natin itong hustisya saka transparency sa ating gobyerno, kaya madaling mag-ipon-ipon, madaling magtulungan kapag yung common good ang pinag-uusapan.” Dagdag pa ni Fr. Tria.

Giit ng Pari, hindi dapat na magpabaya ang mamamayang Pilipino upang hindi patuloy na manaig ang katiwalian sa kaban ng bayan.

Pagbabahagi ni Fr. Tria, batay sa inisyal na pagtatala ay maaring umabot sa humigit-kumulang 30,000 ang lalahok sa pagtitipon na idaraos sa EDSA People Power Monument.

Ayon sa Pari, “Ang projection nasa 30,000 ang dadalo na mga tao, 30,000 hindi siya kasya sa Simbahan [EDSA Shrine] kaya doon sa Monument [EDSA People Power Monument].”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 110,293 total views

 110,293 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 132,403 total views

 132,403 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 206,443 total views

 206,443 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 201,919 total views

 201,919 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top