Masamang epekto ng coal mining sa South Cotabato, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,771 total views

Ikinabahala ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) ang posibleng epekto ng malawakang operasyon ng coal mining sa South Cotabato na maaaring makasiran sa mga solar-powered micro-grid villages ng mga katutubong Taboli Manobo.
Ayon kay LRC Campaigns Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, taliwas sa layunin ng bansa na lumipat sa renewable energy ang patuloy na operasyon at pagpapalawak ng 17,000-ektaryang coal mining corridor na may kaugnayan sa San Miguel Corporation.
Sa South Cotabato pa lamang, tinatayang 300 ektarya ng watershed ang nasira na, na naglalagay sa panganib sa anim na solar micro-grid villages na nagsusuplay ng kuryente sa 415 bahay ng mga katutubong Taboli Manobo.
Binigyang-diin ni Dulce na isa ang coal mining sa pinakamalalang dahilan ng climate crisis dahil pinapalawak nito ang paggamit ng fossil fuel na humahantong sa lalong pag-init ng kapaligiran, pagkasira ng kagubatan, at malawakang pagbaha.
“Coal mining represents the worst driver of the climate crisis as it perpetuates not only the continued production and consumption of fossil fuel that causes global heating, but also destroys forest carbon sinks and worsens the flooding crisis,” Dulce explained.
Sa nakalipas na mga taon, nakipagtulungan ang LRC sa Taboli Manobo S’daf Claimants Organization (TAMASCO) at iba pang katutubo sa South Central Mindanao upang magtayo ng solar micro-grid systems sa kanilang mga lupaing ninuno.
Matatagpuan ang operasyon ng coal mining sa 116,000- ektaryang Kabulnan watershed, na nagsusuplay ng malinis na tubig sa kalahating milyong residente sa South Cotabato, Sultan Kudarat, at Maguindanao del Sur.
Apat sa mga solar micro-grid ng LRC ay nakapuwesto rin sa nasabing watershed.
Samantala, ibinahagi rin ng grupo na kasalukuyang pinag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang posibleng pagpapasara sa lahat ng coal mining projects sa bansa.
Kabilang dito ang pagsusuri sa magiging epekto sa mga manggagawa at komunidad, at ang paghahanap ng mga alternatibong hakbang upang mapagaan ang magiging epekto ng pagsasara.
“It’s time for the Department of Energy to impose a moratorium on these new or expanding coal mining projects. Indigenous peoples are already showing us scaleable proof-of-concept of a just energy transition that aligns with their rights and safeguards the environment. It’s time we listened to their voices,” ayon kay Dulce.
Magugunita noong Nobyembre 2022, hinamon ni Marbel Bishop Cerilo ‘Alan’ Casicas ang pamahalaan na muling pag-isipang mabuti ang pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 175,972 total views

 175,972 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 206,195 total views

 206,195 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 232,841 total views

 232,841 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 327,814 total views

 327,814 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 337,436 total views

 337,436 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top