Pagpaslang sa isang abogado, kinundena ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,017 total reads

Mariing kinondena ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona, ang marahas at hindi makatarungang pagpaslang kay Attorney Joshua Lavega Abrina.

Ayon kay Bishop Mesiona, ang krimeng ito ay hindi lamang malungkot na pagkawala para sa pamilya at mga kaibigan ng abogado, kundi malinaw ding paglabag sa karapatan ng taong mabuhay.

“In a society where every individual should feel safe and secure, the reckless taking of another person’s life is entirely unacceptable,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Si Abrina, na nagsilbing legal officer ng Department of Education Palawan at Philippine Ports Authority Palawan, ang ikawalong abogado na pinaslang mula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022, batay sa tala ng National Union of Peoples’ Lawyer.

Ayon sa ulat ng pulisya, kagagaling lamang ng biktima mula sa isang prayer meeting kasama ang kanyang pamilya nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa tapat ng kanilang tahanan sa Barangay San Jose, Puerto Princesa, dakong alas-8:15 ng gabi noong September 17, 2025.

Naisugod pa sa hospital si Abrina ngunit idineklara ring dead on arrival.

Umaasa naman si Bishop Mesiona na gagamitin nang lubos ang kapangyarihang ng batas upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

“The pursuit of justice must be unwavering, ensuring that those who commit such violent crimes are held accountable and face the consequences of their actions,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Samantala, nagpahayag din ng pagkondena ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), partikular ang IBP Palawan Chapter, na nangakong hindi titigil hangga’t hindi natitiyak ang katarungan para kay Abrina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,640 total reads

 72,640 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,819 total reads

 107,819 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,119 total reads

 143,119 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,388 total reads

 369,388 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,800 total reads

 258,800 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,932 total reads

 154,932 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top