Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,847 total views

Homiliya – September 19, 2025

Friday of the 24th Week in Ordinary Time, 1 Timoteo 6:2c–12, Lukas 8:1–3

Kamakailan, nag-celebrate ng birthday ang pamangkin kong si Kara David. Binigyan siya ng birthday cake na may kandilang nakasindi, at tinanong kung ano ba ang wish niya. Ang sinabi niya sa video ay ang wish niyang mangyari sa mga nangungurakot sa bayan. Pabirong isinigaw, sabay halakhak at pinatay ang kandila. Aba, nagviral ba naman ang video! Nakaka-relate daw ang marami sa wish niya. Kasi nga ngayon, mainit ang usapin tungkol sa corruption sa Senado at Kongreso. Totoong ‘pag parang wala tayong magawa para masupil ang katiwalian parang natutukso na tayong maghinagpis at managhoy tulad ng maraming Salmo sa Bibliya na kapareho ng tono ng birthday wish ni Kara.

MACARTHUR HIGHWAY, VALENZUELA / SEPTEMBER 4, 2024
Motorists traverse a gutter-knee deep flood along McArthur Highway in Barangay Dalandanan, Valenzuela City, September 4, 2024, caused by moderate to intense rain from the enhanced southwest monsoon.
INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Pero may isa pa siyang video interview na sana nag-viral din. Ininterbyu siya ng isang pari tungkol sa mga values na napulot niya sa pamilya. Naalala daw niya ang kantang “Sana’y Mayaman” na madalas kantahin noon ng mother niya, ang yumaong hipag ko na si Karina Constantino David. Ang simula ng kanta ay tanong ng anak sa nanay niya: kung sila daw ba ay mayaman. Sabi naman ng nanay, hindi anak, pero nakakaraos lang naman tayo. Sasabihin ng bata na siya, ako gusto ko yumaman nang husto, para mabili daw ang gusto. Sabi ng ina:

“Anak, makinig ka. Sa ating mundo maraming lamangan, kasi mayroong suwapang na gustong magpakayaman. Di na bale ang ibang lunod sa kahirapan, basta’t makuha lang ang pansariling kabutihan.” At nagpaliwanag pa. Isipin mo aniya,
“Kung ang tao’y sampu, at ang pera’y sampu lamang
At walang lamangan sa mga mamamayan,
Sa ganitong sitwasyon, walang maghihirap…

Pero kapag may isa na kumuha ng lima, anong matitira sa siyam? Paghahati-hatian ang naiwang pera. Ang siyam ay maghihirap, at ang isa’y magpapasasa.

Magandang palaisipan, di ba? Ito ang ibinubunga ng kawalan na katatarungang panlipunan. Sabi ni San Pablo sa ating unang pagbasa ang korapsyon ay sa puso ng tao nagsisimula: isang bulok na puso—na walang pakundangan sa kapakanan ng iba. (Cor-ruptus mula sa cor, ‘puso’ at rompere ‘wasak’ : pusong wasak, kaloobang bulok.) Magandang pag-isipan habang pinakikinggan natin ang imbestigasyon sa mga maanomalyang mga flood control projects. Ang pondo na dapat sana’y panlaban sa baha at laan sa kalusugan, edukasyon at iba pang mga pangangailangan ng marami, napupubta sa bulsa ng iilan. Resulta: patuloy na nalulubog sa baha at kahirapan ang marami sa ating bayan.

Sabi ni San Pablo sa unang pagbasa:

“Wala tayong dala nang isilang tayo sa mundo, at wala rin tayong dadalhin sa ating pagpanaw. Kung may pagkain at damit, dapat masiyahan na tayo. Ngunit ang mga nagnanais magpakayaman ay nahuhulog sa tukso at sa bitag… Sapagkat ang pagkahunaling sa salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan.”

Ang salita para dito sa English ay: avarice—pagkaganid, pagkagahaman. Ito ang nangyayari kapag natuto ang tao nagsisimula mahalin ang pera at gamitin ang tao, imbes na mahalin ang tao at gamitin ang pera.

Sa Africa, may isang prinsipyo na tinatawag na Ubuntu: “I am because we are.” Ang ibig sabihin: ang tunay na yaman ay hindi nararanasan sa makasariling pagpapasasa, kundi sa pagkilala na ang ating buhay ay nakatali sa kapwa. Kung ang kapwa ko ay naghihirap, kahit maginhawa ang lagay ko hindi rin ako magiging tunay na maligaya.
Ang ebanghelyo ay tungkol sa mga babaeng may kaya na taos-pusong nagbahagi ng meron sila para mas marami ang maabot ng mabuting balita: na lahat tayo ay magkakapatid. Ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa dami ng pera, kundi sa lalim ng ating pakikipagkapwa at pakikibahagi.

Mga kapatid, ano ang mensaheng pwedeng baunin natin ngayon?

1. matutong makontento sa simpleng pamumuhay.
2. laging magpasalamat sa biyaya ng Diyos.
3. gamitin ang natatanggap nating pagpapala para sa kabutihan ng nakararami, hindi para sa sariling bulsa.

Sabi nga ng sumikat na tema noong ipagdiwang natin ang 500th year of Christianity: “Gifted to give.” Tayo’y Pinagpala para maging pagpapala sa iba.

Kung ituturing natin ang isa’t isa bilang kapatid, at ang lahat ng pondo ng bayan ay para sa ikabubuti ng lahat, maaampat natin baha ng kahirapan, wala sanang magugutom, at wala ring magpapasasa sa kayamanang hindi pinagpaguran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 14,898 total views

 14,898 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 65,582 total views

 65,582 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 71,711 total views

 71,711 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 101,303 total views

 101,303 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 119,456 total views

 119,456 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 842 total views

 842 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 68,115 total views

 68,115 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 18,407 total views

 18,407 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 22,280 total views

 22,280 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top