543 total views
Ang paggunita ng Semana Santa ay isang pagkakataon para sa bawat isa upang maipamalas ang pagpapasalamat sa Panginoon.
Ito ang bahagi ng mensahe at pagninilay ni Rev. Fr. Antonio Labiao Jr. Executive Secretary ng NASSA / Caritas Philippines kaugnay sa paggunita ng Mahal na Araw ngayong taon.
Ayon sa Pari sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya ay maipapamalas ng bawat isa ang pagmamahal at pagpapasalamat sa ginawang pagliligtas ng Panginoon sa sangkatauhan mula sa kasalan sa pamamagitan ni Hesus
“Mahalaga itong Semana Santa, the Holy Week gawin natin itong panahon ng blessing o week of grace o week of blessings from God as we commemorate His passion, death and resurrection. This week let us also do something to express our gratitude to God for His greatest love by dying and by rising for all of us and let us express this gratitude by helping others who are in need especially during this pandemic.” pahayag ni Fr. Labiao
Ipinaliwanag ni Fr. Labiao na siya ring Vicar General for Pastoral Affairs ng Diocese of Novaliches na bagamat mahirap para sa lahat ang krisis na dulot ng pandemya ay hindi dapat na maging hadlang ito upang makatulong at mapaglingkuran ang kapwa.
Ibinahagi ng Pari na ang pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng kapwa mula sa COVID-19 virus ay isang paraan upang maging daluyan rin ng kaligtasang biyaya ng Panginoon para sa lahat.
Sa ganitong paraan ayon kay Fr. Labiao at ganap na madarama ng bawat isa ang biyaya sa paggunita ng Semana Santa sa gitna ng panahon ng pandemya.
“It is really difficult for all of us but this is the time for us to serve one another as an expression of our gratitude to God who are gifting us life by protecting us during this pandemic and as we thank Him let us also continue to protect each other, we continue to sacrifice, we continue to serve one another, if we do this truly the Holy Week is really a week of grace and blessing to all of us.” dagdag pa ni Fr. Labiao.
Umaasa naman ang Pari na patuloy na maging mabunga at makahulugan ang paggunita ng Mahal na Araw sa bawat isa sa kabila ng muling pagbabawal sa pagsasagawa ng mga religious activities sa mga lugar sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna na muling isinailalim sa Enhance Community Quarantine dahil sa muling pagtaaas ng kaso ng COVID-19.