Obispo ng Tandag, humingi ng kapatawaran sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Ibinahagi ni Tandag Bishop Raul Dael na naipapahayag ang pagiging dalisay ng isang pastol ng simbahan tuwing nahaharap sa matinding pagsubok.

Ito ang pagninilay ng obispo sa chrism mass ng diyosesis kung saan ginanap ang ‘renewal of vows’ ng mga pari nitong Martes Santo, Marso 30.

“The purest part of the life and ministry of a priest will come out in times of difficulties, in times of trials, in times of crisis,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Dael.

Emosyonal ang obispo sa pagbabahagi lalo’t iba’t ibang hamon ang kinakaharap ng mga pastol ng simbahan lalo ngayong nahaharap sa krisis ang lipunan kung saan apektado rin ang mga simbahan at mananampalataya.

Aminado ang simbahang katolika na may mga paring sangkot sa ibat ibang usapin kabilang na ang sexual abuse na tinutugunan ngayon ng Vatican sa pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa kabila nito hinimok ni Bishop Dael ang mga kapwa pari na huwag sumuko sa bokasyon at paglilingkod sa Panginoon sa kabila ng mga suliraning kakaharapin.

“Mga igsoon nga kaparian ayaw pag-atras sa kalisod [Mga kapatid kong pari huwag kayong susuko kahit mahirap] because when you are encountering difficulties in ministry God wants to bring out the best in you, even in your failures, even in your infidelities and even in our sickness,” dagdag pa ng obispo.

Bukod dito humingi rin ng paumanhin si Bishop Dael sa nasasakupang mananampalataya sa mga pagkakataong hindi isinasabuhay ng mga pastol ng simbahan ang pagiging pari at hindi pakikinig sa hinaing ng mananampalataya.

Hiling ng obispo sa mananampalataya na patuloy ipagdasal ang mga lingkod ng simbahan na magampanan ang tungkulin batay sa ninanais ng Panginoon.

“Pasayloa kami kung unsa ang among kulang; pasayloa kami kung nadala kami sa among mga tawhanon nga mga panginahanglan [Patawarin ninyo kami sa aming mga pagkukulang]; pray for us that God will restore our vision that when we see you we see you as people of God,” ani Bishop Dael.

Sa datos ng Catholic Hierarchy noong 2018 48 mga pari ang nangangasiwa sa mahigit kalahating milyong mananampalataya ng diyosesis sa 30 mga parokya.

Binigyang diin ni Bishop Dael na malaki ang maitutulong ng mga panalangin ng mananampalataya upang manatiling mamuhay sa kabanalan ang mga pastol ng simbahan.

Tiniyak ng obispo sa nasasakupan na pinagsumikapan ng mga pari ng diyosesis na mapaglingkuran ang mananampalataya at maihatid ang mabuting balita ng Panginoon sa bawat tahanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,285 total reads

 96,285 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,340 total reads

 173,340 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,788 total reads

 206,788 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,088 total reads

 242,088 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 464,904 total reads

 464,904 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top