Sen. Hontiveros, nakikikiisa sa Circles of Discernment ng simbahan kaugnay sa kahalagahan ng Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,189 total views

Nakikiisa ang mambabatas sa Senado sa plano ng Simbahang Katolika na magsagawa ng mga pagtitipon, talakayan at circles of discernment upang magabayan ang mamamayan kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa mahalagang pakikibahagi ng Simbahan sa inilunsad na KOALISYON LABAN SA CHACHA!,-upang higit na maipalaganap sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaisa at paninindigan para sa kapakanan ng buong bayan.

Ayon kay Hontiveros, naangkop ang hakbang na pagsasagawa ng circles of discernment ng Simbahan upang mabigyan ng kaalaman ang taumbayan sa pagpapasya para sa kinabukasan ng bansa.

“Ini-echo ko yung imbitasyon ni Fr. Tony Labiao [Caritas Philippines Executive Director] na magdadaos muli ang Simbahang Katolika ng mga circles of discernment na una na pong isinulat ng mga Obispo sa kanilang sulat pastoral several years ago…” Ang bahagi ng pahayag ni Hontiveros sa Radio Veritas.

Naniniwala naman ang Senador na naangkop lamang din na makibahagi ang mga mambabatas sa isasagawang circles of discernment upang higit na mamulat ang kamalayan at paninindigan ng mga katungkulan na isakatuparan ang kanilang tungkulin na paglingkuran, pakinggan ang mga hinaing, at pangangailangan ng taumbayan at hindi ang interes ng iilan.

“Yung imbitasyon din na imbitahin din daw kaming mga mambabatas at yung mga lider naman natin sa executive, sumali sa discernment process na ito para kaming lahat ay mamulat na talagang ang dapat tugunan ay yung mga hinaing talaga ng mamamayan, ang mga hiling ng karaniwang tao at hindi yung pagkasangkapan sa Konstitusyon at pagbabastos actually sa Konstitusyon para lang sa interes ng iilan.” Dagdag pa ni Senator Hontiveros.

Una ng tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga talakayan sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas at magabayan ang mamamayan.

Nagpalabas na rin ng manifesto ang Senado hinggil sa mariing pagtutol sa People’s Initiative (PI) para sa Charter Change (Cha-cha) na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution na pinangangambahan ng mga Senador na maipasa ang pagbabago ng Saligang Batas at maisantabi ang kanilang 24 na boto kumpara sa mahigit 300 boto ng mga kongresista.

Ang KOALISYON LABAN SA CHACHA! ay binubuo ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa na naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas-ang sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 10,259 total views

 10,259 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 38,264 total views

 38,264 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 56,064 total views

 56,064 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 55,641 total views

 55,641 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 167,479 total views

 167,479 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,715 total views

 15,715 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top